Chapter 36: Fammie's Comeback

9K 524 45
                                    

✧✦✧

FAMMIE

My mother Mita wrapped up the story about her sad past. "'Yon 'yong araw na pinakilala ka niya sa'kin. Sanggol ka pa lang noon. At ipinaliwanag maigi sa'kin ni Jasper na ikaw ang tagapagmana ng WSC at kailangan ka naming itago."

Tumutulo ang mga luha ko habang nakikinig sa istorya ng nakaraan niya.

"Ikaw... Ikaw ang naging Cassie ko. Dahil kay Jasper at dahil sa'yo, para ko na ring nakasama ang nawawalang anak ko."

"Mama!" Niyakap ko siya nang mahigpit. "Mahal na mahal kita, Mama! Hinding hindi kita iiwan. Hahanapin natin si Cassie!"

Parehas kaming umiiyak ni Mita habang yakap-yakap ang isa't isa.

Napakarami pala talagang natulungan si Jasper, at karamihan sa kanila ay may kinalaman sa Crossed Bones. Kaya pala malaki ang galit nila sa WSC.

Ako kaya, magagawa ko rin ba ang mga nagawang kabayanihan ni Jasper?

Pagkatapos malaman ang mga kuwento nina Mita, Leon, at Jump, naging buo ang paninindigan ko. Hindi lang ang kompanya ng WSC ang mamanahin ko kay Jasper, I will also inherit his legacy as a hero.

***

Today is a Saturday. Sa sobrang determinado ko ngayong araw ay nauna akong magising bago mag-alarm ang orasan ko. Tinawagan ko agad si Leon.

"H-Hello, Miss Fammie?" Halatang takang-taka siya kung bakit ako napatawag nang ganito kaaga.

"Leon! I need your help. Nakaligo ka na ba?"

Niyaya ko si Leon na dalhin ako sa iba't ibang mga kompanya ng WSC. Rather than a nuisance like Jump, I should focus more on better things. Hindi ko bibiguin ang WSC. Kung maraming natulungan si Jasper, magagawa ko rin 'yon. I want to change people's lives just like what he did.

Ang una naming pinuntahan ay isang malaking factory ng sapatos.

"Ito 'yong shoe company ng WSC. It goes under the name of W. Walkers," paliwanag ni Leon.

"WSC ang may-ari ng W. Walkers?" Hindi ako makapaniwala dahil sobrang sikat ng local brand na iyon. "Alam mo bang matagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng kahit isang pares ng sapatos nila?"

"Hahaha. Bakit 'di mo agad sinabi? Lahat ito ay pagmamay-ari mo, puwede kang mamili ng gusto mong iuwi."

Pumasok na kami. Ang babait ng mga bumati sa'kin, ipinakita nila kung paano gumawa ng sapatos.

"Handmade lahat ng shoes dito. 'Yon ang pride ng W. Walkers dahil sigurado kang matibay at maaasahan ang sapatos mo," Leon proudly explained.

Nasa harapan ko ay 'yong mga tila tatlondaang workers na isa-isang hinuhulma ang mga sapatos. Tinuruan pa nga nila ako kung paano magsukat at mangustura.

Pagkatapos sa W. Walkers, nilibot ako ni Leon sa mga iba't ibang kompanya sa ilalim ng WSC tulad ng mga ospital, leather bag factory, media company, radio station, sustainable farms, at marami pang iba.

Sunod-sunod naming binisita ang mga iyon kaya naman nagpasya kaming magpahinga muna sa isang malapit na park.

"Grabe! Sobrang dami namang kompanya ng WSC!" Rinig ang pagod sa boses ko. Pinapaypay ko na ang kamay ko sa tapat ng mukha ko.

"Wala pa tayo sa kalahati," natatawang sabi ni Leon. "Isipin mo na lang kapag ikaw na ang pumalit kay Jasper."

"Napakagaling siguro ni Jasper," ngiti ko. "Hindi ako magtataka kung hinahangan talaga siya ni..." Bigla akong napatigil.

"Ni?" Leon followed up.

"Ni... Ninyong lahat!" I was blushing really hard. "Hahaha!"

Ngumiti lamang si Leon, pero tila ba may kutob siyang iba. "Gano'n ba? Akala ko kung sino na."

"Saan na ba ang next destination natin?" Sinubukan ko agad baguhin ang usapan.

Naglabas siya ng malaking mapa at pinakita ito sa'kin. "Ito ang directory ng mga kompanya ng WSC. Listahan 'yan at mga lokasyon nila. Saan mo sunod gustong pumunta?"

"Ano 'to?" Tinuro ko 'yong isang kompanya na naka-italicized. "Bakit iba ang pagkaka-type sa kaniya?"

"Well, lahat kasi ng companies ng WSC ay malalakas ang sales at mga kilalang pangalan." Leon tries to explain, "Iyan lang ang nag-iisang kompanya na naghihirap. Halos bankrupt na ito at malapit na ring magsara."

"Dito," I said firmly. "Dito ko sunod gustong pumunta, sa Devon Studios." 

Bakit kaya ayaw umunlad ng kompanyang 'to? Sigurado akong may problema rito.


Trapped in a CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon