Chapter 32: Clean-Ups and Meet-Ups

10.8K 602 235
                                    

✧✦✧

FAMMIE

Kinabukasan ay wala pa rin akong balita kay Jump. Nakakaasar naman. Bakit biglang umalis 'yon? Nag-uusap pa kami ah.

"Jump, you're such a jerk," malungkot kong bulong.

Mother ko ngayon ang maghahatid sa'kin pansamantala. Medyo busy kasi si Leon sa WSC. Paglabas ko sa pintuan ay biglang nanlaki ang mga mata ko.

"Hohoho! Bakit parang nagulat ka yata?"

"May motor ka rin, Mama?" Namangha ako sa kaniyang motorsiklo. Lumapit ako at sinuri ito.

"Ano'ng tingin mo sa mother mo? Hindi ako papatalo kay Jump at Leon, 'no!"

"Hahaha! Mama talaga! Siyempre ikaw pa rin ang the best!" Niyakap ko siya at hinalikan niya ako sa ulo.

Hinatid na ako ni Mama sa school. Masaya ako na may bonding moment kami ng nanay ko. Pero hindi pa rin nawawala ang lungkot sa puso ko dahil si Jump pa rin ang nasa isip ko mula kanina. Nasaanna kaya ang lalaking iyon?

***

Habang nagkaklase, nakatingin ako sa bintana. Umuulan na naman. May pagkamalakas yata ngayon. Ano na kaya'ng ginagawa ni Jump? Saan naman kaya siya natulog?

"Pssst!"

Kanina pa pala ako tinatawag ni Charm. "Nakatulala ka na naman!"

"Ah! Hehe, gano'n ba?" Pinilit kong ngumiti sa kaniya.

"May problema ka ba? Hindi ka pa rin nakaka-move on kay Jump?"

Hindi alam nila Charm na natuloy ang pagkikita namin dahil nagtatago si Jump sa WSC, kaya ang sinabi ko sa kanila ay hindi niya ako sinipot sa dagat.

Alam kong hindi ako titigilan ni Charm, kaya naman naisipan kong magsabi na lamang na, "May bago na 'kong gusto ngayon!"

"Whoa! Kaya ka pala tulala! Sino 'yan? Tell me!"

"Si... Adam!"

Pagtingin ko kay Charm, parang hindi siya impressed. "Niloloko mo ba 'ko? Si Adam?"

"B-Bakit? Cute naman siya, ah!"

"Nag-expect ako ng someone na kasing hot ni Jump." Naningkit ang mata ni Charm.

"Uhm, wala akong magagawa. Natamaan ako ng pana ni kupido eh." Phew. Mukhang na-convince ko naman siya kahit papaano. Sorry Adam ah, hiniram na naman kita.

***

Nagpaalam ako sa teacher para pumunta sa CR. Lumabas ako ng classroom at naglakad sa hallway. Bigla akong nakarinig ng isang malakas na hatsing.

"Hachoo!"

Ang lakas namang humatsing ng taong 'yon. Didiretso na sana ako sa CR kaso nakarinig ako ng isa na namang malakas na hatsing.

"HACHOO!"

Sino ba 'yon? Mapuntahan nga! Lumiko ako at lumapit kung saan nanggagaling 'yong hatsing. Nakita ko sa may dulo, may isang janitor na nakasandal sa dingding. Nasa tapat niya 'yong cart kung saan nakalagay ang mga cleaning materials niya.

"Ha—choo!"

Nilapitan ko siya at inabutan ko ng tissue. "Kuya, ayos ka lang?"

Suminghot siya at sumagot, "Ayos lang ak—"

Namutla ang mukha naming parehas nang magtama ang mga mata naming dalawa. No fucking way.

"J-Jump?"

Trapped in a CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon