CHAPTER 21

8.1K 426 26
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 21

Welcome Back!
---------------------------
--------------------------------------



KINAUMAGAHAN ay masaya akong nagising, narito parin ako sa white house at dito na rin natulog. Naalala ko pa kagabi na nagtalo ulit ang apat na kung sino ang dapat kong makatabing matulog. Buti na lamang ay naroon si Nephrite kaya siya ang tinuro kong makatabing sa pagtulog kahit labag sa kalooban ko.


Hindi rin mawala-wala sa aking isip ang nangyari kagabi na inawat ko sila. Wala na talaga akong maisip na ibang paraan kung paano sila patitigilin tapos ayaw pang awatin ni Nephrite ang apat. Masayang-masaya pa siyang pinanonood silang nagkakapatayan na. Isa ring abnormal ang isang iyon, tsh.


-------------------------------
 FLASHBACK 
-------------------------------

"Isshtappuu!" Awat ko sakanila.

Agad naman silang nagsilingon sa akin, pati si Nephrite ay napatingin din sa akin.

Mariin akong napalunok at hindi malaman kung ano na ang susunod kong gagawin. Pero may isa akong bagay na naisip. Corny man ito pero wala na talagang ibang paraan.

"Daddi!" sambit ko saka ko itinaas ang dalawang braso ko.

Tiningnan naman ni Nephrite ang apat kung sino sakanila ang tinatawag ko.

Nagulat ako ng biglang naglakad si Nephrite papalapit sa apat na nakababa na ang mga hawak nilang baril at nakatingin sa akin.

Nang makalapit si Nephrite sa apat ay kinuha ko na ang pagkakataong gawin na ang binabalak ko.

"Dadi!" sambit kong muli na nakalahad parin sa ere ang mga braso ko.

Itinapat ako ni Nephrite kay Jadeite pero umiling ako. Itinapat naman niya ako kay Sirius pero umiling ulit ako. Huling itinapat niya ako kay Erden saka mas lalo kong itinaas ang mga kamay kong nakalahad sa harapan ng ama kong demonyo.

"Dadi!" masayang ani ko.

Kumunot noo lamang si Erden na ikinasimangot ko, nilingon ko naman si Sirius saka muli kong inilahad sa ere ang mga braso ko.

"Pappa!" ani ko na nakatingin kay Sirius. Nilapit naman ako ni Nephrite kay Siruis na ipinagpasalamat ko naman kay Nephrite.

"Oh.."-Sirius.

Napanguso naman ako saka nilingunan naman si Jadeite.

"Dadda!" sambit ko. Nilapitan rin ni Nephrite si Jadeite na nagpakurap-kurap saka tinabingi ang ulong nakatingin sa akin.

Sumama naman ang tingin ko saka huli kong nilingon si Kieran.

"Papi!" masayang ani ko, lalapit na sana si Nephrite kay Kieran pero naunahan na siya nito at agad akong kinuha ni Kieran kay Nephrite.

"My baby!" binuhat ako ni Kieran sa ere saka ako niyakap at hinalik-halikan ang buong mukha ko na muntik na kong masuka.

"I missed you so much!" ani Kieran. Alam ko langya ka, nangangati mukha ko dahil sa tumutubong bigote mo.

"See? I'm really her real father." pagmamalaki ni Kieran. Gusto ko sana siyang kotongan pero mahina pa ang mga buto ng katawang-sanggol na ito kaya sa susunod lamang.

"Moron." -Sirius.

"Pfft, I can't believe na pinag-aagawan niyo ang batang ito." natatawang ani Nephrite.

"We're not." sabay na tanggi nina Erden, Jadeite at Sirius.

"Pfft hahahaha!"-Nephrite.

"I just want to be the first to kill that child / I just took her from him to kill her." sabay na sabi nina Sirius at Jadeite dahilan para magkatinginan sila.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 1) (Completed) Soon To Be PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon