Chapter 34: Messed Up

10.2K 559 237
                                    

✧✦✧

FAMMIE

"Fammie! Fammie!" Paglingon ko sa likod, tumatakbo si Charm palapit sa'kin.

"O Charm, may problema ba?"

Nagulat ako dahil may nilabas siyang envelope. "Basahin mo, para sa'yo 'yan," aniya habang hinihingal.

"Sa'kin?"

Bigla niyang kinuha 'yong kamay ko at nilagay roon 'yong envelope. "Sulat 'yan galing sa kaniya."

Nagliwanag ang mga mata ko sa sinabi niya. "Sa kaniya? You mean?"

"Galing 'yan kay Jump. Binigay niya sa'kin bago siya umalis."

"Talaga?" Niyakap ko nang mahigpit 'yong sulat. "Oh, Jump... Teka, saan daw siya pupunta?"

"Uhm, wala siyang sinabi sa'kin eh."

"Gano'n ba? Salamat Charm, ah!" sabay yakap ko sa kaniya. "Best friend ka talaga!"

"Uhm, w-walang ano man," nakayuko niyang sabi.

***

Nasa loob ako ngayon ng kwarto at nakatitig sa envelope na binigay ni Charm. Bubuksan ko ba 'to o hindi? Saka bakit kinakabahan ako? Ang lakas pa ng tibok ng puso ko.

"Relax ka lang, Fammie! Magbabasa ka lang naman ng sulat ng isang kumag!" Nanginginig 'yong kamay ko habang papalapit sa tuklap ng envelope.

Laking gulat ko dahil saktong may nag-doorbell sa'min. Bumaba ako para tingnan kung sino 'yong nasa labas.

"Wait lang po!"

Pagbukas ko ng pinto, wala namang tao. Huh? Weird. Isasara ko na sana ulit 'yong pinto nang may nakita akong papel sa paanan ko. Yumuko ako at kinuha 'yong papel.

Napansin kong may nakasulat pala rito. Pagkabasa ko ay biglang nanlamig ang mga kamay ko. 'Hinding hindi mo makukuha ang kayamanan ng WSC.'

Nabitawan ko 'yong sulat. Tumakbo agad ako sa loob ng bahay at tinawagan ko si Mama.

"Ma? Please... sagutin mo 'yong phone..." Naiiyak ako sa takot. Narinig ko na sa wakas 'yong pag-angat ng kabilang linya. "Hello? Ma! Ma! Meron akong natanggap na sul–"

"Sisiguraduhin kong hindi ka mabubuhay nang matagal." Ibang boses ang sumagot ng tawag.

I got scared but I managed to speak. "S-Sino ka? Ikaw ba 'yong nagpadala ng sulat?"

"Kawawa ka naman. Ultimong bodyguard mo, iniwanan ka na!"

Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. "Hindi ako iniwanan ni Jump! Inaalala niya pa rin ako. Sa katunayan, binigyan niya 'ko ng sulat!"

"Bakit hindi mo subukang basahin 'yong sulat na 'yon?" udyok ng kausap ko.

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong kinabahan. Bakit... ano'ng meron sa sulat na 'yon?

Binaba ko agad 'yong telepono at tumakbo papunta sa kwarto. Kinuha ko 'yong sulat ni Jump at binasa ito.

'Fammie... paalam. Hindi na tayo magkikita ulit. Mas maraming lalake riyan ang mas makakapagpaligaya sa'yo. Wala kang mararating sa isang tulad ko.

Magiging totoo ako sa'yo. Ayoko na rin sa WSC. Ayoko na rin maging bodyguard mo. Mas marami pa 'kong magagawa. Gusto kong maging malakas. At hindi ko makukuha ang pangarap ko kung parati na lang akong nasa tabi mo.'

'Pasensiya ka na, pero mas marami pa 'kong gustong gawin sa buhay ko.

At mas importante sa'kin ang matupad ang pangarap ko.'

'P.S. Alam kong nagsisimula ka nang magkaroon ng damdamin para sa'kin. Masyado ka pang bata. Kaya aalis na lang ako para maiwasan na natin ang kalokohang 'to."

Natuluan ng mga luha ko 'yong sulat. "H-Hindi... Hindi maaari. Hindi puwede..." Nilukot ko 'yong papel at napaluhod ako sa sahig. Niyakap ko ang sarili ko habang umiiyak.

Jump, do you really mean that?

***

"Fammie? Ayos ka lang ba?"

"Fammie, hindi ka na nag-lunch. Hindi ka pa rin ba maghahapunan?"

Sa dami ng bumabagabag sa utak ko, hindi na ako nagkapanahong sabihin sa nanay ko ang nangyari.

"Isang taon... Isang taon na lang ako sa college. Hindi ko pa nga namamana ang WSC, pero ang dami nang nangyayari sa'kin na laging ikinapapahamak ng buhay ko. Hindi ko naman hiniling ang lahat ng ito." Nakatitig lang ako sa kawalan habang nagsasalita nang mahina. "Hindi ba ako puwedeng mamuhay na lamang nang normal? Kahit 'yong mismong nanay ko, hindi ko tunay na ina..."

Naramdaman kong nasaktan siya sa nabanggit ko, ngunit halos wala na akong emosyon pagkatapos ng nangyari kahapon.

"P-Pasensiya ka na sa'kin. Masyado akong nadala sa pagpapanggap ko... Ako na ang nagpalaki sa'yo, nasaksihan ko kung paano ka tumanda, kaya naman minsan nakakalimutan kong kunwarian lang pala ang lahat ng ito..."

Hindi na kinaya ng puso at konsensiya ko. Bigla ko siyang niyakap nang mahigpit. "S-Sorry Mama. Ikaw rin naman ang tinuturing kong ina. Pasensiya na po, nadala ako ng emosyon ko..." aniko habang umiiyak.

"Fammie anak, puwede mo akong ituring na ina, at puwede mo rin akong ituring na kaibigan," ngumiti siya at hinaplos ang buhok ko. "Puwede mo akong tawagin sa pangalan kong Mita na binigay sa'kin ni Jasper."

"Huh? Pinangalanan din po kayo ni Jasper?"

"Oo. Lahat ng inaampon niya bilang trabahador ng WSC ay pinapangalanan niya, dahil kadalasan sa'min ay may mapapait na nakaraan. Kaya naman para niya na rin kaming binibigyan ng pangalawang buhay at pangalawang tiyansa sa mundo sa pamamagitan ng pagkupkop sa'min at pagbigay ng bagong pangalan."

Napalunok ako sa narinig ko. "M-May mapait din po ba kayong nakaraan, Mama?"

Hinaplos niya ang pisngi ko at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Meron din sana akong anak... mga kasing-edad mo na sana siya ngayon."

I was shocked. Buong buhay ko ay kapiling ko si Mita, ang kinikilala kong ina—ngunit marami pala akong hindi nalalaman tungkol sa kaniya. "Nasaan na po siya?" tanong ko.

Napatahimik siya sandali bago ako sagutin. "Kinuha siya sa'kin ng Crossed Bones."

Napahawak ako sa bibig ko sa sobrang gulat at 'di pagkapaniwala. Ikinuwento sa'kin ni Mama ang kaniyang nakaraan.


Trapped in a CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon