CHAPTER 5

14.4K 622 42
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 5

Castello Brothers
---------------------------
--------------------------------------



KINAUMAGAHAN ay kinuha na ako ni Prescia para paliguan. At pagkatapos ay binihisan atsaka lumabas. Syempre tuwang-tuwa ako kasi makakalabas na rin ako sa wakas sa mala-impyernong silid na to.

Nasa stroller ako at si Prescia naman ang nagtutulak. Nandito kami ngayon sa garden at hindi ko alam kung tama bang garden ang tawag dito! Dapat kasi paraiso.

Napakalawak! Punung-puno ng iba't ibang makukulay na bulaklak. Pero magkakahiwalay. Sa kabilang direksiyon makikita mo ang magkakahilerang 'Daisies' at sa kabila naman ay mga 'Roses' at ganun din sa iba pang direksiyon na may iba't ibang magagandang bulaklak.

Gusto kong libutin ang buong hardin kaso mukhang kulang ang isa o dalawang oras para libutin itong buong hardin, baka mapagod lang si Prescia. Kaya lilibutin ko nalang ito mag isa kapag lumaki na ako. Excited na akong lumaki!

Masaya ako ngayon kasi binigyan ng tatay ko si Prescia ng permisong ilabas ako ng bahay. Kaya heto kami ngayon namamasyal. Pero napaka oa ng tatay ko ha daig pa ang isang babae. Bigyan ba naman kami ng limang bantay eh nasa hardin lang naman kami ng pamamahay niya. Para namang may papasok dito at papatayin kami. Eh siya lang naman ang alam kong gustong pumatay sakin.

Naloloka na talaga ako sa kanya ha. Pakiramdam ko tuloy isa akong prinsesa at mahal na mahal ako ng amang hari. Pero syempre panaginip lang yun. Ako? Mamahalin ng tatay ko? Malabo! Siya na nga mismo ang nagsabi kagabi na ayaw niyang magkaroon ng anak na babae. Kaya pala puro lalaki ang mga anak niya at gustung-gusto niya akong patayin.

"Are you happy now that you're able to go out, Milady?" ngiting wika ni Prescia.

Oh yes! Napakaboring kaya sa loob. Hindi ko talaga akalain na ganito kayaman ang ama ko. I mean, aware naman ako na mayaman siya pero hindi ko talaga inakalang lagpas pa sa expectation ko ang karangyaan niya. Sa loob o labas man ng mansyon bubungad talaga sayo ang magagarbo't mamahaling mga bagay.

"I really hope nothing bad will happen to you, Lady Eri. Being born in this kind of world, especially in this family, is so dangerous. So I really hope that no matter what happen in the future, you will be able to survive it." saad ni Prescia.

Hindi ko namalayang huminto pala sa pagtutulak ng stroller si Prescia. Pumunta ito sa harap ko at matiim akong tinitigan. Ngayong nasa harap ko na siya ay mas nakikita ko ang kalungkutan sa mga mata niya. Nakangiti man siya, malungkot naman ang mga mata niya.

Sa totoo lang hindi ko naman siya naiintindihan eh. Ako ba talaga ang tinutukoy niya? May iba pa bang taong gustong pumatay sakin? Except sa tatay ko, may iba pa? Bakit? Porket ba anak ako ng isang mayaman delikado na agad? Atsaka gaano ba talaga ka delikado ang pagiging anak ng isang Erden? Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw niya sakin at gusto niya akong patayin? Dahil magmumukha akong isang kahinaan sa mga mata ng kalaban niya?

Bakit ba ganyan kayo? Babae lang ako pero di ako mahina! Hindi ako isang pabigat at papatunayan ko yan sa inyo. Paglaki ko sisiguraduhin kong ipapakita ko sa inyo ang kaya kong gawin.

"Are you sure they are here?"

"Of course. Butler Forger told me that Eri's here along with her maid."

The Mafia's Illegitimate Child (Book 1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon