Chapter 16: Secret Mission

11.8K 610 139
                                    

I woke up this morning full of energy and enthusiasm. I just saw him yesterday. It feels like I want to jump! Napatingin ako ro'n sa baul na nasa gilid ng kama ko. Parang may nakalimutan yata ako?

Oo nga pala! Kinulong ko ro'n si Gabriel! Dali-dali kong hinanap 'yong susi at binuksan 'yong baul. Nakita ko si Gabriel na punong puno ng tape 'yong bibig.

Napangiti ako at tinanggal ko lahat 'yong tape na nakabalot sa kaniya, tapos pinindot ko 'yong ilong niya. "Hoy Gabriel! 'Wag mo na ulit gagawin 'yon ha. Dahil sa'yo, nagtampo tuloy sa'kin si Softy"

Natawa ako nang mahina nang marinig ang recorded na boses ni Jump. Kabisado ko na rin kasi ang functions ng teddy bear na 'to. Nagpaturo ako dati kay Leon. Nasabi niya sa'kin kung pa'no ang pag-play, rewind, next, record, delete, at iba pa. Siyempre naka-save lahat ng mga recordings ni Jump.

Pinindot ko ulit ang ilong ni Gabriel at nakinig sa mga paborito kong recordings ni Jump.

"'Di ba sabi ko naman sa'yo? Hindi ako babalik hangga't hindi ko nahahanap ang manika mo?"

"Baliw ka talaga, Softy. Saan ka nakakita ng hairclip na inilalagay sa tainga?"

"Narito na po ako. 'Wag na po kayong malungkot ha? 'Wag na po kayong iiyak."

Natatawa ako lalo na doon sa panghuli na inipit ni Jump ang boses niya para magkunwaring Gabriel.

"Sorry Gabriel, ha? Kinulong kita sa baul na 'yan. Nalungkot ka siguro. Pero simula ngayon, magkatabi na ulit tayong matutulog!" Pinuwesto ko siya sa tabi ng unan ko.

***

Full of energy rin ako na pumunta sa school. Lahat sila nawiwirduhan sa'kin. Eh pa'no ba naman? Kahapon lang parang wala akong buhay. Tapos ngayon buhay na buhay na 'ko.

"Oh bakit parang ang saya mo yata ngayon?" nagdududang tanong ni Charm.

"Wala lang. Masama bang maging masaya?" sagot ko habang nakangiti nang kaduda-duda.

"Ang weird eh. Dahil ba 'yan kay Jump?"

"Jump? Hindi ah. Niloloko mo ba 'ko? Hahaha!"

Tama. Kailangan kong ilihim ang pagkikita namin this Friday. Walang dapat makaalam. Tiyak kapag nakarating 'yon sa WSC, pipigilan nila kami at hindi na ito matutuloy.

"I'm just warning you Fammie, hindi ba parang masyadong matanda si Jump para sa'yo?"

"Huh? Twenty-six lang siya! Ang pinakaaasam-asam mong Tom Holland, gano'n din ang edad!"

Na-shock naman si Charm. "OMG Fammie! Don't ever mention my Papa Tom like that! Iba ang sitwasyon namin!" Nag-acting naman ang bruha na parang may relasyon talaga sila.

"Seven years din ang difference niyo!" diin ko sa kaniya.

"Mag-ingat ka sa mga binibitawan mong salita." Hawak-hawak ni Charm 'yong dibdib niya na parang affected masyado.

Ngumiti ako at sinundan ko pa ang pang-asar sa kaniya. "Pati ang crush mong si Jacob Elordi! Seven years din ang agwat niya sa 'yo!""

"Pero—okay fine, payag na 'ko. Hindi na masyadong matanda si Jump para sa'yo." Sumuko na rin si Charm.

"Yay! You're the best!" Niyakap ko siya pagkatapos. Narinig ko naman siyang nagsalita ulit.

"Biruin mo? Nakuha mo ang isang tulad ni Jump? Suwerte mo, girl!"

Napangiti na lang ako. Alam ko namang hindi 'yon totoo eh. Kapag kasama ko si Jump, wala siyang ginawa kung hindi tumingin sa ibang babae, lalo na kapag mas matanda at mas maganda sa'kin. At alam ko rin kung gaano katindi ang nararamdaman niya para sa Carmen na 'yon.

Trapped in a CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon