CHAPTER 1

16.9K 698 52
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 1

Reborn • Strangers
---------------------------
--------------------------------------


"Anak! Huwag kang matutulog ha? Nandito pa sina mama at papa, huwag mo kaming iiwan."

"Doc, nakikiusap po kami. Iligtas niyo po ang anak ko!"

"Rei, anak!"

Mama...

Ang dilim. Sinubukang kong imulat ang mga mata ko ngunit hindi ko magawa. Di ko man sila nakikita ay naririnig ko parin ang iyak at pagmamakaawa nina mama sa akin na huwag silang iwan. Nanginginig ang mga kamay nitong nakahawak sa akin habang dinadala nila ako sa emergency room.

Gusto ko silang makita kahit sa huling pagkakataon man lang pero ayaw talagang mamulat ng mga mata ko. Bumibigat na rin ang pakiramdan ko at unti unti na rin akong nawawalan ng hanging ihihinga. Naririnig ko ang mga boses ng mga taong nag aassist sa 'kin na may kung ano anong pinagsasabi na di ko maintindihan. Pati ang iyak ni mama ay lumalakas rin. Ang mga kamay niyang nakahawak sa akin ay di ko na rin maramdaman. Mama... Papa... gusto ko silang tawagin ngunit nanghihina na ako hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.

"Tiny."

"Sshh, You might wake her up."

"She's cute like an insect."

"Her cheeks feels like a pillow, so soft. I want to pinch them."

Nagising ako dahil sa ingay ng mga taong nag uusap sa paligid ko. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko pero nabigo ako.

"She's moving! - aww! What was that for?"

"Do not shout, the baby will wake up."

Anong nangyayari? Sinubukan ko ulit imulat ang mga mata ko pero unti-unti lang. Nang magawa ko ng imulat ay bumungad sakin ang maliwanag na paligid at limang bulto ng tao na nasa itaas at mukhang nakatingin sa'kin ngunit hindi ko maaninag dahil malabo ang mga ito.

"Now she's awake, thanks to you, motherfucker!"

"Watch your mouth moron. If dad hears you, he will definitely break your neck."

"She's alive, I thought she's already dead."

"What the heck bro? She's just sleeping."

"Aren't she going to cry? She woke up because you're all noisy."

A-Anong nangyayari? Sino-sino ang mga ito?

Kumurap ako ng kumurap hanggang sa luminaw na ang paningin ko. Muli, limang lalaking may iba't ibang kulay ng mga mata ang bumungad sakin mula sa itaas. Pero bakit parang boses bata? Atsaka bakit sila nagmumura? My ghad! Nasaan ba ako!?

Teka? Itaas?

"Did you see that?! She blinked!" Usal ng batang lalaking kulay lila ang mga mata habang nakatingin sa akin

"Yes, so what?" Supladong sagot naman ng batang lalaking kulay asul ang mga mata at matiim akong tinititigan. Naiilang ako sa mga titig niya.

Hindi ko maintindihan. Sa pagkakaalam ko ay dapat patay na ako. Nasaan sina mama? Si papa? Ang mga doktor?

"Should we call dad? Or Butler Forger?" Tanong naman ng batang lalaking may berdeng mata at kulay kayumangging buhok.

"I think we should just tell butler Forger. Efrain, go to Butler Forger and tell him that Eri is awake." Utos ng batang may lilang mata sa katabi nito na tinawag niyang Efrain.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 1) (Completed) Soon To Be PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon