-------------------------------------
---------------------------
Chapter 36 Part II
Season 1 End of
Book 1
---------------------------
-------------------------------------
TAHIMIK at abala sa pagsisiyasat sina Forger,Foros at Asterias sa mga item na ninakaw nila sa Auction para hanapan ito ng mga clue na makapagbibigay sakanila ng impormasyon.
Ang mga clue na tinutukoy dito ay mga numero o code na ginagawang hidden message o password na ginawa ng mga naunang nag mamay-ari ng mga item na ibinenta sa auction at doon inilalagay ang mga sikretong mensahe o may iba pang gustong ipabatid dito. Napag-alaman ni Asterias na ang mga item na ilalabas sa auction ay karamihan ay ninakaw lamang ng mga aristocrat dahil ang mga ito ay may mga nakatagong mensahe. Kailangan nilang malaman kung ano ang mga nakatagong mensahe sa mga item na iyon at makakuha ng impormasyon.
Nagbabakasaling may malaman sila sa iba pang organisasyon na nagtatago kung saan maaaring malaman nila kung nasaang lokasyon ang mga ito o di kaya'y sa pinakatarget ni Erden ay may kinalaman rin."Aish! So boring! I wanna go home!" reklamo ni Kieran na nakaupo sa silya habang naninigarilyo. "Wala naman pala akong gagawin dito, bakit nananatili pa ko dito?" ani pa niya saka bumuga ng usok.
"Just help us here. Tss." usal ni Kayden habang may hawak-hawak itong malaking device at kinakalikot ito at hindi man lang tinapunan ng tingin ang kapatid.
"Psh." singhal ni Kieran saka nanigarilyo muli.
Muling natahimik ang paligid at muling inabala ang kani-kanilang sarili sa kanilang ginagawa. Sakabilang banda ay panay sulyap naman sa oras si Erden sakaniyang telepono.
It's 3am...
Malalim na bumuntong-hininga si Erden na kaagad na napansin ni Artemis habang nakaupo ito at nagtitipa sakaniyang laptop.
"Are you tired?" kaagad na tanong ni Artemis nang makita niyang malalim ang iniisip ni Erden sa harapan nito na nakaupo.
Kaagad na iniangat nang tingin ni Erden ang pinsan saka umiling at binaling muli ang tingin nito sakaniyang cellphone.
"Do you miss your daughter?" tanong na naman ni Artemis na nakapagpatigil kay Erden.
Ilang segundo pa itong napatigil at kaagad na sumagot.
"No." tugon ni Erden.
Napatango na lamang si Artemis at binaling na lamang ang kaniyang atensiyon sa kaniyang ginagawang pagtipa sakaniyang laptop, ngunit alam naman talaga nito na namimiss ni Erden ang kaniyang bunsong anak.
Tumayo na sa kinauupuan si Erden at lumabas ng warehouse para magpahangin. Hindi niya na alam kung ilang oras inaksaya nila sa paghahanap ng clue sa mga item, ngunit wala parin silang nahahanap kahit isa. Baka pain nga lamang nila yun para kagatin ng iba at umayon sa plano nila.
Mariing kinuyom ni Erden ang kaniyang kamao sakaniyang naisip. Mukhang naisahan na naman ata sila ng kalaban. Pakana man o talagang sinadya talaga nila na gawin iy ondahil may kung anong balak silang gawin, pero hindi niya alam kung ano ang binabalak nilang iyon, ngunit talagang naisahan nga sila.
Marahas na bumuga ng hangin si Erden saka tumingala sa langit.
"Maybe that little creature is asleep now." pagkausap sa sarili ni Erden.
Ilang minuto pang nanatili si Erden sakaniyang kinatatayuan at dinadama ang katahimikan sa paligid at ang malamig na hangin na tumatama sakaniyang balat.
BINABASA MO ANG
The Mafia's Illegitimate Child (Book 1) (Completed)
HumorSOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC [ B O O K 1 ] [ C O M P L E T E D ] R E A D A T Y O U R O W N R I S K ! ! Rei died in such an unexpected way but then suddenly she became an illegitimate child of a dangerous man? Rei used to live a normal colleg...