CHAPTER 34

6.5K 337 10
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 34

Bonding With
Little Sister
---------------------------
--------------------------------------




"ERI, Here's your milk." - Emir.



"Do you want me to sing you a lullabye?"- Efrain.



"Pet! Let's play!" - Efraim.



"Aww, your soft little hands and little fingers is so cute!" - Ermin.



"I can read you a fairytale story so you can sleep." -Eros.



"I will gently stroke your head until you fall asleep." -Estevan.



"Aish, What am I even doing here?"- Eleazar.



"I will gently pat your thigh, until you fall asleep, baby sis." - Eren.



Parang sasabog ang ulo ko sa sobrang sakit at sa sobrang hilo dahil pinalilibutan ako ng mga nakatatanda kong kapatid na lalaki. Hindi ko alam kung bakit sila naririto sa aking kwarto ngayong gabi.


Kaninang hapon na wala sila dito dahil nag-aaral sila sa eskwela ay tahimik naman ang buhay ko dito na wala sila.

Nagulat na lamang ako ay saktong alas-otso ngayong gabi ay sinugod nila ako rito sa kuwarto at nanghihingi nang tawad dahil hindi nila natupad ang pangako nilang pasasalubungan ako ng cupcakes. Susmaryosep.


Pinatutulog niyo ko pero hindi ako makatulog. Paano ako makakatulog kung masyadong maliwanag? Hindi ko tinutukoy ang ilaw sa buong kuwarto kundi sila. Sila ang maliwanag dahil nakasisilaw ang gandang mukhang mayroon sila. Ako kaya? Gaano ako kaganda kung ikukumpara sakanila?



"Baby, I found out from your new personal maid that you are learning to walk? I can't believe it because you're too young for that." manghang ani Estevan habang marahang hinahaplos ang ulo ko. Napansin ko lang kahit napakabata pa niya ay ramdam ko ang gaspang ng kaniyang kamay.



"Eri can walk now!?" sabik na ani Ermin habang panay kalikot at nilalaro ang daliri ko.



"Not yet." natatawang tugon ni Estevan saka ginulo ang buhok ng bunsong lalaki.



Pinagpatuloy na nila ang ginagawa nila sa aking pagpapatulog ngunit hindi naman ako makatulog kasi ang ingay-ingay nila lalo na si Efraim na panay sundot sa pisngi ko saka niya kukurutin. Hanep talaga itong batang ito, gusto ko ng hampasin.



Panay saway naman nina Estevan, Emir at Eros kay Efraim pero di nagpatinag ang loko, wala siyang pakialam kahit ilang beses siyang pagalitan ng mga kuya niya at panay gulo parin sa akin. Hayss. Baby palang ako pero stressed na agad. Kinginang buhay ito.



Ugh! Ang sakit ng buong katawan ko. Paano ba naman ilang oras lang ako sa walker kaninang hapon tapos inilapag ako ni Primera sa sahig para makapagpahinga, pero dahil matigas ang panga ko ay sinubukan kong kumapit sa paanan ng kuna ko para subukang tumayo.



At syempre dahil isa akong dakilang tanga, natumba ako dahilan para sumakit hanggang ngayon ang buong katawan ko. Pinag-alala ko pa sina Butler Foros, Forger, ang ina ng mga bata at si Primera. Mas lalo naman yung ama ko naka-auto call sa personal doctor namin. Hindi ko nga alam na may personal doctor ang pamilyang ito. Pero hindi na iyon kataka-taka kasi mayaman naman sila.



Yung nanay lamang nina Eros at Estevan ang walang pakialam sa nangyari sa akin potek.



"Young masters, you need to go back to your rooms. You still have school tomorrow." biglang sulpot ng matandang si Foros. Hindi parin ako sanay sakaniya kasi nakakatakot parin ang awra nito.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 1) (Completed) Soon To Be PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon