Chapter 42: Gut Feeling

6.5K 533 97
                                    

Dahil sa mga kaganapan, nagpatawag bigla ng malawakang meeting si Jasper sa WSC headquarters. Nagtipon lahat ng mga heads ng mga company sa isang malaking meeting room.

'Yong kuwarto ay parang mini indoor stadium kung saan may iba't ibang hilera ng mga upuan na nakaharap sa gitna. Sa gitnang 'yon, nakatayo si Jasper.

"Napag-alamang si Charm pala ay isang miyembro ng Crossed Bones. May mga nakakaalam ba nito bago niya in-expose ang sarili niya kahapon?" tanong niya sa lahat.

Nagbulungan ang mga tao. Kami naman ni Jump ay nakatayo at nakasandal sa dingding pinakadulo, sa pinakamalayong row.

"Uh, Jump. Ayaw mo bang umupo? Hindi ka ba nangangawit? Hehe."

He sighed. "I never told you to stand beside me. Sit anywhere you want."

"Pero hindi ba bodyguard kita? Kaya natural lang na I should be near you" sinabi ko habang nakayuko at nilalaro ang mga daliri ko.

"Softy,narito ka sa WSC headquarters. Lahat ng narito ay bodyguard mo," may punto niyang sabi.

"B-Bakit si Charm?"

Natahimik bigla si Jump. "Speaking of, shouldn't you be rattled right now? Your best friend turned out to be an enemy."

"Istill . . . have an ounce of trust left in Charm. Even though she was hidingsecrets, I still somehow felt that she had been a true friend to me." Saka isa pa, mukhang hindi lang 'yon ang sikretong tinatago niya.

"True friend? Haha! You're so easy to fool, Softy. You had no idea that this 'true friend' of yours is already deceiving you right in front of your face."

"W-What do you mean?" I suddenly became uneasy.

"The letter she gave you? That's not the one I wrote."

"Huh? Iba 'yong binigay niya sa'kin?" Hindi pa rin ako makapaniwala.

"Yep. Totally different. And that's the friend you're so proud of?" I can hear the sarcasm in his voice.

"So... ano 'yong talagang nakalagay ro'n sa totoong sulat mo?" I gulped.

He blushed and looked away. "N-None of your business!"

"Ha? Akala ko ba para sa'kin 'yong sulat?"

Napatigil namang bigla 'yong bangayan namin dahil biglang bumukas 'yong pintuan ng meeting room.

"The Devon Gang is here, motherfuckers!"

Laking gulat namin nang biglang lumitaw sa pintuan sina Whisky, Vodka, at Tequila. Ang mga nakaharap kanina kay Jasper, ngayon ay nakalingon lahat sa pintuan.

"Huh? Bakit kayo narito? Imbitado ba kayo?"

"Look, the losers are here!"

"Umalis kayo rito! Hindi niyo na ginalang si Jasper!"

Maya-maya lang ay biglang dumating si Leon mula sa likuran ng mga taga-Devon. "Narito na sila, Sir Jasper. As you requested."

"Thank you, Leon. As always, maasahan ka palagi."

"What?" sigaw ng mga ibang taga-WSC. Biglang umingay sa buong kwarto.

Binati ni Jasper ang mga taga-Devon. "Welcome, boys. Long time no see. Sober naman ba kayo?"

"Jasper!" ani Vodka sabay bato ng alak mula sa dulo ng kwarto papunta kay Jasper.

"Ay! 'Yong mamahaling alak, mababasag!" I panicked.

Jasper caught the bottle effortlessly. "Thanks, Vodka. I'll keep this as a souvenir from Devon."

Nagreklamo ulit ang ibang mga taga-WSC. "Jasper, bakit sila narito? Mga tapunan sila!"

"I don't even consider Devon as part of WSC!" sabi naman ng isa pa.

"Hindi lang sila. Baka nakakalimutan niyo, may isa pang naliligaw rito."

Hindi ko pa na-gets no'ng una kung sino ang tinutukoy niya, hanggang sa ang lahat ay nagtinginan sa amin–or to be more specific, kay Jump.

Oo nga pala! Hindi na nga pala siya part ng WSC. Masyado na kasi akong nasanay na kasama siya kaya bigla kong nakalimutan. So that's why he told me that I shouldn't be staying beside him. Akala ko ay nagiging masungit lang siya.

Hindi sila pinansin ni Jump. He remained calm with his arms crossed in front of his chest and his back leaning against the wall. From his posture, he looks like a fine statue—long legs, veins visible on his arms, and a very defined Adam's apple.

I swear, ang suwerte-suwerte ng magiging dyowa nito.

"They're here for a reason," paliwanag ni Jasper. "In fact, it is thanks to Jump that Charm's secret was exposed."

Nagbulungan ulit ang mga tao. Aba! Kahit saan talaga, laganap ang tsismis.

"Also guys, like what I have always been telling you, we are not Crossed Bones. 'Wag tayong manglait ng iba. Lahat sa WSC ay dapat rumerespeto sa isa't isa," paalala ni Jasper.

"Yahoo!" hiyaw ni Whisky. "Narinig niyo 'yon? So learn to respect us! Hahahaha!"

Nakihiyaw rin si Tequila habang nagbubukas ng isa pang alak at sinasalinan 'yong dalawa niyang kasamahan.

"Para sa respeto!" They raised their glasses. "Para sa respeto! Hahahaha! Cheers!"

Lahat kami ay nakatunganga lang sa kanila at 'di makapaniwala sa'ming nakikita. Nag-iinuman sila sa gitna ng mahalagang meeting.

Nagpatuloy na si Jasper sa kaniyang anunsyo. "Going back to this meeting's agenda, I have known Charm when she was still around fourteen years old. It never occurred to me na isa pala siyang member ng Crossed Bones from that early age."

Biglang may nagtaas ng kamay at lahat ay nagtinginan sa kaniya. Tila ako masasamid nang malaman ko kung sino 'yong nagtaas ng kamay.

"Jasper, if you would let me, I would want to volunteer on this case."

"Of course, Mita. Volunteers are always welcome."

"M-Mama!" hiyaw ko mula sa kabilang dulo.

"Hi, Fammie anak!" Kumakaway siya sa'kin mula sa harapan.

First time kong makita si Mama nang wala sa bahay. Oo nga pala, empleyado siya ng WSC. Minsan talaga ay nakakalimutan ko.

"Is there a particular reason why you wanted to volunteer, Mita?" tanong ni Jasper habang nakangiti.

"Let's just say, I have a gut feeling about something."

Trapped in a CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon