CHAPTER 18

7 1 0
                                    

MIA POV

Ilang araw ng naka confine si Mommy sa hospital, pero hindi pa din ito nagmumulat. I saw Olivia sleeping comfortably on the couch, ang ganda pa den kahit ganyan ang pwesto niya.

Linapitan ko si Mom at hinawakan ang kaniyang kamay, ganito lagi ang ginagawa ko.

"I missed you so much Mom, gising kana po." lambing ko sa kanya.

Tinitigan ko ang mukha niya marami pa ding gasa ang naka balot sa kanyang ulo.

"Sana ako na lang ang nasa sitwasyon mo Mom, para hindi ka nahihirapan ng ganyan." naglandas ang mga luha ko sa aking pisngi.

Napayuko ako sa bed na hinihigaan ni Mom at umiyak.

Nagulat ako ng may kamay na humagod sa likod ko, agad akong tumingin sa likuran.

"Magpakatatag ka lang Mia, strong si Tita." ani Olivia.

Nginitian ko siya.

"Kamusta pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya.

"Medyo bumubuti na. Sugat na lang dinaramdam ko." sagot nito.

Biglang pumasok ang Doctor na naka ngiti.

Tumayo naman ako.

"Kaunting oras pa and your Mother will wake up, we'll wait up to 8 hrs at maaari mo na siyang maka usap." ngiting sabi nito na ikinasaya ko den.

Humarap si Oli saken at ngumiti din.

"Thank you Doc." i said and i vow.

Tumango ito at nagpaalam.

Lumapit muli ako sa tabi ni Mom ng masaya, sa wakas makaka usap nakita.

"Mommy I can't wait." hinalikan ko ito sa pisngi.

"Mia punta lang ako sa ministop sa baba." sabi ni Olivia.

Tumingin ako sa kanya ng nagtataka.

"Anong bibilhin mo?" takang tanong ko.

"Ramen lang." tipid na sagot niya.

Tumango-tango ako at kinuha niya ang kaniyang wallet pati ang phone pagkatapos ay lumabas.

Umuwi ang kaniyang mga kapatid kaninang lunch dahil busy daw sila, nagtatanong ako kung saan sila busy ang sabi lang nila sa maraming bagay. Minsan nakakainis din kausap ang mga kapatid niya, parang mga kulang sa pag-iisip, minsan naman mga matured magsalita kaya hirap mahulaan.

Someone knocked at the door, napa tingin ako ng pumasok ang isang nurse na naka facemask at may hawak na mga gamot.

"Ah nurse 10 pa po tuturukan si Mommy ng mga gamot." sabi ko.

"I'll check her vitals, Ma'am." sabi nito.

Kahit nagtataka hinayaan kona lang ang gusto niyang gawin, naka ramdam naman ako na parang maiihi kaya pumunta ako sa cr.

Kumalam ang sikmura ko hudyat na nagugutom na ang mga alaga ko.

Tiningnan ko pa ang sarili sa salamin, pagkatapos ay lumabas. Saktong paglabas ko ang paglabas din ng nurse. Pumunta ako sa couch na hinigaan ni Oli, naka charge kase ang phone ko. Itetext si Olivia at magpapabili ng maraming pagkain.

Nang makuha ito umupo ako sa chair na nasa tabing kama ni Mom, tiningnan ko muna si Mommy ng naka ngiti.

I'll text Olivia.

Ilang oras pa ako sa paghihintay, dumating si Olivia na dala ang mga pinamili.

"Oh." aniya sabay abot ng isang plastik ng pagkain.

The Hidden Love (On going)Where stories live. Discover now