CHAPTER 16

11.1K 522 59
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 16

Enemy •|• Feast
---------------------------
--------------------------------------

"KIERAN, may balita na raw si Kayden kung nasaan ang bata." usal ni Karina habang inuuga ang katawan ni Kieran na nakahiga sa higaan. Bigla namang napabalikwas ng bangon si Kieran at tumingin sa asawa.

"Really? Where is she?" sunud-sunod na tanong ni Kieran. Tinampal naman ni Karina ang pisngi ng kaniyang asawa.

"Wala pa nga, maligo ka muna bago ka bumaba. Ang baho ng hininga mo hmp!" usal ni Karina saka nakangiwing umalis sa harapan ng asawa.

Napakurap-kurap naman si Kieran saka itinapat ang palad nito sa kaniyang bibig. Hiningahan niya ito at inamoy. Agad naman siyang napangiwi ng maamoy nito ang sariling hininga.

"Tangina, ang baho nga." bumangon na si Kieran saka dumeretso sa banyo upang maligo.

"Sigurado ka bang nasa kanila si Eri?" Tanong ni Karina kay Kayden na nakadekwatrong nakaupo sa mahabang sofa.

"Yes. I never thought looking for a single damn child would be this hard. Those people who's holding Eri really are different. I'm pretty sure they're not just a normal organization. There's a possibility that they are one of the top list mafioso." seryosong wika ni Kayden.

"Thank goodness Eri is alive. Kieran was so furious upon hearing that Eri was dead. He even killed several people just because of some random false information. Ang siraulong iyon, gusto naman pala magkaroon ng anak na babae, bakit hindi nalang nag-ampon?" nakataas ang isang kilay na ani Karina.

Napangisi naman si Kayden.

"Adopt? Why bother adopting when both of you can just make your own." natatawang ani Kayden.

Pinatirik paikot ni Karina ang kaniyang mga mata saka tiningnan si Kayden na hindi makapaniwala.

"No way! Ikaw nalang kaya?! Para naman malaman mo kung gaano kahirap manganak. Tsk!" masungit na wika ni Karina.

Napailing-iling nalang si Kayden sa sinabi ni Karina. Sakto namang dumating si Keiran sa kinaroroonan nila. Lumapit ito sa asawa at umupo sa tabi nito.

"Spit it out." usal ni Kieran.

"Ehem." umayos ng upo si Kayden saka seryosong tumingin kay Kieran.

"Base sa pag-iimbestiga namin ng magkapatid na Callisto, may napansin kaming kakaiba sa ipinadala nilang sanggol na nakalagay sa kahon." panimula ni Kayden.

Nanatiling nakatutok sina Karina at Kieran habang hinihintay na matapos magkwento si Kayden tungkol sa mga impormasyong nakalap nila.

"Sinubukan namin ipa-DNA test ang batang ito at si Erden. And guess what? It's negative. Ibig sabihin lamang nun ay hindi si Eri ang sanggol na iyon. Nasisiguro kong kumuha lang sila ng sanggol para..."

"That's bullshit!" putol ni Kieran sa kapatid nito.

Napatingin naman sa kaniya ang dalawa.

"Are you saying that they killed an innocent baby just for their own advantage?"

"Huwag kang painosente, gago! Patapusin mo kaya muna ako. Parang hindi ka naman nakapatay ng sanggol noong may misyon tayo ah?" salubong ang mga kilay at masama ang tingin na wika ni Kayden.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon