CHAPTER 10

10.5K 543 42
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 10

Valdovino Family
---------------------------
--------------------------------------

ISANG maaliwalas at hindi pamilyar na kwarto ang bumungad sa akin pagkagising ko na ipinagtaka ko naman.

Teka ano?

Nasaan ako? Hindi ito ang kwarto ko. Kumurap kurap ako at baka sakaling namamalik mata lamang ako pero hindi, nasa silid ako na hindi naman akin.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto, lahat ito ay hindi pamilyar sa’kin. Nasaang kwarto ba ako? Bakit wala ako sa kwarto ko?

At bakit puro barbie ang theme ng kwarto!? Kaninong kwarto ba ito?

Pilit kong dinapa ang sarili ko, at nang makadapa ako ay bumungad sa akin ang mukha ni barbie sa hinihigaan kong unan.

Takte ano ito!? Bakit ganito?

Lahat ng kulay ng furnitures dito sa loob ng kwarto ay baby pink at mga laruan sa bawat cabinet ay puro barbie dolls!

Tangina takot ako sa barbie ano ba!

Binabangungot ba ako ng gising? Gusto ko ng magising! Ayoko ng manika! Ayoko ng barbie!

May trauma ako sa mga manika noong mga panahong nabubuhay pa ako bilang si Rei. Bata ako nun ng niregaluhan ako ng tita ko ng malaking doll, syempre tuwang tuwa ako kasi nagsasalita yun kapag pinipindot yung button sa likod nito. Sa t'wing natutulog ako ay tinatanggal ko yung battery ng doll para hindi mag ingay kung sakaling mapindot ko yung button sa likod habang natutulog ako. Alas tres ng madaling araw, mahimbing na akong natutulog ng biglang magsalita yung doll na yakap yakap ko kaya nagising ako ng wala sa oras.

Nagulat talaga ako nun kasi sigurado akong tinanggal ko yung battery bago matulog. Nasa ibabaw pa nga ng cabinet ko yung battery. Simula no'ng mangyari yun ay di na ako natutulog ng mag isa kasi kahit tinapon at sinunog na ng mga magulang ko yung manika ay naririnig ko parin yung boses nito sa tuwing matutulog na ako sa gabi.

Pero sa tuwing makikita kong nireregaluhan ang kapatid kong si Rin ng manika o barbie dolls ay nanlalamig ako.

Nasaan na ba kasi ako!?

Prescia! Nasaan kana!?

Bumukas ang pintuan at inilabas nito ang isang matandang babae na kung titignan ay nakasuot ng damit na pangkatulong. Anong nangyari? Nasaan si Prescia?

Sa'ang lupalop na naman ba kasi ng mundo ako napunta?

“Oh jusmiyo, gising kana pala hija.” Usal ng matandang katulong.

Tagalog? Nagtatagalog siya?

Lumapit siya sa akin atsaka niya ako kinarga.

“Napakagandang bata, naku, halika na at paliliguan na kita. Hinihintay ka na nina Madame Karina at Sir Kieran.” Ani ng matandang katulong.

Ano raw? Madame Karina at Sir Kieran? Teka Kieran!?

Saka lang pumasok sa isip ko lahat ng mga sinabi sa akin ni Kei kahapon na itatakas daw nila ako ni Kieran bago dumating ang demonyo kong ama. Langya hindi ko akalain nagawa nga nilang dalawa na itakas ako sa impyernong mansiyon na iyon.

Tinakas nga nila ako sa impyerno pero dinala naman nila ako sa bangungot ko!

Dinala ako ng matandang babae sa banyo at bumungad sa akin ang bathtub na kulay pink!

The Mafia's Illegitimate Child (Book 1) (Completed) Soon To Be PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon