Chapter 55: Where It All Began

9K 602 88
                                    

"Sa France ko pagtatapusin si Freesia ng college niya. At pagbalik niya rito matapos maka-graduate, ay bilang tagapamahala na ng WSC," ani Jasper sa harap namin ni Jump.

Maya-maya lang ay pumasok si Leon sa meeting room. "Sir Jasper, booked na po ang flight ni Miss Fammie. Nakausap ko na rin po ang mga connections natin sa France para sa titirhan niya. She will be flying next week."

"T-Teka lang!" hiyaw ko, "Wala ba akong say rito? Ngayon ko lang nalaman 'to."

"Freesia anak, if you trust me, I believe this will be the best for you. Magkakaroon ka ng training doon kung paano mamuno ng malaking kompanya. Maliban sa edukasyon ay may mga kakilala rin kaming makakapagturo sa'yo kung paano mag-handle ng iba't ibang crisis, at kasama na roon ang self-defense."

Hindi pa rin ako makapaniwala. Tiningnan ko si Jump, ngunit nakayuko lamang siya at walang sinasabi. Bakit hindi niya pinipigilan si Jasper? Ayos lang ba sa kaniya na mawalay kami sa isa't isa?

"Oh, by the way anak, you can choose to take one of our WSC employees with you to France for two years. Para naman hindi ka nag-iisa, kahit sino ay puwede mong piliing isama," pahabol ni Jasper.

Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa at isisigaw ko na sanang si Jump ang gusto kong makasama nang pigilan niya akong magsalita.

"We'll be going now," said Jump with a straight face. Naglakad na siya palabas ng kwarto at sinundan ko naman siya agad.

"Bakit ka nagmamadali? Ayaw mo ba no'n, ikaw na sana ang isasama ko sa France!"

Hindi niya ako sinasagot ni tinitingnan, dire-diretso lang siya sa paglalakad. Bakit ganito, kanina lang ay sobrang lambing niya sa akin. Ngayon ay tila bumalik siya sa uncaring Jump na una kong nakilala.

Hanggang sa kotse ay wala pa ring nagsasalita sa amin. Nakatitig ako sa kaniya buong biyahe na puno ng pagtataka, ngunit siya ay hindi pa rin makatingin sa akin at walang bahid ng emosyon sa mukha.

Sadness crept into my heart as I took a deep sigh and looked out the window. Napadiretso ako ng upo nang mapansin kong hindi kami papunta sa bahay. "S-Saan mo 'ko dadalhin?"

"'Yan rin ang sinabi mo sa akin noon no'ng una tayong nagkita at nakasakay rin tayo sa kotse." Sa wakas ay nagsalita na rin siya. Naalala ko nga bigla ang araw na iyon kung kailan kami unang nagkakilala.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kung nasaan kami. "Jump, this is..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko, a surge of warm emotions filled my heart. We are back at the beach—our beach, kung saan kami nagpunta the very night when we first met, at dito rin kami nagtagpo noong makatakas siya sa Crossed Bones.

Ipinarada niya na ang kotse at bumaba na kami. I got too excited and took off my shoes, running towards the sea. Sa harapan namin ay isang napakagandang palubog na araw. Lumapit si Jump sa akin at ngumiti habang nakaharap sa dagat. "Enjoying the sunset?"

"Yep!" Sumandok ako ng tubig gamit ang kamay ko at hinagis ito kay Jump. Awtomatikong sinalag niya ang kaniyang katawan gamit ang kaniyang mga braso.

"What are you doing? You're acting like a child!" singhal niya.

"What? I am a child!" belat ko sa kaniya.

Nagbuntong-hininga siya at umatras para umupo sa buhangin. Sumunod ako at tinabihan siya. "That's exactly why... you can't take me with you to France."

"Ano kamo?" Narinig ko ang sinabi niya pero binalot ako ng pagtataka. What is he saying? Ayaw niya bang siya ang sumama sa akin? Dalawang taon rin 'yon!

"Take Charm with you, or Mita, or Leon..." aniya habang nakayuko, "Or anyone from Devon."

"Jump, bakit ayaw mong samahan ako doon? Kanina lang ay nagpapaalam ka na sa tatay ko para ligawan ako." Humina na ang boses ko at ibinulong ko ang mga salitang sinabi niya sa akin, "You said you wanted to be my bodyguard for the rest of my life..."

"You're still in college."

"Ano'ng kinalaman no'n?" Nakakunot na ang noo ko.

He finally turned his head towards me, but he grabbed my jaw and tilted my face to look at him. "You have no idea how hard it was for me to refrain myself earlier in the car."

Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang pinanggagalingan niya. Nagsalita siyang muli ngunit hindi niya pa rin binibitawan ang hawak sa mukha ko. "You're still young, Softy. May mga nais ako ngunit hindi pa ito ang tamang panahon."

"You already kissed me!" sigaw ko sa kaniya.

"I want to do more than just kiss you!"

Galit na ang mukha niya. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya nang magsalita siyang muli, "This distance and time away from each other might actually work for us. Isa pa, mas ligtas ka doon dahil wala ang Crossed Bones."

"Pero wala ka rin doon..." tahimik kong sabi kasabay ng pagtulo ng luha mula sa mata ko. Kinuha niya ang kamay ko at dinampi ang kaniyang labi sa singsing na nakasuot dito. "If you miss me, just look at our promise ring and give it a kiss."

"Why won't you come with me?" I pouted.

He sighed before answering. "Softy, 'pag dinala mo 'ko doon at tayong dalawa lang sa ibang bansa ay baka dakmain na agad kita bago pa tayo makarating sa hotel."

Namula bigla 'yong buong mukha ko sa sinabi niya. Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko at bumulong, "I might do things that are... inappropriate."

Nag-init 'yong katawan ko nang marinig ko 'yon mula sa mga labi niya. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at nagtanong, "Are you not going to miss me?"

"Of course I'll miss you, Softy." He smiled, "Kaya lagi akong matutulog sa kwarto mo at yayakapin maigi si Gabriel."

"Hoy, b-baka dalhin ko si Gabriel sa France! Kailangan ko siya!"

"Okay fine, then would you leave behind something else for me, then?"

"W-What do you want?"

"This."

His lips brushed against mine, as if asking for my permission to enter. I parted my lips and welcomed him inside. In contrast with the heated kiss we had earlier in the car, this one is very slow and sweet. Our lips were not rushing, and our tongues were dancing, taking their time to get to know each other.

Without breaking our kiss, Jump carried me towards the sea. Inihiga niya ako sa bungad na bahagi ng dagat at pumaibabaw siya sa akin. Water from the sea is slowly seeping its way beneath our bodies, making our clothes wet. We were lying at the shallow part of the sea, but our kisses were very deep. Marahan ang mga alon na pumapalo sa mga katawan namin, kasing rahan ng mga halik namin sa isa't isa.

Inangat na ni Jump ang kaniyang mukha at nakitang basang basa na ang katawan ko. Napatitig siya sa dibdib ko kung saan ay naging see-through na ang blouse ko at kitang kita niya ang pink kong bra.

"Fuck, Softy. Go to France already!"

Nahiya ako sa itsura ko kaya tinulak ko siyang palayo, "P-Pervert!"

He responded with a smirk.

"I'll just be here, waiting for my Softy to come back," he whispers, "And when you do, make sure that your body is ready. Marami akong balak gawin."

His words made my whole body quiver.

He gave my head a light pat and embraced me. "I love you, Softy."

Butterflies crept into my stomach and my heart fluttered when I heard those words. It was the very first time that Jump told me he loves me. It put an end to all my worries and overthinking, and sparked a beginning of hope-filled daydreams that we'll turn into realities.

"I love you too, Trap Xanders."

He was like a hard candy—stubborn and rough. But I came to his life and melted his heart, now we can't help but fall in love with the sweetness. I'm trapped in a candy, and I have no intentions of escaping.


Trapped in a CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon