CHAPTER 25

7.6K 430 24
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 25

Back To School
---------------------------
--------------------------------------


MADILIM ang awra ni Erden na papalapit kay Rosanna na hawak-hawak ang bata. Napaatras ang babae nang tuluyang makalapit na si Erden na salubong ang kaniyang mga kilay at masama ang tingin sa kaniya.

"Give her to me." mariing sabi ni Erden.

Magdadalawang-isip pa sana si Rosanna kung ibibigay ba niya ang bata kay Erden. Pero wala na siyang nagawa dahil sobrang sama ng tingin nito sakaniya. Huminga ng malalim si Rosanna saka maingat niya itong ibinigay ng tuluyan ang bata kay Erden, matapos iyon ay saka ito umatras at tumabi sa gilid kasama ang anak nitong si Eren.

Samantala si Esmeraude naman ay masama at matalim naman ang tingin sa batang nasa mga bisig ni Erden na matiim nitong pinakatititigan.

Napakagat na lamang sa sariling kuko sa hinlalaki si Esmeraude habang pinagmamasdan niya ang mag-ama.

Why!? Why is to that child!? She's just the child of a prostitute! Why her!?

What is so special about that child that you kept her alive?

You even named her that you never did to our son! And to your other children!

It is also one of the things you hate the most is to have a daughter! because they are just useless and a burden to you!

But why now? What happened to you!? What damn happened to you to make you like that Erden!

If you wanted to have a daughter so badly to make act like a sweet and caring father like that, I hope you didn't kill our daughter before!

"What are you doing here?" Bumalik na sa katauhan si Esmeraude nang marinig niya ang malamig na boses ni Erden at masama ang tingin nito sakanila.

Nagkatinginan ang mga madam sa isa't saka bumalik ang tingin nila kay Erden.

"We're just here to see the child. I just found out from Efraim that they have a new sibling so we just peeked for a while." kumukurap ang mga matang ani Angeline habang ang hintuturo nito ay nakadikit sakaniyang labi.

Mas lalong sumama ang tingin ni Erden na ikinaigtad ng ibang kababaihan. Nanatiling walang ekspresyon at mahinahong nakatingin si Xaviera na ina ni Eros kay Erden at samantalang si Esmeraude naman iritadong nakatingin sa mag-ama.

"If you have nothing else to do here, get out of here and go to your rooms then rest." walang ganang tiningnan ni Erden ang mga kababaihan saka lumabas ng kuwarto kasama ang bata.

Nang makaalis na ng kuwarto si Erden ay para bang binunutan ng tinik ang baga ang ibang mga madam dahil nakahinga na sila ng maluwang nang makaalis ang lalaki.

"My,my. So possessive to his child. Tsk, tsk, tsk." nakangising ani Angeline.

"Hays, His glaring eyes were intimidating!" mariing nakapikit ang mga mata ni Eleanor habang minamasahe ang gilid ng kaniyang noo.

Pilit na lamang ngumiti sina Rosanna at Esfir at napabuntong-hininga na lamang si Xaviera.

Nanatili namang masama parin ang kalooban ni Esmeraude kaya't nauna na itong umalis.

"Mom!" tawag ni Estevan kay Esmeraude.

Hindi namalayan ni Esmeraude na nakasunod pala ang anak nito sakaniya. Hindi niya ito nilingon at nanatiling mabilis ang mga hakbang nito at saka niya lamang napagtanto na hindi niya pa pala alam kung nasaan ang kuwarto ng kaniyang anak kaya huminto muna siya sa paglalakad saka hinarap niya ang dose anyos niyang anak na lalaki na hinihingal na nakatingin na sakaniya.

Pinagmasdan niya ang kabuuan ng kaniyang anak na nagtatakhang nakatingin din sakaniya.

"Estevan." sambit ni Esmeraude sa pangalan ng kaniyang anak.
"Ye...Yes, Mom?" takhang tanong ng bata.

Blangko ang ekspresyon at malamig na tiningnan ni Esmeraude ang kaniyang anak.

"You should do your best to get Erden to notice you, and he'll notice me too. Study and do all you can to surpass the children of those bitches." mariing sabi ni Esmeraude sakaniyang anak. Napatiklop naman ang labi ni Estevan at bumaba ang tingin nito sa sahig. " I know you will not disappoint me, my son." malambing anito sakaniyang anak saka hinaplos ang buhok ni Estevan.

"Do everything you can to surpass them, do you understand?"

Lihim na nanginginig na mariing nakakuyom ang kamao ni Estevan at dahan-dahan itong tumango na ikinangiti ni Esmeraude.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 1) (Completed) Soon To Be PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon