Chapter 15: Swift but Sweet

11.8K 631 111
                                    

✧✦✧

FAMMIE

I went to school unwillingly. Ilang araw na rin akong walang gana sa kahit ano mang bagay. Walang ganang kumain, pumasok, matulog, kahit magsalita. Pero I still have to go to school kahit na napipilitan lang ako.

Patuloy pa rin akong binu-bully nila Ley at Rona. As if I care anymore. Wala na 'kong pakialam kahit saktan pa nila ako. Wala na 'kong nararamdaman. Wala nang mas sasakit pa sa ginawa sa'kin ni Jump.

"Ano ba? Bakit hindi ka na gumaganti? You're sooo boring!" iritang sabi ni Ley.

Hindi ako umiimik.

"Nakakaasar! Iba na ang feeling kapag binu-bully ka ngayon. Parang nakakatamad na!" asar na sabi ni Rona.

Sumingit naman si Trisha sa kanila. "K-Kung tinatamad na kayo, baka puwedeng iba na lang ang gawin natin?"

"Tara na. Nagsasayang lang tayo ng oras dito." Umalis na sila Ley at Rona, samantalang naiwan naman si Trisha sa tabi ko.

"Uy Fam, ayos ka lang?" Pinunasan ni Trisha ng panyo ang narumihan kong mukha. Tinadtad nila kasi ng uling ang mukha ko.

"T-Thanks..." matipid kong sagot.

"Ano ba'ng nangyari? Puwede mo namang sabihin sa'kin eh."

"Salamat na lang..." Umiling ako at umalis na roon.

"Fammie!" hiyaw ni Trisha. "Kung ano man ang nangyaring masama, kalimutan mo na 'yon!"

Lumingon ako sa kaniya at ngumiti ako nang pilit. Haay. Hindi naman ako naiintindihan ni Trisha eh. Wala siyang alam sa mga nangyayari sa'kin.

Nagkulong ako sa isang cubicle sa banyo. Naaalala ko ang mga pag-aaway at pag-aasaran namin ni Jump. Kung alam ko lang sana na hahantong kami sa ganito, hindi ko na dapat pinakawalan ang pagkakataon na makasama siya.

Umiiyak na naman ako. Sobrang sakit talaga. Parang may malaking butas sa dibdib ko. Nahihirapan na akong huminga. Nahihirapan na akong magpatuloy sa araw-araw. Parang may nakabara sa puso ko.

"Jump... Jump..." Panay banggit ko sa pangalan niya habang humihikbi.

Dalawang linggo na ang nakakaraan noong huli kong nakita si Jump. Simula no'n, hindi na maalis sa isip ko kung paano niya ako tinaboy, kung paano niya 'ko pinagtulakan. Kung paano niya pinili ang nakaraan niya kaysa sa akin. Alam kong isa lang naman akong "Softy" para sa kaniya. Isang bata na boring sa paningin niya. Isang pabigat sa buhay niya. Hindi naman siya nagkulang sa pagpapaalala, eh. Bawat pagkakataon na magkasama kami, lagi niyang sinasabi sa'kin kung gaano lang siya napipilitan na bantayan ako.

"Alam ko naman 'yon eh!" I screamed at the nothingness in front of me.

Alam ko namang ayaw niya sa'kin. Pero gusto ko siya eh... may magagawa ba 'ko?

Naalala ko 'yong dagat kung saan una kong nalaman ang pangalan niya. Naalala ko ang bagong tayong mall kung saan una ko siyang nakita. Naalala ko rin 'yong pakiramdam na nakasakay sa motor niya at nakakapit sa likod niya.

Naalala ko kung paano niya 'ko sinisigawan na may halong pag-aalala, kung paano niya 'ko binabatukan na may halong pag-iingat, kung paano niya 'ko pinoprotektahan at kung paano niya rin ako pinababayaan. Naging sobrang saya ko nang makilala ko siya.

"Jump..."

"Hoy, Fammie! Tumigil ka na nga sa kakaungol mo riyan!"

Alam kong nanggaling kay Charm 'yong boses, hindi na lang ako sumagot.

Trapped in a CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon