Chapter 30: Make the First Move

10.5K 565 167
                                    

✧✦✧

FAMMIE

I checked my watch, it's already 8:15 pm. Mahigit dalawang oras na akong naghihintay.

"Jump... Talaga bang wala ka nang pakialam sa'kin?" I started crying.

Tumayo na ako at pinagpag 'yong damit ko. Suminghap ako nang malalim at naglakad na ako paalis.

Tiningnan ko 'yong phone ko, may 48 new text messages at 17 missed calls. Lahat galing kay Leon, sa mama ko, at kay Charm. Siguradong sobrang nag-aalala na sila para sa'kin. I switched off my phone and slid it inside my pocket.

I took one last look at the sea. And as the tears roll down my cheeks, I slowly closed my eyes and whispered with tearful eyes, "Goodbye, Jump..."

"Don't say goodbye, stupid."

Nagulat ako. Paglingon ko sa likod, I saw him dragging his body towards me. He was severely wounded. Knives and daggers are all over his body. His shoulder is bleeding heavily. Puro pasa rin 'yong mukha niya at sobrang gulo ng buhok niya.

"Jump!" I ran towards him as fast as I can.

"F-Finally... I made it..." He plunged into my arms and we both fell on the sand.

"A-Ang bigat mo, Jump!"

Pagtingin ko, tulog na siya. Siguro sobrang pagod na pagod ang katawan niya. I heard him snoring lightly. Sinubukan kong tumayo at iangat siya sa katawan ko pero hindi ko kaya sa sobrang bigat niya.

I couldn't get up. So we just stayed like that—his hard body settled on top of my softy body.

Kahit dinadaganan niya 'ko, hindi na ako nagreklamo.

"Jump... you still care for me. You really do." Tumutulo ang mga luha ko ngunit may ngiti sa'king mga labi.

He is awfully injured and pale. I could feel his pain. Tumakas lang siguro siya sa Crossed Bones. I combed his hair and wrapped my arms around him.

"Don't worry... I'll take care of you."

This time, ako naman ang mag-aalaga sa'yo.

***

"Fammie, bumaba ka na! It's time for lunch!"

"Yes, wait lang po, Ma! I'll be there in a minute!"

Today is Saturday. Nasa kwarto ako ngayon at nag-aayos ng kama. Akala niyo normal everyday situation lang? Puwes, nagkakamali kayo.

"Hoy, Softy! Bumaba ka na raw sabi ng nanay mo!"

See what I'm talking about? Narito rin sa kwarto ko si Jump.

"Sandali lang! Inaayos ko pa 'tong kama!"

"Kanina mo pa dapat inayos 'yan pagkagising mo!"

Nagtataka siguro kayo kung paano nangyari ang lahat ng 'to. Let me tell you what happened last night.

***

Nasa dagat ako kasama si Jump. Nakaupo kami sa buhangin at hinahawakan ko 'yong pisngi niya. "Ang dami mong sugat. Ayos ka lang ba?"

"Sa tingin mo ayos lang ako? Shit. Ang sakit ng buong katawan ko."

I started to panic. "K-Kailangan kang magamot!"

Hinawakan niya 'yong balikat ko. "Hey, calm down. Relax, okay? Buhay pa naman ako."

"Pero sugatan ka!"

Trapped in a CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon