Chapter 9: You Put the Bad in Badminton

15.8K 774 144
                                    

"Fammie! Nakauwi ka na, anak!" Pinagbuksan ako ni Mama ng pintuan at niyakap niya 'ko nang mahigpit.

"Na-miss ko rin kayo, mother dear!" bati ko sa kaniya.

Napatingin siya sa likuran ko. "Oh, mukhang may naghihintay yata sa'yo?"

I turned around to look. It's none other than Jump, leaning against his motorcycle.

I forgot to mention, 5:00 AM na ako nakauwi galing sa hotel, just in time for school. Napakamalas ko naman talaga! Wala pang isang minuto na nakakalayo ako kay Jump, heto at ihahatid na naman niya 'ko sa school.

"Actually Ma, inabot na po ako ng umaga sa White Swift's Hotel. Nakahanda na nga po roon ang school uniform ko eh."

"Siyempre lagi silang ready!" my mom said proudly.

"Pinilit ko nga lang po si Jump na sumaglit ako rito sa bahay. Naisip ko pong kumustahin kayo. Nag-aalala po kasi ako sa inyo eh."

"Awww. Ang bait talaga ng anak ko! Ang ganda-ganda pa!" Nahuli kong kumindat siya kay Jump.

"Nga pala, Mama!" May bigla akong naalala. Humarap ako kay Jump at nag-signal sa kaniya. Binuksan niya naman 'yong compartment ng motor at may kinuha. Binato niya ito sa'kin, sakto lang at nasalo ko.

"Paki-alagaan po muna si Gabriel habang nasa school ako." Inabot ko kay mama ang manika nang nakangiti.

"Oh! Si Gabriel pala! Sige, don't worry. Ingat, anak!"

"Sige po Ma, mauuna na kami." Sinara na ni Mama 'yong pinto at naglakad na 'ko palapit sa motor.

"Sabi mo five minutes ka lang? Ang tagal mo! Umabot ka ng ten minutes!" ani Jump habang nakatingin sa relos niya.

"And so? Mama ko 'yong kausap ko!" sagot ko pabalik.

"Bilisan mo, sumakay ka na lang." Umangkas na 'ko sa likod ng motor. Paandar na sana 'yong motor nang napatigil si Jump. "Nga pala, Softy."

"What?" taas-kilay kong tanong.

"Ipangako mong ilalayo mo na sa'kin 'yang manika mo! I swear, it gives me the creeps!"

Akala mo ikaw lang? Ako rin napagtaksilan! Fresh pa sa memories ko ang harap-harapang paglaglag sa amin ni Gabriel. Naisip ko namang asarin siya bigla. "Akala ko pa naman nagiging close na kayo ni Gabriel?" nakangisi kong sabi.

"What the hell are you talking about?"

"Hindi ba kinakausap mo na rin siya? Ano nga pala 'yong last na sinabi mo?" Ginaya ko ang boses niya, "Kahit na Softy 'yon, nasasakatan pa rin ako kapag nakikita kong malungkot siya."

Hindi ko mapigilang matawa, "'Yon ba 'yon? Hahaha!"

Namula nang saglit si Jump tapos binatukan ako. "You are so annoying! Nag-feeling ka naman!"

"Aray! Ang chakit no'n ah!" Napahawak ako sa ulo ko. I swear sadista talaga 'tong si Jump! Hmph!

"Eh ano ngayon kung sinabi ko 'yon? Feeling mo naman may gusto ako sa'yo!" aniya.

Alam kong may 'feeling mo naman' sa bungad pero nag-blush pa rin ako nang marinig ko 'yon galing sa kaniya.

"W-Wala naman akong sinasabing gano'n ah!" I pouted.

"Just so you know, hindi ikaw 'yong klase ng babae na nagmi-meet sa standards ko," kibit-balikat niyang paliwanag.

"As if naman gusto kong magkagusto ka sa'kin!" I hissed.

Silence.

Okay, awkward.

"T-Tara na nga!" singhal ni Jump, at pinaandar na niya 'yong motor.

Trapped in a CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon