CHAPTER 29

7K 368 14
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 29

Double Trouble
---------------------------
--------------------------------------


DALAWANG ORAS na nakipagtitigan ang ama kong siraulo sa guwapong lalaking nagngangalang Eclot habang kandong-kandong ako ng ama ko sakaniyang mga hita dito opisina sa bahay niya.


Hindi sila gumagalaw sakanilang kinauupuan at nanatiling nakatitig sa isa't isa.


Pansin ko lang sa pamilyang ito. Ang hilig nilang tumitig maski ako napapagaya.


Wala ba silang balak basagin ang katahimikan na namumutawi rito sa kuwarto? Nakabibingi sa sobrang katahimikan. Gusto ko nang malaman kung sino ang lalaking nasa harapan ko at kung kaano-ano ba nila ito.

Sa pagkabagot ko ay sinampal ko ng marahan ang pisngi ng ama ko na nagpaigtad sakaniya at napatingin siya sa akin.


"Dah!" sambit ko at pinahihiwatig sakaniya na gumalaw na siya dahil hindi naman siya mannequin.


Kinunutan lamang ako nito ng noo saka dahan-dahang tumingin sa direksiyon ng binatang nagngangalang Eclot na ngayo'y nakangisi na.


Tumikhim muna si Erden bago tuluyang tumingin kay Eclot.


"What are you doing in this place? Isn't it true that your brother has ordered you to do something?" panimulang tanong ni Erden.


Bumuga ng hangin si Eclot saka sumandal sa sandalan ng sofa at inihiga ang kaniyang batok roon at tumingala sa kisame.



"There is, but I was bored to do so I ran away." tugon ng binata.


"Tsk, Now I know why he said he would come here too." bagot na wika ni Erden.


Napabalikwas sa pagkakaupo si Eclot saka nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Erden.


"What!? No way!" reklamo ng binata na parang bata. "What am I going to do now? I'm sure that madman will shoot me!"



"Then goodluck to you." pang-aasar ni Erden.



"Noo! Eillon! Brother! Please! Don't let that bastard shoot me!" mabilis na lumapit ang binata saka lumuhod sa harapan ni Erden na ikinaigtad ko kasi ang lapit niya rin sa akin. Hinawakan nito ang tuhod ng ama ko saka nagpa-puppy-eyes na ikinatawa ko kasi ang cute na guwapo niyang tingnan sa lagay na iyon.


Napansin iyon ng binata na tinawanan ko siya kaya mabilis kong itinikom ang bibig ko.


"What are you laughing at? Huh?" singkit ang mga matang anito sa akin. Sinamaan niya ako ng tingin at dahil kita iyon ni Erden ay pinitik nito ang noo ng binata.


"Ouch!" daing ng binata. "What was that for!?" reklamo nito na parang bata.


"Don't glare at her." ani Erden.



Ngumuso lamang ang binata saka tumayo sa pagkakaluhod nito.



"Anyway, Where can I hide? So that Elder brother Eusto can't find me." ani Eclot.



Eusto? Hudas is that?



"If you don't want your brother to find you, you should just stay with the Callistos." bagot na wika ni Erden habang kinakalikot nito ang maliliit kong mga daliri.



Ano na naman bang trip ng tatay ko sa akin?



Napatitig naman sa sahig si Eclot habang hawak-hawak nito ang kaniyang baba at hinahaplos at malalim na nag-iisip.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 1) (Completed) Soon To Be PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon