Chapter 37: Dilemma at Devon

8.9K 585 56
                                    

"Anong klaseng kompanya ba ang Devon Studios na 'yan?" tanong ko kay Leon habang nasa kotse kami papunta sa lugar na iyon.

"Isa siyang bar na rentahan na rin ng mga bandang gustong mag-rehearse."

Nagmamaneho si Leon habang ipinapaliwanag sa'kin ang sitwasyon ng Devon Studios. "May pagkamalaki rin siya nang onti, may tatlong palapag ito. 'Yong 3rd floor, doon nakalagay 'yong office. Sa 2nd floor, may mga rooms para rentahan ng mga banda. Tapos 'yong 1st floor, doon puwede silang mag-perform sa bar kung saan nakapwesto ang mga nag-iinuman."

"Wow. That's actually a cool concept!" Namangha ako dahil tila ba napaka-convenient ng set-up na naisip nila para sa studios na iyon. "Sino'ng mag-aakala na 'di kikita 'yon?"

"Dahil na rin siguro sa maling pamamahala. Narito na tayo."

Ipinarada na ni Leon ang kotse at bumaba na rin kami. Sa sobrang excitement ay nagmadali ako sa pagpasok.

"Sandali lang, Miss Fa–"

"Aray!" Natapilok ako. May nakaharang kasi na gitara sa daanan ko, at sa baba ko pa tumama 'yong sahig.

Dali-dali akong tinulungan ni Leon at pinagalitan niya ang mga trabahador ng Devon. "Bakit ganito rito? Bakit ayaw niyong ayusin at ilagay sa tamang lugar ang mga instrumento niyo? Nakakalat lang sa sahig!"

"Look who's here," sabi ng isang lalake na may sigarilyo sa bibig.

"The fierce lion came to visit Devon," sabi naman ng isang lalake na may ahit 'yong isang kilay.

Sinubukang pakalmahin ni Leon ang tono ng boses niya. "Vodka, Whisky, ayusin niyo naman ang buhay niyo rito. Pinag-aalala niyo si Jasper!"

Nagulat ako sa pangalan nila. Hindi ba mga alak 'yon?

"Aba, nagdala ka pa ng chicks dito sa bar. 'Di ko alam na ganito ka na pala Leon." Lumapit sa'kin 'yong may sigarilyo sa bibig. "Hi, miss. You can call me Vodka."

Grabe, sa tapat ko talaga siya bumuga ng sigarilyo. Naubo ako sa usok na pumasok sa ilong at bibig ko.

"Magbigay-galang kayo!" Naiinis na talaga si Leon. "Siya ang anak ni Jasper, siya ang susunod na mamamahala ng WSC!"

Nagtinginan 'yong dalawang lalake at sabay na nagtawanan nang malakas.

"Hahaha! Joke ba 'yan? Ang layo pa ng April Fools, ha."

"Nice one, Leon! Puwede ka na rito sa bar! Comedy bar! Hahaha!"

Kahit ako ay nagsisimula na ring mainis sa kanilang dalawa.

"Hindi ako nagbibiro. Hindi niyo ba siya kilala? Talagang walang pag-asa sa inyo ang WSC."

"Ito? Mamamahala ng WSC?" sabi ni Whisky habang tinataas 'yong buhok ko.

Kairita, ah! Sumabog na ako at pinagalitan na rin sila. "Tse! 'Di na ako nagtataka kung pinabayaan kayo ni Jasper!" Nakita kong nagulat 'yong dalawang lalake sa biglang pagbago ng mood ko. "This studio is a trash!" aniko sabay sipa sa lamesa. "Might as well just throw this company to the garbage!"

The two guys just stood there, frozen and shocked. Three guys pala, dahil pati si Leon ay hindi makapaniwala sa beastmode ko.

"Ito ba 'yong pinagmamalaki niyong gitara?" Kinuha ko 'yungnakakalat sa sahig at ihahagis ko na dapat nang bigla akong pinigilan nina Vodka at Whisky.

"'Wag! 'Wag mong itapon 'yan! Mahal 'yan!"

Tinakot ko sila na ibabato ko.

"'Wag, please! Mas mahal pa 'yan sa buhay ko!"

I showed them a glimpse of the fierce Fammie. "Hmph! Lumuhod kayo sa harap ko at mag-sorry kayo!"

Sabay silang lumuhod at nagmakaawa. "Sorry na po, Miss Fammie! Sorry na po!"

I smirked. "Ha! Mabuti naman natauhan na kayo." Inabot ko na sa kanila 'yong gitara at inilagay na nila sa tamang pwesto. Akala niyo naman kung sinong mga siga, may sigarilyo at ahit pa sa kilay, mga crybabies naman pala!

Nagulat ako nang pumalakpak si Leon. "Aba, napasunod mo 'yong dalawa. Matagal ko nang pinagsasabihan sila Vodka pero ayaw magtino. Mukhang may pinagmanahan ka nga kay Jasper."

I flipped my hair. "Dalhin niyo 'ko sa office."

"Yes, ma'am!"

***

Sobrang laki ng gulat ko nang dalhin nila ako sa third floor. Parang gubat 'yong opisina! Napakagulo at may kalat kung saan-saan. Naroon 'yong iba pang mga employee ng Devon, at mga nagsusugalan sila!

Na-trigger na naman ang init ng ulo ko. I clenched my fists and gritted my teeth. I opened my mouth, and just when I was about to shout, someone interrupted me.

"Vodka, Whisky, akala ko ba imi-meet niyo 'ko sa baba? Tsk."

Nagtaasan bigla ang mga balahibo ko sa narinig kong boses.

"Sorry na, Jump! May nangyari kasi eh."

Kahit si Leon ay tila nakakita ng multo. "J-Jump?" bigkas ng bibig niya.

I was scared to face him. But in the end, I turned around to check if it's really him.

There I was, face to face with the guy I missed. The guy who broke my heart. The guy who I thought I would never meet again. The guy who I told myself I would be moving on from.

Tulad ko, nagulat din siya. Nanlaki ang mga mata niya at hindi rin siya makapagsalita.

"Huh? Anong nangyayari rito?" Vodka asked cluelessly.

"Kilala niyo ba ang isa't isa?" Sinundan din ng tanong ni Whisky.

I heard Leon sigh. "Oh no..."

No way.

Trapped in a CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon