Chapter 51: Lucky Charm Part 1

6.7K 481 73
                                    

"We're here."

Tumigil na ang kotse. Sumilip ako sa bintana para tingnan 'yong Eastdeck Mall. Biglang tumalon 'yong puso ko nang makita ko ito.

May ilang mga salitang tumakas mula sa bibig ko, "Ang mall na ito ay 'yong..."

"Yup. This is where I first met you. Dito rin nabaril si Charm." Ipinagpatuloy ni Jump 'yong sasabihin ko.

I can't believe that I'm back at the place where it all began.

"Hey, Softy."

"Yes?"

"Promise me you won't do anything stupid."

"Of course I won't! Hanggang ngayon ba naman—"

Hindi ko na natapos 'yong sasabihin ko dahil bigla akong niyakap nang mahigpit ni Jump sa loob ng kotse.

"No, I mean it. Promise me you won't do anything stupid that would cost your life." He hugged me tighter and whispered, "Dahil tuluyan na akong mawawala sa katinuan kapag may nangyaring masama sa'yo."

"Jump..."

Inilapat ko ang dalawang palad ko sa magkabilang pisngi niya at nagtanong sa kaniya, "Is this you just being concerned as a bodyguard? You're acting more like a lover than a bodyguard..."

Kinakabahan 'yong puso ko. I don't know what gave me the courage to tell him that, but I want to know if Jump indeed loves me or not. O ginagawa niya lang ba ang lahat ng ito dahil parte lang ng trabaho niya?

He leaned forward, and my heart raced like crazy. Both my throat and my lips turned dry due to nervousness.

Pero nilagpasan ni Jump ang mga labi ko at pumunta sa tainga ko para ibulong sa akin ang mga salitang ito, "I want to kiss you right now. I want to push my lips against your soft lips so much. But I know that it would taste sweeter once this is all over."

He then opened the car door and left me looking blank inside.

Naramdaman kong biglang tumaas lahat ng mga dugo ko papunta sa mukha ko. Nag-init 'yong buong katawan ko dahil sa sinabi niya. Nagpa-palpitate ngayon 'yong puso ko.

Oh Jump, you sure know how to make me insane with your words!

"Lumabas ka na riyan! Saka ka na kiligin kapag hinalikan na kita!" sigaw ni Jump na may halong pang-aasar mula sa labas.

Tinakpan ko saglit 'yong mukha ko gamit ang mga palad ko at huminga ako nang malalim. "You can do it, Softy!" sabi ko sa sarili ko.

I can't believe that I'm calling myself Softy as well. Kahit sino naman kasi magiging soft dahil kay Jump, 'no! Don't blame me!

"Boss! Boss!" Narinig kong humihiyaw sila Scotch. Lumabas na ako para tingnan kung ano ang kailangan nila.

"Ano'ng problema, Scotch?" Pinuntahan ko sila.

"Tingnan niyo, boss!" Itinuro niya 'yong mall. Nanlaki ang mga mata ko dahil dalawang building na pala ito ngayon. Dati, isang building lang ito noong bagong tayo pa.

"Alin diyan sa dalawa ang pupuntahan natin?" tanong niya sa akin.

Tumingin silang lahat sa akin at naghihintay ng sagot. Nanginginig ang mga kamay ko dahil hindi ko inasahang may ganitong bubungad sa amin. I took a deep breath and gave them an instruction.

"Let's separate into two groups," sabi ko sa kanila.

"No. That's exactly what the enemy wants! To divide our group and make us weaker as a result!" kontra ni Jump.

"We don't have a choice!" sigaw ko pabalik.

"I have a plan," Jump explains, "Mag-isa akong papasok sa kaliwang building. Samantalang kayong lahat ay pumunta sa kanang building. That way, hindi madi-divide ang lakas natin."

"Masyadong delikado 'yon para sa'yo!" hiyaw ko. Hindi ako papayag na mag-isa lang si Jump kahit ano'ng mangyari. Ayokong mapahamak siya.

"Actually anak..." Biglang lumapit sa akin si Mita at hinawakan niya ako sa balikat, "I think it might actually be a good plan."

Lumingon ako sa kaniya at pinakinggan ang sasabihin niya, "It might work in our favor kung isa lamang ang pupunta sa kaliwang building at tayong lahat naman sa kanan. With this, they would think that we all went together at hindi nila iisiping meron tayong pinadala sa kabila."

Sumunod namang nagsalita si Vodka, "Tama si Mita. That way, they will let their guard down kunsakali mang nasa kaliwang building sila. Kunsakali namang nasa kanan, at least marami tayo at makakayanan nating labanan sila."

"Besides," dagdag ni Whisky, "Jump is a very good spy. Kaya niyang makapasok nang hindi nahuhuli."

Their words encouraged me, pero hindi pa rin mawala ang pag-aalala ko para kay Jump.

"Don't worry."

Napalingon ako nang biglang nagsalita si Jump. He smiled at me and said, "Remember what I said in the car? I won't die yet until I claim the prize that's waiting for me after this."

Naglakad na si Jump papunta sa kaliwang building at iniwan na kami.

Lahat sila rito ay biglang lumingon sa akin.

"Miss Fammie, ano 'yong tinutukoy ni Jump? Hehehe!" asar nila sa akin.

I sighed and smiled, "Fine. Tara, punta na tayo sa kanang building!"

***

Nang makapasok sa loob, nagulat ako dahil napakaraming tao sa mall. Mas marami kaysa sa normal na araw.

"Paano natin mahahanap si Charm nito?" hiyaw ni Brandy.

Tiningnan ko ang mga tindahan sa mall. Lahat ay naka-sale! Kaya pala sobrang dami ng tao. Mukhang sinadya nilang piliin ang araw na 'to para mahirapan kami.

Inisa-isa namin ang mga tindahan ngunit hindi pa rin namin makita si Charm.

Maya-maya lamang ay nakarinig kami ng malakas na static sound.

"To all mall shoppers, we have an announcement to make," sabi ng boses galing sa speakers ng mall, "Freesia Fammie Fernandez. Narito ka 'di ba?"

Lahat kami ay nagulat sa sinabi ng announcer. Pati ang mga tao sa mall ay nagtataka sa naririnig nila sa speakers. Nagpatuloy lang ito sa pagsasalita, "May gustong kumausap sa inyo. Ikokonekta ko ito sa linya niya."

A few seconds of static was heard before a new voice took over.

"Hi, Fammie! Did you miss me?" sabi ng panibagong boses ng babae mula sa speakers.

"Ch-Charm!" I yelled out of surprise.


##### SEE YOU NEXT CHAPTER.

Support this story by sharing and recommending it on Facebook or TikTok!

Thank you, Softies. ❤️

Trapped in a CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon