CHAPTER 27

5 1 0
                                    

MIA POV

"Mia anak, bangon na." tawag ni Mom sakin.

"Mommy!" masayang sabi ko.

"I'll leave for now baby." she said.

Nagtataka naman akong tumingin kay Mom.

"Where are you going?" takang tanong ko.

Hindi na ito nagsalita pa. Umalis na lang ito sa harapan ko. Hinintay ko ito hanggang hating gabi pero walang Mom ang dumating. May isang lalaki na pumasok sa bahay.

"Hindi na uuwi ang Mommy mo." aniya.

Bigla akong nagising, napatingin sa table kung saan naka lagay ang larawan namin ni Mommy. Naalala ko muli ang panaginip ko at yung sinabi ng lalaki.

Tumulo ang luha sa larawan namin ni Mommy.

"I miss you so much Mom." i whispered.

Napatingin naman ako sa tabi ko. Wala na si Olivia sa pwesto na yun. Tinabi ko muli ang larawan sa kaninang pwesto. Tumayo na ako at nagtungo sa banyo para maka ligo.

Pagkatapos maligo nagbihis na muli ako ng uniporme. Kinuha ko ang phone ko.

I text Olivia.

Sinuot kona din ang sapatos ko. Tumunog naman ang phone ko. I thought its Olivia, laking gulat ko ng si Steven ang nag message sa akin.

I opened it.

StevenIntal: Hi, Mia Raphael can we meet? Please..🥺

Natawa naman ako sa emoji niya.

Ganiyan talaga ang tawag niya sakin na ikinaiinis ko sa tuwing buong pangalan ko ang binabanggit niya.

Nagtitipa ako ng mensahe para sana mareplyan ito, ngunit may nag doorbell.

Ilang minuto pa ng may nag knock sa door ko. Pinuntahan ko naman ito at binuksan. Bumungad si Manang sakin.

"Si Owen nasa labas, ihahatid kaniya daw." ngiting aniya.

Tumango naman ako.

"Salamat po Manang." sabi ko.

Umalis na ito. Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko. Hindi ko na din nareplyan si Steven sa biglaang pagdating ni Owen.

Pagdating sa labas naka ngiting Owen ang sumalubong sa akin.

"Anong nakain mo at ihahatid mo ako?" bungad ko sa kanya.

"Chill. Umagang umaga badtrip ka?" he said.

"Hindi ako badtrip." sagot ko naman.

May bagong mensahe ang nag pop up sa phone ko.

StevenIntal: I'll wait for you at the school cafe.😉

Napailing na lang ako sa mensahe niya.

"You look happy." Owen said.

"Ano naman sayo?" pagtataray ko kunwari.

"Sabi ko nga." he replied.

Naalala ko naman si Steven alam na kaya ng dalawang magkapatid na naka uwi na ang ex ng kapatid nila. Gusto kong maka kuha ng impormasyon kay Owen ngunit baka isipin niya na chismosa ako.

"Owen." panimula ko. "Alam niyo na ba?" tanong ko.

Pagtingin niya sakin nakataas ang kilay nito.

"Pag uwi niya?" aniya.

Tumango ako.

"Pareho silang nasa mall noong isang araw pero hindi sila nagkita." kwento ko sa kanya.

The Hidden Love (On going)Where stories live. Discover now