CHAPTER 12

8 1 0
                                    

CYRUS POV

I'm going to Avery to pick her up, gusto kong bumawi for what I did to her. Malapit na ako sa kanila nang mapansin kong nasa labas siya at may kausap sa loob ng sasakyan na Montero. Huminto ako ilang dipa mula sa pwesto niya, ang saya ng itsura niya.

Pinaandar ko muli ito at napansin niya ang sasakyan ko kaya dali-daling umalis ang sasakyan.

Pagbaba sa sasakyan ko dumiretso ako sa kaniya, kita sa kaniya ang pagkabalisa hindi ko naman alam kung napano ito.

"Who's that?" curious na tanong ko.

"A-ah. That was Nica, kinamusta lang ako." aniya habang balisa pa den.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ko.

Ngumiti naman siya ng pilit at tumango.

"What are you doing here?" biglang tanong niya.

Kumunot ang noo ko sa tanong niya dahil excited naman ito pag pinupuntahan ko siya.

"Sabay na tayo pumasok sa school." ngiting sabi ko.

"Ahh. Come inside Cyrus, Mommy is here." aya niya at pumasok kami.

I saw tita Averina sipping her coffee, when she notice me nginitian niya ako at inayang maupo.

"Ang tagal niyo naman mag-usap i thought hindi kana niya pa papasukin." tita suddenly said.

"Kadarating ko lang po Auntie." sabi ko.

Nagtataka naman siyang tumingin kay Avery at tumingin din ako sa kaniya, mukha siyang kinakabahan.

"Ahm.. mommy it was Nica kinamusta lang ako." pilit na ngiti niya kay Auntie.

"Pero galing siya kahapon dito, right?" nagtatakang tanong ni tita.

Weird

Hindi na ako nagsalita at hinayaan na lang, malaki naman ang tiwala ko kay Avery na wala siyang gagawin na ikakasakit ko.

Dumating si Manang at pinaghanda kame ng breakfast.

Wala ng nagsalita pa samin kaya sobrang tahimik ng hapag kainan.

***
I parked my car in parking lot and pinagbuksan si Avery ng pinto. Nginitian niya ako at kinuha ang phone.

Naglalakad na kame sa hallway ng school, nagtitipa pa siya sa phone niya at hindi ako kinakausap.

I saw her smiling while she's texting in her phone.

Muntik na siyang mabunggo ngunit agad ko itong naagapan.

"Sorry." paumanhin niya at tinuloy ang pagtipa sa phone niya.

Malapit na kame sa room nila nang hindi namalayan na lumampas ito.

"Avery here's your room." tawag ko sa kaniya nang lampasan niya ako.

Agad naman siyang tumingin sa gawi ko at dali-daling lumapit.

"Sorry again. Nica just texting me kase," aniya. "Una na ako Gian, take care." she said and kiss my cheek.

So weird

Iba ang kinikilos niya ngayon pero hindi ko na lang pinansin kaya pumunta na din ako sa room namen.

Pag pasok nakita ko na sina Deniel at Jackson sa table namin at nagk kwentuhan.

Umupo ako at narinig ang pinaguusapan nila.

"Why don't you court her?" dinig kong sabi ni Jackson.

The Hidden Love (On going)Where stories live. Discover now