CHAPTER 30

5 1 0
                                    

MIA POV

Muntik na akong kumbulsyunin sa dalawang kasama ko, dinala ba naman nila ako sa hospital. Kapag magsasalita ako tinatakpan ang bibig ko ni Deniel. Pasalamat siya at gwapo kundi kanina pa nasapak.

"Okay na ako." kumbinsi ko sa kanila.

"No, you're not. You look pale pa, oh." sagot ni Deniel.

Pinipigilan kong hindi makasapak dahil gwapo sila, masisira ang image nila kung sakali. Kaya todo irap na lang muna.

"Promise, I'm okay na." kumbinsi ko muli sa kanila.

Bigla naman inihinto ni Jackson ang kaniyang sasakyan, dahilan para masubsob ako papunta sa harap.

"She's fine na siguro." sabi nito kay Deniel. Humarap ito sa akin. "Okay, pwede ka ng bumaba." aniya pa.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Seryoso ka ba diyan?" sarcastic na tanong ko.

"Yes." seryoso niya namang sagot.

Tiningnan ko si Deniel, pinipigilan nitong hindi matawa sa ginagawa namin. Alam ko na ginagawa nila, pinagt-tripan nila ako. Dahil diyan sige gagawin ko ang gusto ng isang 'to. Binuksan ko ang sasakyan at bumaba.

Naka layo na ako't lahat wala man lang pumigil man lang saken. Pero nagpatuloy ako sa paglalakad. Maya-maya pa may sumusunod na sasakyan mula sa likuran ko.

"Hey. Nagbibiro lang kame bakit ka bumaba." sabi ni Jackson.

Tumigil ako at hinarap sila. Nanlilisik ang tingin na pinukaw ko sa kanila.

"Hindi nakakatawa. Alam niyo porke mga gwapo kayo akala niyo magpapakipot ako? Manigas kayo!" sigaw ko sa kanila.

Natahimik sila at tumawa ng malakas. Sa inis ko sinipa ko ang sasakyan. Wala akong pakialam kung kaninong sasakyan 'yan ang mahalaga naka points din ako. Sa susunod na babawi ako yung sa mukha na para matuwa ako sa nagawa ko.

"Ang cute mo palang magalit." he stopped natatawa ito kung itutuloy pa ang sinasabi. "Mukha kang angry birds." aniya at malakas na tumawa.

Natawa den si Jackson. Matalim ko silang tiningnan at inirapan ng matinde tinde.

"Tawa now, iyak later." sabi ko.

Iniwan ko muli sila. Naka layo na ako nang walang Deniel at Jackson na nangulit muli. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip, napa hinto ako dahil may nakitang pagkain na mga street foods.

Ngunit may bumusinang sasakyan muli sa likuran ko. Handa ko na sana itong talakan ng makitang si Cyrus pala ito.

"Hey! Get in!" tawag niya sakin.

Dali-dali naman akong sumakay sa sasakyan niya.

"Sa wakas at may good samaritan na tumulong sakin!" sabi ko pagkasakay.

Agad niyang pinaandar ang sasakyan. Sumandal ako sa inuupuan ko.

"Why the hell are you walking? I thought they rush you in hospital?" nagtatakang tanong niya.

Dahil best actress ako.

"Medyo, um-okay na pakiramdam ko." i lied.

"Ganon ba. Anyways did you see Olivia?" tanong niya.

Nilagay ko naman ang bag ko sa backseat. Wag ka close naman kami ni Cyrus.

"Hindi,e. Eh 'diba kayong tatlo ang natira?" tanong ko naman.

The Hidden Love (On going)Where stories live. Discover now