CHAPTER 30

7.5K 382 12
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 30

New Maid
---------------------------
--------------------------------------


NANATILING nakasubsob ang mukha ni Eclot sa kaniyang unan dahil sa kahihiyan na ginawa niya noong isang araw na pagdating nang kaniyang nakatatandang kapatid. Hindi niya akalain na ang dalaga na tagapag-alaga ng anak ni Erden at ang kaniyang nakatatandang kapatid ay dati palang magkakilala o sabihin na nating magkaklase sila noong highschool student pa sila.

Isa rin sa pinagmumukmok nito na makakasama niya ang kaniyang nakatatandang kapatid sa mansion ng kanilang pinsan hanggang sa matapos ang taon, kaya hindi parin siya lumalabas nang kaniyang kuwarto.

Umikot ito sakaniyang kamang hinihigaan at tumitig sa kisame. Ayaw na ayaw niyang makasama ang kaniyang kapatid dahil walang ibang ginawa kundi ang utus-utusan siya nito. Nakakabagot.


Bukas at sa susunod na bukas ay pasukan na ng mga bata, siguradong maraming mangyayaring hindi na naman nila inaasahan. Hindi naman sa nag-aalala sila sa mangyayari sa mga bata, sa katunayan hangga't maaga pa ay gusto nilang makita kung hanggang saan ang makakaya ng mga bata sa tuwing may panganib na aamba sakanila.


Suminghal muna si Eclot bago bumangon sa pagkakahiga nito habang nakabusangot ang mukha niyang nakatitig sa sahig papalapit sa pintuan ng kaniyang kuwarto.



"I'm hungry." ani sakaniyang sarili.



Akmang bubuksan sana niya ang pinto ng kuwarto, nang makarinig siya nang kaluskos sa ilalim ng labas ng kaniyang pinto ay kaagad siyang napatigil. Nagtataka siya kung bakit may kumakaluskos sa labas ng kaniyang pintuan kaya't dahan-dahan niya itong binuksan at bumungad sakaniya ang anak na paslit ni Erden na 6 months old na may kinakalikot sakaniyang pintuan na ngayo'y nanlalaki ang mga gulat nitong mga matang nakatingin sakaniya.



"Wuh." sambit ni Eri habang nakadapa sa sahig at nakatingalang gulat nakatingin sa binata.



Napaarko ang kilay ng binata habang nakatingin rin sa bata na may pagtataka.



What is this ugly bug doing outside my room?



"Hey, What are you doing here?" masungit na ani Eclot sa bata.



Sinubukan na iangat ni Eri ang kaniyang katawan upang subukang gumapang papalayo sa binata, ngunit ni isang pulgada ay hindi parin nakalalayo si Eri dahil sa madulas niyang kasuotan.



"What the heck, tsk." singhal ng binata saka yumuko upang kargahin ang bata. "Where's your nanny?" tanong nito sa bata nang makarga niya ito.



Ilang na nakatingin si Eri sa binata, hindi siya makatingin sa binata kaya't kung saan-saan na lamang siya tumitingin upang hindi magtagpo ang mga mata nila pareho.



Mas lalong nagtaka ang binata sa inasal ng bata kaya't hinawakan nito ang baba ni Eri at iniharap sakaniya.



"Are you avoiding my gaze?" seryosong ani Eclot.



Ilang beses na napakurap-kurap si Eri sa binata saka dahan-dahang umiling.



Nagulat ang binata sa ginawa ng bata.



"What the.. Do you understand what I said earlier? I saw you shake your head." may bahid ng pagkamanghang usal ni Eclot.



Nanlaki ang mga mata ni Eri kaya't iginalaw-galaw nito sa magkabilang banda ang kaniyang ulo para hindi mas lalong mag iba ang tingin sakaniya ng binata.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 1) (Completed) Soon To Be PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon