Chapter 12: You Can't Escape Your Past

12.6K 766 213
                                    

✧✦✧

FAMMIE

Ayaw niya pa ring sabihin sa'kin ang dahilan kung bakit siya nagalit.

"Bakit ba lahat na lang ay tinatago mo sa'kin?" malungkot kong tinanong sa kaniya.

"Eh ano naman ba'ng pakialam mo?" he said harshly.

Ano'ng pakialam ko? Isa lang naman ang sagot diyan!

"I want to know everything about you!" Hindi ko tinipid ang mga salita ko.

Nagulat siya sa sinabi ko at hindi siya nakasagot.

Nasimulan ko na kaya naman dineretso ko na siya. "I-I'm dying to know all about your past, your life... Gusto kong maging malapit sa'yo."

Mahina ang boses niya nang sagutin ako, "Para saan pa? Just like what I told you before, I'm just your bodyguard. I'm just here to protect you. We don't need to know each other."

"Hindi naman mahirap mag-open up ah!" pangungulit ko.

"Ayokong mag-open up sa'yo!" diin niya.

"Freesia, Jump, chill lang kayo." Nagulat kaming dalawa nang may narinig kaming boses. 'Yon pala, galing sa speakers. "This is Jasper. I can see the two of you right now through the cameras, at mukhang tense ang paligid."

"'Wag kang makialam dito!" 'Sumagot naman si Jump na nakatingin sa camera.

"Mag-ice cream muna kayo. Mura lang diyan sa may bayan," payo ni Jasper.

"What the? Hindi ako nakikipagbiruan, Jasper!" giit ni Jump.

"This is an order. Hear me? Inuutusan kong mag-ice cream muna kayo sa bayan."

Narinig kong nag-curse si Jump at lumabas na ng room. So I guess I have to follow him. Nang makalabas na rin ako, sinundan ko siya. Galit siyang nagyayabag. Ano na naman ba'ng nagawa ko? Porke't nagtanong lang ako sa past niya! Kanina nagsorry siya sa'kin, ngayon galit na naman siya.

Nakasalubong namin si Jasper on the way. Nilagpasan lang siya ni Jump, habang ako, bumati sa kaniya.

"Ignore that jerk. Ayaw niya kasing nagtatanong ka tungkol sa nakaraan niya," sabi sa'kin ni Jasper nang may malumanay na boses, "Ikaw na siguro ang pinakahuling taong gugustuhin niyang makaalam ng past niya."

"Pero bakit naman po?" I asked, blinking my eyes in confusion.

"Bilisan mo na, naiinip na 'yon maghintay sa labas."

"Oo nga pala! Sige po, mauna na 'ko!" tapos tumakbo ako hanggang mahabol ko si Jump.

***

Narito na kami ni Jump sa Family Mart, bumibili ng ice cream.

"Ang weird naman ng tatay ko. Inutusan tayong mag-ice cream?" bungad ko kay Jump. Sinusubukan kong bawasan ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

"Sabi ko naman sa'yo, 'di ba? Hindi maintindihan ang utak ng taong 'yon," he said while sighing.

"Uhm, Jump? Sorry kanina, ha?"

"Never mind. Haay. Wait ka lang diyan," pagkasabi no'n ay umalis siya. After a while, bumalik na siyang may hawak na strawberry ice cream. Inabot niya sa'kin 'yong icecream at umupo na siya sa tapat ko.

Nakatulala lang ako ro'n sa ice cream, samantalang si Jump ay nakatingin sa gilid na tila nahihiya.

"How did you kno—"

"Obvious naman, eh. Tama ba 'ko? Favorite flavor mo 'yan?" he asked without looking.

Tumango na lang ako sa kaniya. Pa'no niya nalaman?

Trapped in a CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon