CHAPTER 5

17 4 0
                                    

OLIVIA POV

"Remember Zoren and Henry, Oli?" Mia ask.

Binaba ko ang hawak kong macaroni at tumingin sa gawi niya. Nandito kasi kami sa balcony niya at nagka ayaan na mag food trip.

Umalis si tita may meeting daw siya together with auntie Cecilia, balak sana naming pumunta sa BGC ngayon pero hindi kami pinayagan ni tita.

"Oo. Bakit mo natanong?" sabi ko at kinuha ang mango shake.

She took her phone at ngumiti ng malapad.

"Do you want us to invite them to hang out here?" biglang sabi niya dahilan para maibuga ko sa kanya ang nasa bibig ko.

"Are you out of your mind?" hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya.

Inis niya namang pinunasan ang sarili sa pagtalsik ng iniinom ko sa kanya.

"Mommy won't be mad at us, specially gusto niya nga na may kaibigan tayong iba." aniya habang nagpupunas pa din.

"Kaibigang iba? Tapos lalaki?" sarkastikong sabi ko.

Pinanlakihan niya naman ako ng mata.

"Haler?! We're already 18,Oli!"

"Ikaw ang bahala, basta 'wag lang sila gagawa ng masama tatamaan sila sakin."

Agad naman siyang nagtipa sa phone niya at inilagay ito sa kanang tenga niya, nagtaka naman ako kung sino tinatawagan niya.

"Sino tinatawagan mo?" tanong ko sa kanya.

Pinindot niya ang phone niya at humarap sakin.

"Zoren and Henry, by the way hindi ko nasabi na in-add nila ako sa instagram and kinuha ang number ko."

Nagulat naman ako sa sinabi niya, ang bilis naman ng dalawang 'yon.

Biglang nag ring ang phone niya at sinagot agad ang tawag.

Lumayo siya ng kaunti sakin at nagtatalak.

Maya-maya lang lumapit siya sakin at masayang umupo sa tabi ko.

"On the way na daw sila agad HAHAHA." natatawang aniya.

"Lakas mo naman sa kanila."

Humarap siya sakin at nag ngising aso.

"Sinabi ko kasi ikaw ang nag invite."

Gulat naman akong tumingin sa kanya.

"Baliw kana talaga."

Ilang oras lang may kumatok sa pinto at pumasok si Manang.

"Iha, may naghahanap sa inyong dalawa." ngiting aniya.

Tumayo agad si Mia at nang makitang naka upo pa ako lumapit siya sakin at hinila ang kamay ko palabas.

"Salamat manang." aniya kay Manang at lumabas na kami.

Pababa na kami sa hagdan ng huminto si Mia at humarap sakin. Inayos niya ang damit ko at pumitik pa sa kamay.

Paglabas sa gate mga naka ngiting lalaki ang bumungad samin kaya napilitan pa akong ngumiti sa kanilang dalawa.

"Thank you for inviting us here." Zoren said.

Hindi agad ako naka sagot kaya kinurot ako sa tagiliran ni Mia, gulat naman ako.

"A-ahh.. Wala din naman kaming ginagawa,e." utal na sabi ko.

"Ahm.. Come inside zoren, henry." aya ni Mia.

The Hidden Love (On going)Onde histórias criam vida. Descubra agora