Chapter 3: Friends and Frenemies

23.4K 1K 236
                                    


Good morning, sunshine! It's 6:00 AM in the morning and I'm preparing to go to school. Pagkatapos mag-shower, pumanhik ako sa kuwarto at binuksan ang aparador.

Hmm, ano kaya'ng susuotin ko? Wala pang dalawang segundo, nakapagdesisyon na ako at kinuha 'yong pink na blazer. Inibabaw ko ito sa aking uniporme at paalis na sana nang bigla akong napatigil. "Wait lang, parang may kulang." Pumunta ako sa salamin at naglagay ng pink na hairclip. "Perfect!"

"Aalis ka na, Fam?" tanong sa akin ng nanay ko pagbaba ko ng hagdan.

"Yup! Bye, Mama! Uwi po ako ng mga alas-sais," magiliw kong tugon.

"Oh sige, ingat pag-alis!"

Habang humuhuni sa aking morning stroll papunta sa eskuwelahan ay may nakaagaw ng atensyon ko.

"Hindi ko babayaran 'tong juice na to! Ang pangit ng lasa!"

Ang lakas naman ng boses no'n. Paglingon ko, may grupo ng mga tao na nagkukumpulan sa isang tabi. Sino naman kaya ang nagsisimula ng kaguluhan do'n? Lumapit ako para alamin at pagbigyan ang aking kuryosidad. May isang matangkad na lalaking nakasuot ng shades na nagrereklamo sa isang tindahan.

"Pero sir, kailangan niyo pong bayaran ang juice niyo," nagmamakaawang pakiusap ng tindero sa kaniya.

"You're asking me to pay for this thing? Nasubukan mo na bang inumin ang binebenta niyo?" Lumapit 'yong lalaking nagrereklamo sa isa sa mga taong nakikitsismis. "Drink this," utos niya rito.

"H-Ha? Pero..." Nag-aalinlangan 'yong inosenteng lalaki na tumambay lamang doon.

"Just drink this if you don't want to get hurt!" giit ng nagrereklamo.

Grabe naman ang pagputok ng butse no'n! Kawawa naman 'yong tindero at 'yong taong napatambay.

Dahil sa takot ay kinuha na lamang ng tambay ang inalok na juice at ininom ito. "Mmm... Masarap naman ah," hatol niya.

"What?!" Hindi makapaniwala 'yong nagreklamo sa sinabi nito.

"Try ko nga rin!" May isa pang tsismosang nakisali at kusang kinuha 'yong baso ng juice mula sa tambay na uminom nito. "Mmm... Oo nga, masarap nga!" sang-ayon niya.

Sobrang nairita na 'yong nagrereklamo. "Nahihibang na ba kayo? Ang pangit kaya ng lasa!"

Naiiyak na nagmakaawa ulit ang tindero sa kaniya. "Sir! Bayaran niyo na po 'yong binili niyong juice!"

"Sinasayang ko lang ang oras ko rito! Buwisit, nasa'n na ba 'yong babaeng 'yon?" singhal ng lalaking nagrereklamo.

"Excuse me!" Hindi ko na kinaya ang eskandalong aking nasaksihan at pinuntahan ko 'yong tindero para tulungan siya. "Ako na po ang magbabayad ng ininom niyang juice. Magkano po ba?"

"Wow. Ang bait mo naman, miss." Napanganga ang tindero paglapit ko, tila bang nakakita siya ng anghel.

"Uhm, magkano po 'yong juice?" nakangiti kong ulit. Nakalimutan na yata ni manong ang problema niya kanina.

"P-Para sa'yo, binibini, libre na! 'Wag niyo na pong bayaran," bulalas nito. Bigla namang nagpalakpakan ang mga tao sa paligid.

"Wow! Ang bait niya na, ang ganda niya pa."

"Miss, kung gusto niyo ng juice, ililibre ko na kayo!"

"May natitira pa palang matitinong kabataan sa panahon ngayon."

Umulan bigla ng mga papuri mula sa madla. May iba pa ngang kinukuhanan ako ng video para i-upload siguro sa internet.

"What do you think you're doing?! Trying to make a scene?" sabi ng nagreklamo kanina. Tinanggal niya ang kaniyang shades at nakita ko na nang mabuti ang mukha niya.

Trapped in a CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon