CHAPTER 14

11K 529 85
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 14

Another Daddy
---------------------------
--------------------------------------

“SAY ‘AH’.”

“Ah.” pagsunod ko sa sinabi ni Sirius.

Tinuturuan niya akong bumigkas ng ‘A,e,i,o,u’. Ito pala ang tinutukoy niya noong nakaraang araw na ituturo niya sakin. Akala ko talaga pinapaniwala niya lang ako para makuha niya ang tiwala ko pero di ko ini-expect na tototohanin niya pala 'yon. Nakakapagtataka lang kung bakit niya ako gustong turuan. Tapos yung tinuturo pa niya ay masyadong advance sa edad ko. Diba dapat pagguhit muna ang unang ituturo niya sakin bago ang pagbabasa o pagsasalita.

Ilang araw niya na akong tinuturuang bumasa at bumigkas ng ‘A,E,I,O,U’ pati narin yung english alphabets with pictures at kung ano-ano pa.

Mabait naman si Sirius sa'kin pero kahit na nakikita kong bumabait siya ay ganun parin yung ugali niyang pumapatay. Nagugulat na lamang ako sa tuwing may papasok sa opisina at luluhod sa harapan niya habang humihingi ng tawad dahil sa hindi nito nagawa ng maayos ang trabahong iniatas sa kanya ay babarilin niya na ito sa ulo. Tanginang lalaking 'to hindi pa nga tapos magsalita binabaril niya na agad. Nakakaawa sila at nakakatakot naman si Sirius.

“Say ‘Eh’.” aniya habang tinuturo niya ang titik ‘E’.

“Eh.” ani ko.

Hanggang sa ‘U’ ay sinunod ko ang tinuturo niya. Nangangalay na ang panga ko kakagaya sa sinasabi niya. Kaya pala siya bumili ng mga ganitong libro ay para sa akin pala, para turuan ako, pero hindi na bale iyon. Ang mahalaga ay nagagawa kong mag ehersisyo sa pagbigkas ng mga salita para makapagsalita na ako ng maayos.

Hindi talaga ako makapaniwala na ang isang mamamatay-taong gaya niya ay mahilig pala sa bata. Bakit hindi nalang siya mag asawa at magkaroon ng anak?

"Little mouse, we will have a visitor later so no matter what happens remember to not make any noise." seryosong sabi niya.

Tumango lang ako na ikinangisi niya. Makasabing huwag ako gagawa ng ingay parang sinasabi mo atang napakaingay kong bata. Hindi mo pa nga ako nakikitang umiiyak duh.

Dinala na ako ni Sirius sa aking kwarto at hinayaang maglaro atsaka siya umalis. Naku-curious tuloy ako kung sino ang bisita niya. Tinatago niya ba ako para hindi makita ng bisita niya? Masama ba silang tao? Pumapatay din ba sila gaya niya? Kinikilabutan tuloy ako sa iniisip ko.

Huwag na lamang ako gagawa ng ingay.

ALAS TRES na ng hapon at nandito parin ako sa aking kuna, nakaupo at nilalaro ang mga laruang binili sa akin ni Sirius. Sa sobrang pagkabagot ko ay wala na akong nagawa kundi laruin na lamang ang mga laruang binili niya para sakin.

Kumusta na kaya si Sirius kasama ang bisita niya? Nariyan na kaya sila? Gusto ko silang makita pero hindi naman pwede. Baka manganib na naman ang buhay ko.

Matagal-tagal na rin pala akong nandito sa mansyon ni Sirius, parang gusto ko tuloy ulit lumabas kahit sa hardin lang ako mamasyal.

“Awm boyd.” ‘I’m bored’. Sambit ko.

Hinagis ko ang laruan ko dahil sa pagkabagot ko. Ayoko na! Pagod na pagod na ako dito! Wala naman ako masyadong ginagawa pero nakararamdam ako ng pagod. Bakit kaya? Naiistress talaga ako.

Naalala ko tuloy noong nabubuhay pa ako bilang si Rei ay kumakanta ako para maalis ang stressed ko sa tuwing nagrereview ako para sa exam o di kaya ay gagawa ng thesis namin. Gusto kong kumanta pero hindi ako makakakanta ng maayos dahil bulol pa ako, wala pa akong ngipin. Pero di bale na lang, gusto ko paring subukan na kumanta.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon