CHAPTER 4

11.5K 603 56
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 4

Father • Daughter
---------------------------
--------------------------------------


꧁ ERI'S POV ꧂

KASALUKUYAN akong nasa kwarto ng demonyo kong ama. Napaka demonyo naman niya talaga eh, kinuha ba naman ako at trinatong parang isang plastic bag. Ganito yung ginawa niya sakin, ieexplain ko ha so magbasa kayo ng mabuti. Yung damit ko lang sa likuran ang hawak niya so ibig sabihin nakaharap ako sa sahig habang buhat buhat-----teka parang di ata tama yung term na buhat-buhat niya ako kasi di naman niya talaga ako binubuhat eh, bit-bit niya ako ok? BIT. BIT. NIYA. AKO. Iba ang bit-bit sa buhat ha. Yung buhat yun yung hawak ka ng mabuti, yung with care kumbaga, hindi PH Care ha iba rin yun. At yung bit-bit naman ay kabaliktaran, meaning wala siyang pake as long as hawak niya ako. Nakakatangina lang. Di ko talaga ugaling magmura pero ang mga taong ito na nasa paligid ko mapapamura ka nalang sa kawirduhan at kademonyohan. Lalo na yung mga bata.

꧁FLASHBACK꧂

"Hey, little kitten, it's bedtime." wika nito at iniangat ako mula sa higaan. Iniharap niya ako sa mukha niya yung para bang tinitingnan niya kung gumagalaw pa ba ang isdang nabili niya, yung isdang aalagaan ha hindi yung kakainin mabuti nalang pala at hindi lang ako ang patay gutom rito. Yung nagbabasa rin pala. Char, Joke lang po.

Lumabas na kaming dalawa sa silid ko, syempre hawak niya ako eh kaya kasama rin akong lumabas. Nakakalula naman tong paraan ng pagdala niya sakin. Pakiramdam ko tuloy, isang maling galaw ko lang ay mahuhulog na ako.

"Lord Erden!" dinig kong tawag ni Butler Forger.

"M-Milady..." Dinig ko ring sambit ni Prescia. Halata sa boses niya ang kaba. Sino bang hindi kakabahan kung makakita ka ng taong hawak ang isang bata sa iisang kamay lang. Nagmukha tuloy akong basurang itatapon niya.

Tanging dalawang pares ng paa lang ang nakikita ko hindi kalayuan sa kinaroroonan namin

Butler Forger! Prescia! Tulungan niyo ko!

"L- Lord Erden. This is not the way to carry a child. S-She is still two months old!" Kinakabahang wika ni Butler Forger.

"Lord Erden, please let me carry her." Pagprisinta ni Prescia.

Tama prescia! Ikaw nalang!

"Okay." Sagot ng demonyo sabay hagis sakin kay Prescia na ikinagulat ko at nagpakaba sa akin.

Talagang gustung-gusto niya akong patayin!

Hwaaaaaa! Prescia catch me!

꧁ END of FLASHBACK꧂

Kita niyo na anong ginawa niya sakin?! Napaka iresponsable niya talagang ama! Ihagis ba naman ako? Buti nalang at nacatch ako nina Prescia kung di dadanak talaga ang dugo sa hallway. Yun nga lang yung pagkacatch nila sakin ay palpak, mas malala pa nga ata yun sa demonyo kong ama. Nagturn upside down tuloy yung mundo ko. Para akong bolang pinagpapasahan nila. Nakakahilo!

The Mafia's Illegitimate Child (Book 1) (Completed) Soon To Be PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon