CHAPTER 17

8.5K 428 30
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 17

Invasion
---------------------------
--------------------------------------


"QUEL bel enfant."

"Félicitations pour avoir une petite-fille si beau et adorable, Madame. "

"Votre petite-fille est aussi belle que vous, madame Chrysoberyl."

"Hahahaha merci beaucoup mes amis." masayang wika ng Ginang sa mga bisitang sumasalubong sakanya upang batiin pero hindi ko naman maintindihan ang kanilang lengguwahe dahil pranses ang kanilang salita. Langya.

Buhat-buhat ako ni Glen at katabi namin ang ina nina Beryl at Citrine na masayang sinasalubong at nakikipag kamay at tinatanggap ang mga papuri ng kaniyang mga bisita.

Sa katunayan ay kanina pa ako nahihilo, pinipilit kong patatagin ang sarili ko upang hindi himatayin, baka mag alala ang mga tao at mawirduhan na naman sa akin, dahil saan ka ba naman makakakita ng isang sanggol na hinimatay dahil sa dami ng taong nasa paligid niya? Lols.

 Isa-isang hinahawak-hawak ang kamay ko dahil sa pagkamangha sa akin. Ganda ko talaga.

Puro mga kaedaran ng ginang ang mga dumalo, may mga kaedaran din nila Jadeite na dumalo sa pagdiriwang na 'to at isa-isa silang sinasalubong ako upang batiin. Hindi ko naman birthday tapos hindi ko pa sila maintindihan. Mano-nosebleed ako sakanila nito eh hays.

Abala sa pakikipag-usap ang ginang at habang ako naman ay tamang tunganga lang na pinanonood sila at si Glen naman ay tamang sunud-sunuran sa kaniyang among sinasalubong ang mga bisita at inaasikaso ang mga ito.

Kanina pa ako nababagot dito lalo na't nabibigatan na rin ako sa suot-suot kong bestida. Ang daming churva ek ek na nalalaman ang nanay nila Beryl. Kung anu-ano ang pinasusuot sa akin at nilalagyan ng dekorasyon ang katawan ko.

Nagmukha akong gift wrapper dahil sa dami ng ribbon,gems at glitters na nakadikit sa katawan ko. Hello! Three months old palang po ako ginawa niyo naman akong christmas tree, langya. 

Gustung-gusto talagang ilantad ng pamilyang ito ang karangyaang mayroon sila. Tsk,tsk.

 Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan kung 3 months old ba talaga ako? feeling ko kasi may kalakihan rin ang katawan ko, sensitive naman ang balat ko pero nagtataka parin ako bakit ang lakas-lakas ko. Mataba ba ko?

"Glen, where's Beryl and Citrine? Please call them to take care of other guests." usal ng ginang.

"Yes, ma'am. Pero paano po si Miss Crystal?"

Dahil sa kanilang pag-uusap na dalawa ay humikab ako dahilan para makaramdam na ako ng antok.

Tatlong oras na pala ang nakalipas simula nang mag umpisa ang party na ito.

"My, my. Are you sleepy now, baby Crystal? Do you want to sleep now?" malambing na usal ng ginang sa akin nang kunin niya ako sa pagkakakarga sa akin ni Glen.

Napatango ako ng di ko namalayan, kaya napatingin ako sa ginang kung nawirduhan ba siya sa ginawa kong pagtugon sakaniya.

"Aww, I'll take you to your room first so you can rest okay?" ani ginang. Hindi na ako tumugon baka mawirduhan siya sa akin.

Hinayaan ko na lamang siya at naghintay akong matapos siya sa pakikipag-usap sa mga bisita niya.

Nagpaalam na ang ginang sa mga ito upang dalhin na ako sa aking kwarto. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari nang bigla akong nakatulog sa balikat ng ginang.

Hindi ko alam kung ilang oras ang nakalipas nang makatulog ako sa balikat ng ginang. Nagising na lamang ako na nasa kuna na ako nakahiga at naktitig sa kisame.

Madilim at tahimik ang paligid, tanging bawat pitik ng orasan ang tanging maririnig sa buong kwarto. Mag isa lamang ako rito at walang kasama o nagbabantay sa akin.

Bigla akong napahinga ng malalim.

Sa wakas ay natapos din ang party.

Iniisip ko kung ilang araw ang itatagal ko dito sa France. Baka nakawin na naman ulit ako na hindi ko kilalang nilalang, langya. Parati nalang kasi akong kinukuha at gagawing anak nila. Ganoon ba talaga ako ka-cute para angkinin nila?

Ang daming nakapagsasabing napakaganda ko. Samantalang ang ama kong demonyo parati akong tinatawag na pangit. Malabo siguro ang mata niya o di kaya'y naiinggit dahil mas maganda akong nilalang.

Maisip ko lang siya ngayon ay naalala ko na naman ang kademonyohang pinaggagagawa niya sa akin noon at ganoon din sa mga anak niya. Kumusta na kaya sila? Isang buwan at ilang linggo na ba ang nakalipas ng huli ko silang makita.

Kumusta na rin kaya sina Kieran at Rion?

Kumusta na rin kaya si Sirius?

Ang huling kita ko sakaniya ay naroon siya sa mansion ni Jadeite at nagtatalo. Naroon ba siya para kunin niya ako? Ano na ang gagawin ko?

Hays, nag aalala rin ako sakaniya. Naging mabait din siya sa akin kaya't hindi ko masasabing magagawa niya akong saktan dahil lang sa kinidnap niya ako amp. Pero hanggang ngayon hindi parin ako maka-move on. Noong kinidnap ako ng babaeng si Soleil may binanggit siyang 'X' kaso hindi ko naman nakita yung 'X' na iyon. Lols.

Sakabila ng malalim kong pag-iisip ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.

Bigla akong kinabahan dahil mabibigat ang yapak ang papalapit sa direksiyon ko at kakaiba sa pakiramdam ang atmosphere dito sa kwarto. Huwaw talagang naramdaman ko pa iyon ah?

Gusto kong pumikit dahil ayokong makita kung sinong nilalang ang pumasok sa kwarto ko, pero dilat na dilat ang mga mata ko dahil sa kuryosidad na gusto ko ring makita kung sino ang pumasok sa kwarto.

Nang makalapit na ang di ko kilalang tao ay nanlaki ang mga mata ko nang itaas niya ang kaniyang kanang kamay na mahigpit na hawak-hawak ang kutsilyo.

Bigla akong nanigas sa kinahihigaan ko at nanlamig ang buong katawan ko, pinagpapawisan na rin ako ng malamig at napakalakas at napakabilis ang pagkabog ng dibdib ko.

Gusto kong sumigaw pero wala akong lakas na gawin iyon at wala ring boses na lumalabas sa bibig ko.

Hindi ko makita ang kabuuang mukha nito dahil nakabonnet ang lalaking mahigpit na hawak-hawak ang kaniyang kutsilyo at tanging pulang mga mata niya lamang nito ang nakikita ko.

"What a waste of your beautiful face." malamig at malalim ang boses na wika ng lalaking titig na titig sa akin. Mapaghahalataang isang foreigner ang lalaking ito dahil sa kaniyang accent sa pananalita

Takte, ito na nga ba ang sinasabi ko. Kung may nangingidnap man sakin, may gusto ring patayin ako.

Biglang pumasok sa aking ala-ala na ganito rin ang naging sitwasyon ko na nasa mansion pa ako ng ama kong demonyo na gusto akong ipapatay at wala akong kalaban-laban noong gabing iyon dahil isa lamang akong sanggol.

"If I kill you right now, Jadeite and his family will think that one of Erden Castello's spies who was spying on them killed you when they saw this seal" nakakatakot ang mga matang nakangiti at nakapangingilabot ang boses wika nito. Hawak-hawak nito ang isang bilog na gawa sa metal at may nakaukit iyon pero hindi ko masyadong makita dahil madilim.

Ano? Si Erden? Bakit kailangan mo pang idamay ang ama kong siraulo sa kasaltikan mo ang planong pagpatay sa akin? Edi natuwa din iyon dahil patay na ako, bugok ka.

"Have a sweet hell nightmare, Crystal Calliope Onyx Orcus." nakapangingilabot na wika nito, gusto ko mamangha dahil nagawa pa niyang banggitin ang buong pangalan na binigay sa'kin pero  itinaas na niya ang kutsilyo at mabilis na pagbaba upang saksakin ako.

Hindi ako pumikit. Nanatiling dilat na dilat ang mga mata kong nakatingin sa hawak niyang kutsilyong papasalubong sa mukha ko. Pero bago matuloy iyon ay isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong kwarto.

Nakita kong nawalan ng balanse ang lalaki at ang pagkawala sa pagkontrol sa hawak nitong patalim, dahilan upang madaplisan ako sa aking dibdib.

Hindi parin ako makagalaw dahil sa labis na pagkabigla. Naramdaman ko na lamang ang mainit na likidong tumutulo sa gilid ng aking mga mata.

Hindi ko maramdaman ang sakit ng sugat na natamo ko dahil sa pagkamanhid ng katawan ko dahil sa takot.

"Shit! It's a good thing I went straight to your room. Damn it!" dinig kong boses ni Jadeite.

Hindi ko namalayan na buhat-buhat na pala niya ako, ngayo'y nakasubsob ako sakaniyang matitipunong dibdib at hinihimas ang aking likod.

Hindi ko napigilan ang luhang gustung-gusto nang makawala sa akin dahil sa sobrang takot na naramdaman ko kanina. 

Humiyaw ako ng iyak at hinayaan ko lamang sarili kong umiyak nang umiyak.

"Hush now, Everything is fine, you are safe now." pagpapatahan sa akin ni Jadeite na hinihimas parin ang aking likod.

Natatakot parin ako, parating nasa panganib ang buhay ko. Sanggol palang ako pero parang may kasalanan ako sakanila. Bakit kailangan ay madamay pa ako sa problema nila? Pati sanggol ay hindi nila palalagpasin na paslangin. Ang sasama nila.

Ganoon din yung gago kong ama na tinangka din akong patayin, pati rin si Sirius na kinidnap ako at balak din akong patayin. Ngayon namang nasa poder ako ni Jadeite ay may gusto ring pumatay sa akin?

Ano bang klaseng mga tao ba sila? Bakit ganito ang mga nakakasalubong ko? Parating si kamatayan na excited na sunduin kaagad ako.

Gusto ko ng umuwi.

Mama, papa. Miss ko na po kayo. Gusto ko ng bumalik sa pinanggalingan ko. Ayoko na rito.


The Mafia's Illegitimate Child (Book 1) (Completed) Soon To Be PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon