CHAPTER 27

8.8K 441 12
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 27

Good Boy
---------------------------
--------------------------------------



ILANG ARAW na ang lumipas at kasa-kasama parin namin ang mga ina ng aking mga kapatid. Abala sila sa pag-aasikaso sakanilang mga anak sa nalalapit nilang pagpasok sa paaralan.



Nakabili na sila ng mga kagamitan para sa eskuwela noong nakaraang araw na kaming dalawa lang ng ama ko ang naiwan sa bahay.



Gaya ng dati ay wala na naman ang mga nakatatanda kong mga kapatid na sina Estevan, Eleazar, Emir, Eros at Eren tuwing hapon, at sina Efraim,Efrain at Ermin naman ay kasama ko na naman rito sa playroom kasama ang kanilang ina.



Naglalaro ng car racing sina Efraim at Ermin gamit ang kanilang laruang kotse, samantala si Efrain naman ay nagbubuo na naman ng puzzle. Ganyan siya parati sa tuwing pupunta kami sa playroom, parating pagbuo ng puzzle ang hilig nitong gawin.



At ako naman? Syempre kasama ang dalawang naggagandahang ina ng dalawang kambal at ni Ermin.



Noong nakaraang araw kung kailan ko nakilala ang mga magulang ng mga bata ay hindi ko napansin ang ina ni Ermin, kasi nasa dulo pala ito ng mga araw na iyon, pati rin sa tanghalian at hapunan ay hindi ko napapansin ang ina ni Ermin na kasama naming kumain. Nasa kuwarto pala parati ito. Saka ko lamang nalaman na mahiyain pala ang ina ng bunsong lalaki. Walang hiya halos araw-araw kaming magkakasama rito sa loob ng bahay pero ngayon ko lamang nakita ang ina ni Ermin.



"Baby, what do you like? This? Or this one?" masayang ani na ina ng kambal na may hawak-hawak na maliliit na bracelet.



Akala ko pa naman nakatakas na ako sa pagiging christmas tree ng mga Corpus? Octopus? Ah basta! Sa pamilya ni Jadeite na ginawa akong christmas tree sa dami ng dekorasyon sa katawan ko na kung anu-anong mga palamuti ang inilalagay at isinasabit sa akin.



Mukhang mahilig ang ina ng dalawang kambal sa mga accessories, ginawa din ba naman akong mini christmas tree. Ang daming makukulay na ribbon na nakasabit sa ulo ko. Ganoon din sa bestidang pinasuot sa akin, na mayroong malalaking bulaklak na dekorasyon. Nagmukha akong paso.



"Madam Angeline, The child looks uncomfortable with what she is wearing." nag-aalalang ani ng ina ni Ermin na may hawak-hawak na cat ear hairband.



Angeline pala ang pangalan ng ina ng dalawang kambal. Ngayon ko lamang nalaman kasi hindi kami gaanong nagkikita sa bahay ng ilang mga nakalipas na araw dahil abala ang mga madam sa pag-asikaso sa kani-kanilang mga anak at ang kanilang trabaho.



"Oh? Is that so?" inosenteng tanong ni Angeline sa ina ni Ermin. "Hmm, Then let's just change her dress."



Gusto kong tampalin ang mukha ko dahil mukhang walang balak tumigil ang ina ng magkambal na gawin akong christmas tree.



"I think she wants to play? Bakit hindi na muna natin siya hayaang makipaglaro sa mga kapatid niya?" nakangiting suhestiyon ng ina ni Ermin.

Nakaramdam ako ng tuwa sa suhestiyon niya na iyon. Sa wakas makakawala na ako!



Maganda ang ina ni Ermin at halatang foreigner dahil sa mala-diyosa niyang itsura. Pero hindi ko aakalain na marunong pala itong managalog at para bang sanay-sanay na siyang magsalita sa lengguwaheng iyon.



Karamihan kasi sa ibang foreigner may slang pag magsasalita sila ng ibang lengguwahe.



Pumayag naman ang ina ng magkambal na si Angeline. Kaya't binihisan na niya ako ng maayos at komportableng damit na ikinapapasalamat ko dahil gumaan ang pakiramdam ko. Nakagagalaw rin ako ng maayos.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon