CHAPTER 20

8K 437 39
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 20

Choose Your Real
Daddy Tyrant
---------------------------
--------------------------------------




NAKAUPO ako sa kandungan ni Garnet at masama ang tingin ko sa Azure na kaharap ko na seryosong nakatingin sa akin. Masasabi kong magkapatid nga talaga sila ni Garnet dahil may pagkakahawig ang dalawa at hindi lamang iyon, pareho pa sila ng ugali ni Garnet. Parehong ma-attitude.

Dumating na ang iba pang pinsan ni Garnet at ang kararating din na si Glen.

"Hey, Old maid. Give us something to drink." ma-awtoridad na ani Garnet kay Glen.

Grabe naman ang batang ito, may pagka-bossy. Anak mayaman kaya spoiled brat eh.

Napatigil si Glen sa kaniyang kinatatayuan saka tiningnan si Garnet.

"Ugh! I said give us something to drink, are you deaf?" malditang wika ni Garnet.

"O..Opo." utal na tugon ni Glen saka umalis muli.

Tumirik naman paikot ang mga mata ni Garnet. Ang suplada naman nitong si Garnet.

"Garnet, Does your dollhouse have a swimming pool?" tanong ni Ruby habang sinusuri nito ang dollhouse ni Garnet. 

Pinakilala na sa akin ni Garnet ang mga ito, kaninang introduction ay tinarayan lamang ako ng dalawang brattyzella. Grabe ah ma-attitude yarn?

Napalingon naman si Garnet.

"No, I'll just tell dad to buy me then so that the barbies can have a swimming pool and have a party." ani Garnet.

"Does your dollhouse also have a rooftop?" tanong naman ni Emerald.

Napatahimik si Garnet saka tiningnan ang kaniyang pinsan na sinusuklayan ang sariling manika nito.

"N..No." may pag-aalinlangang tugon ni Garnet.

Nakita ko namang nagkatinginan at napangisi ang dalawang batang babae.

"The boring thing about your dollhouse is that it doesn't have a rooftop and a swimming pool." nakangising usal ni Ruby.

"Yes, that's why we don't want to play with you. Your toys are boring." nang-aasar na sabi ni Emerald saka nagtawanan sila ni Ruby. Wow mean girls.

Tiningnan ko si Garnet kung anong reaksiyon nito. Bigla akong kinilabutan nang makita kong nandilim ang mukha niya at wala itong ekspresyon o mababasang emosyon. Walang gana itong nakatingin sa dalawa nitong pinsan na nagtatawanan. 

Oo, galing ko talaga mag deskripsiyon ng ekspresyon noh? Basang-basa ko talaga eh.

"Oh? Is that so?" mas lalo akong kinilabutan sa tono ng kaniyang pananalita---mga slight lang naman. Napatigil na sa pagtatawanan ang dalawang pinsan saka siya nilingunan ng mga ito.

"It doesn't matter if my dollhouse doesn't have a rooftop or swimming pool. When I said I would have them too, my father would buy them for me." mapang-asar ang ngisi na wika ni Garnet.

"Let's say your dollhouse is fully equipped, but not once have you been with your father? Or he himself bought the toys and gave them to you personally?" tinabingi ni Garnet ang kaniyang ulo na nakatingin sa kaniyang dalawang pinsan na mukhang naiinis at naasar na sa sinasabi nito.

"It's okay, if my dollhouse doesn't have a rooftop or swimming pool. The important thing is that I always have my father with me and he always accompanies me to play." pinanlalakihan ang mga matang saad ni Garnet.

Tiningnan ko ang dalawang batang babae na mahigpit ang pagkakahawak sakanilang laruan at nanggigigil ang mga ito.

"Does your father really loves you?" nang-aasar na tanong ni Garnet.

Nagulat ako ng biglang tumayo si Emerald at sobrang sama ang tingin nito kay Garnet.

"I really hate you Garnet!" sigaw ni Emerald na umiiyak na saka ito tumakbo paalis ng kwarto.

Tumayo na rin si Ruby saka salubong ang mga kilay at masasama ang tingin kay Garnet.

"Evil." sambit ni Ruby saka umalis.

Langya kararating lang ng mga bata tapos nag walkout bigla dahil lamang sa sinabi ni Garnet, amp.

Narinig ko namang bumungisngis si Azure at malawak ang ngiting nakatingin sa kapatid nito.

Tiningnan ko naman si Garnet na blangko parin ang ekspresyon at nagbago kaagad ito nang inilipat na niya ang tingin nito sa akin.

"I'm so happy that I have you, Baby Calliope." nakangiting sabi ni Garnet saka hinalikan niya ako sa noo. "I didn't need them actually, I was just forced to play with them because of Mamita." dagdag ni Garnet saka hinahaplos ang ulo ko.

"I would like to introduce you to them that how bad their attitude." taas ang isang kilay usal ni Garnet.

"Tss, Do you think that squirrel will understand you?" supladong ani Azure na ngayo'y katabi na si Garnet.

Nilingon naman ni Garnet ang kapatid saka tinaasan ang kilay.

"Of course! Duh! She's a genius!" usal ni Garnet. 

The Mafia's Illegitimate Child (Book 1) (Completed) Soon To Be PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon