Chapter 10: Boom!

14.5K 710 184
                                    

I opened my eyes and got up from the bed. Time check, 8:30 AM. Today is a legal holiday kaya wala kaming pasok.

"Good morning, world!" I walked towards the window and opened it. "Good morning, little birdies!" bati ko sa mga maliliit na maya na nakatambay sa may bintana. Feeling Snow White ako today sa ganda ng gising ko.

Weirdly, nakaramdam ako na parang may nanonood sa akin. Paglingon ko, si Gabriel lang pala. Lumapit ako sa kaniya at binati rin siya, "Good morning, my dearest Gabriel!"

"Sheesh. You're such a Softy!"

Nabitawan ko 'yong manika nang makarinig ako ng boses out of nowhere. T-Tama ba 'yong narinig ko? Sumagot sa'kin si Gabriel!

"What? Nagulat ka? Hahaha!" patuloy nito.

Tumingin ako sa paligid ko to check, pero sigurado akong ako lang naman ang tao rito sa kwarto. Creepy!

"G-Gabriel?" Tinapat ko 'yong tainga ko sa bibig niya.

"Napakahina mo talagang maka-gets! As it turns out, hindi lang recording device 'tong manika mo," aniya. Aba, I had no idea na ganito pala ka-rude itong manika ko. Pinalaki ko 'to nang tama, ah!

Isa lang naman ang kilala kong ganito kabulgar magsalita. Tama, nanggagaling nga kay Gabriel 'yong boses, pero si Jump 'yong nagsasalita.

"Isa rin siyang transmitting device. Nakaka-broadcast ako ng boses ko sa pamamagitan ni Gabriel," paliwanag ni Jump.

"Eh pa'no—"

"Tama na mga walang kwentang tanong!" he cut me off.

I squinted my eyes and covered my ears. My Gabriel has turned into a jerk.

"We need to go to the Sports Center," ani Jump, "Sinabihan ako ng WSC. Napansin nilang mahina ka sa kahit anong sports. Hindi sapat ang maging P.E. teacher mo, kailangan pa rin daw kitang turuan sa labas ng school."

"Bakit ikaw na lang palagi?" I rolled my eyes.

"Hoy, Softy. Walang may gusto nito, okay? Parehas lang tayong napeperwisyo!"

Grabe, ang hirap tanggapin na nanggagaling lahat kay Gabriel ang mga foul words na 'yon.

Kung hindi niyo man nalalaman, ang Sports Center ay isang malawak na lugar kung saan maraming areas para makapag-practice ka ng iba't ibang sports. May mga court, may swimming pool, may football field, at may oval para sa track and field.

"Hoy! Nariyan ka pa? Softy?"

Kumuha ako ng tape at tinapalan ko 'yong bibig ni Gabriel. Naririnig ko pa rin 'yong boses ni Jump kaya naman binuksan ko 'yong baul at kinulong ko ro'n si Gabriel.

"Sorry, Gabriel. Sobrang love talaga kita, pero meron nang masamang espiritu na sumanib sa'yo."

***

"Ma! Aalis daw po ako ngayon kasama si Jump sabi ng WSC!" Bumaba ako at nagpaalam sa nanay ko.

"Nasabihan na rin ako tungkol do'n, anak. So magde-date ulit kayo ni Jump?" asar niya sa'kin. Minsan talaga hindi ko alam kung ano'ng pinagkaiba ng nanay ko kay Charm.

"Mama naman!" Bumuga ako nang malakas na buntong-hininga.

"Gano'n talaga, dear! Bodyguard mo si Jump, wala tayong magagawa ro'n" nakangiti niyang sabi.

Nagpaalam na ako kay Mama at umalis na ako. Now it's time to face the enemy.

Naroon na si Jump sa tapat ng bahay namin. Nakasuot siya ng jogging pants at white t-shirt, something different from his usual black shirt and denim jeans. May whistle din na nakasabit sa leeg niya.

Trapped in a CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon