CHAPTER 26

7.7K 515 66
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 26

Bonding With My
Heartless Father
---------------------------
--------------------------------------




BAGOT Akong nakatitig sa itaas ng kisame habang ako'y nanatiling nakahiga sa kama ng aking amang abnormal. Hindi parin mawala sa aking isipan ang nangyari kagabi.

Pinilit niya akong matulog kahit hindi pa ako inaantok. Sino ba namang makakatulog ng gabi kung nakatulog na ako ng hapon at nagising na lamang ako ng alas-siete ng gabi dahil may mga nag gagandahang mga nilalang ang gumising sa akin?

Atsaka ang sama pa kung makatingin sakin ng abnormal kong ama, para bang handa na siyang patayin ako, langya. Pero syempre hindi ako nagpakita ng takot sakaniya. Ano bang klaseng ama ba siya? tss.

Nakakabanas siya, ang gusto niya ay siya ang parating nasusunod. Bahala siya sa buhay niya.

Hindi rin ako makapaniwala na ang mga mukhang anghel na dumalaw sa kuwarto ko ay sila-sila pala ang mga ina ng mga kapatid ko.

Ang nakapagtataka nga lang, kung narito ang mga ina nila upang bisitahin sila. Bakit wala yung ina ko? Wala ba akong mommy? Baka ayaw sa akin kasi babae ako? Hayss. Bahala siya diyan hindi yan dapat ang problemahin ko. Hindi ko naman kailangan ng ina na wala namang pakialam sa akin.

Narito parin ako sa kuwarto ng ama ko. Pumunta lang dito si butler Foros para kunin ako at ibigay kay Prescia, para paliguan at bihisan ako at pagkatapos nun ay dinala muli ako rito sa impyernong kuwarto ng ama ko.

Nagtataka din ako paggising ko ay hindi si Butler Forger yung pumasok sa kuwarto ni Erden na ama ko. Erden nalang pala itatawag ko sa ama ko tutal hindi naman kami close para tawagin siyang Papa,Daddy,Dada,Popsie and churva ek ek kung ano pa ang tawag sa ama, hindi ko siya tatawagin ng ganoon.

So yun na nga, wala si tandang Forger. Pero nagulat talaga ako kasi akala ko ay si Butler Forger yung pumasok sa kuwarto ni Erden kasi magkamukhang magkamukha sila! Tinawag ni Erden yung matanda na Foros at hindi Forger baka magkambal nga sila.

May pagkakaiba sa personalidad ng dalawang magkambal na matanda. Si butler Forger ay mahinahon kung magsalita at parating nakangiti, mabait din ito. Pero yung Foros nakakatakot kahit magkamukha sila ni Tandang Forger. Yung mga tingin nito nakakapangilabot, tsaka kung magsalita ay matigas. Basta matigas hindi ko maipaliwanag ng maayos. Atsaka tahimik lang ito at hindi gaanong palasalita.

Hindi ko nga alam kung nasaan na si butler Forger. Biglaan kasi ang pag alis nito eh. Namimiss ko tuloy siya.

Sumapit na ang tanghalian ngunit hindi parin ako nakakaalis ng kuwarto ni Erden. Dumating lang ito na may dala-dalang baby food at siya mismo ang nagpakain sa akin. Nagdadalawang-isip nga ako kung kakainin ko yung dala-dala niyang baby food, baka kasi may lason. Pero buti na lamang ay tinikman niya kung maayos ba ang lasa kaya nakahinga ako ng maluwang nang makita kong wala naman talagang lason.

Hindi ko parin talaga maintindihan ang lalaking ito kung bakit siya mismo ang nag-aasikaso sa akin. Hindi ba't may trabaho ito? Hindi ba siya busy?

"Is the food suit your taste?" ani Erden. Napakunot-noo naman ako, bakit bigla niya akong tinatanong? Hindi ko alam kung sa paano ako tutugon sakaniya kaya't tumango na lamang ako bilang sagot saka muli niya akong pinakain.

Hindi talaga ako makapaniwala na may ngipin na ako! I'm so happy!

Habang masaya akong kumakain ay hindi sinasadyang naidura ko yung pagkain. What the heck!?

Nagulat din si Erden kung bakit ko iyon ginawa. Nagkalat tuloy yung pagkain sa bibig ko papunta sa baba't dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa, aba malay ko hindi ko naman kontrolado ang katawan na 'to.

"Tsk!" singhal ni Erden. Mukhang nabadtrip dahil sa pagbuga ko ng pagkain. Papatayin na ba niya ako?

Nagulat ako nang pahigain niya ako sa higaan at itinabi sa gilid yung bowl na may lamang baby food. Mas lalong ikinagulat ko nang hubarin niya ang damit ko!

Jusme! Pati baby pinagnanasaan! Chos! Biro lang, nag o-overeact lang ako. Grabe ang bastos ko, taenang ka-OA-yan 'to nasobrahan.

Nang tuluyan niyang mahubaran ang pang itaas kong damit ay bigla siyang napahinto at napatitig sa katawan ko.

Potek! Anong klaseng reaksiyon yan!?

Tinitigan ko lang siya gaya ng pagtitig niya sa katawan ko. Napaigtad ako nang haplusin ng mga daliri niya ang aking dibdib.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 1) (Completed) Soon To Be PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon