Chapter 49: Weakness

7.3K 576 207
                                    

Dahil wala pa ring motor si Jump, nag-commute ulit kami papunta sa Devon Studios. Pag-uusapan namin ang mga susunod na hakbang para sa misyon.

Kumpleto kami ngayon na nasa meeting room, at handang mag-report sa mga naipon naming impormasyon.

Si Mita ang naunang nagbahagi ng mga nalaman niya, "I searched through Charm's old room in WSC."

Lahat kami ay nakikinig sa kaniya.

"Ayon sa mga nakasulat sa kalendaryo niya, mukhang once a week ay hindi siya umuuwi sa WSC. Ito ay every Thursday, kaya maaari nating i-consider na ito ang araw na siya ay bumabalik upang mag-report sa Crossed Bones."

Nagtinginan kaming mga nasa kwarto. Malaki nga ang posibilidad na totoo ang sinabi ni Mita. Every Thursday. Naaalala ko nga ang mga panahon na laging nagmamadaling umuwi si Charm galing klase tuwing Huwebes.

Charm...

"We'll go next." Tumayo si Jump at pumunta sa harap. "We discovered that Charm has been with Crossed Bones ever since she was an infant. And she was raised by someone I know named Sebastian Geronimo."

"Gaano mo siya kakilala, Jump?" tanong ni Martini.

"He... was the one who raised me too," sagot ni Jump, "Kaya I know the person very well. Mahilig siyang tumambay sa isang bar na alam ko gabi-gabi. Balak ko siyang puntahan doon mamaya."

"S-Sama ako!" sigaw ko sabay tayo mula sa upuan.

"Nope, you're not going," sagot ni Jump habang hindi nakatingin sa akin.

"Why not?"

"It's too dangerous. Parte ng Crossed Bones si Baste."

"I want to go. I'll go with you," diin ko sa kaniya.

"No. You'll stay in your house."

"I'll go!"

"You won't!"

"I will!"

"No!"

Hinawakan niya nang mahigpit ang braso ko at tinitigan niya ako sa mga mata. "We're not going at some mall to go shopping, Softy. We're going straight to the enemy's territory. It's not a place for someone like you." Binitawan niya na ako sabay alis do'n sa kwarto.

Natahimik na lamang ang lahat ng mga naroon na nakasaksi sa pangyayari.

Bakit hindi ba ako kayang pagkatiwalaan ni Jump? Unti-unti nang nahulog ang mga luha ko.

Lumapit sa akin ang nanay ko at niyakap ako, "Tahan na, anak. I'm sure Jump is just concerned for your safety."

"Fammie, 'wag ka nang umiyak!" sigaw ni Tequila.

"Oo nga! Hindi namin bati si Jump dahil pinaiyak ka niya!" hirit ni Whisky.

"Saan ba nagpunta ang Jump na 'yan? Gugulpihin ko mamaya. Pinaiyak ba naman ang Fammie namin?" dagdag ni Scotch.

Pagkasabi no'n ni Scotch ay naglabasan silang lahat para habulin si Jump. Natira na lamang sa kwarto ay si Mita at ako.

"Hey, maybe this can make you smile." Biglang may inabot sa akin si Mita na sulat.

Binuklat ko ito at nagulat sa nabasa ko:

"Softy, kung binabasa mo na 'to ngayon, malamang naibigay na sa'yo ni Charm ang sulat na 'to. Uhm, paano ba 'to? Hindi ako magaling sa mga ganito eh. Kaya pasalamat ka, ikaw ang kauna-unahang binigyan ko ng sulat! Sorry kung hindi na ako nakapagpaalam sa'yo. Tulad ng sinabi ko sa'yo, gusto ko munang hanapin ang sarili ko. Gusto kong malaman ang mga sagot sa mga gumugulo sa utak ko. At kapag nahanap ko na ang sarili ko, babalikan kita. Sa panahong 'yon, isang mas malakas at mas handang Jump na ang makakaharap mo. Kaya na kitang ipagtanggol, at higit sa lahat, karapatdapat na ako sa pagmamahal mo."

Trapped in a CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon