Add Friend

139 10 0
                                    

(Sa kwarto)

"Ang saya ko ngayon, sunod-sunod ang panalo ko. Sana bukas manalo ulit." nakangiting sambit ko habang tinitingnan ang mga larawan ni Jun-ji Hyun sa pader. ("Nice Game, mamayang gabi naman ako maglalaro ulit.") Biglang may nagsalita sa isip ko. Biglang pumasok ang huling sinabe ni Quinn kanina sa isip ko.

"Hindi pwede! Ano naman kung maglalaro sya mamaya? Ano bang pakialam ko?" sambit ko habang nakatingin sa larawan ng idol kong si Jun-ji Hyun

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

"Hindi pwede! Ano naman kung maglalaro sya mamaya? Ano bang pakialam ko?" sambit ko habang nakatingin sa larawan ng idol kong si Jun-ji Hyun.

"Anak lumabas ka na dyan sa kwarto mo, kakain na tayo ng pananghalian" sabi ni Mama habang naghahanda ng makakain sa mesa.

Lumabas na ako ng kwarto at nilagay sa bulsa ang cellphone ko.

"Ma ang sarap  po ng ulam natin ngayon ah! Ang bango, Tinola." Sabi ko kay mama habang naglalakad papunta sa mesa.

"Masarap talaga yan, ako pa ba? Basta Huwag ka nalang mag-ingay dahil manok na puti yan ni Papa mo." Mahinhin na sagot ni Mama habang tumatawa.

"MA!!! niluto mo si Rostiee? Ma hindi lang yun manok ni papa, manok ko din po yun" Natatarantang sambit ko kay mama.

"Rostieeeeee!" Naiiyak kong pagtingin sa bowl na may karne ni Rostiee.

"Tama na yan kumain na tayo!" Natatawang sambit ni Mama.

Lumabas ako bigla dahil hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko. Kumuha ako Plastic at karton.

Matapos ay papunta ako sa kusina.

"AY AY AY AY!! Junjun! saan ka pupunta?" natatawa na nangangambang sagot ni mama.

Umiiyak lang ako, nakatingin lang ako sa Kaserola. Wala akong ibang nasa isip basta umiiyak ako.

"Kukunin ko si Rostiee, ililibing ko po!" umiiyak kong sambit kay mama.

"UUPO KA DOON SA KAINAN O IKAW ANG ILILIBING KO ?" Taas kilay at walang emosyon na sambit ni mama.

" Ito naman si mama hindi mabiro, ito na uupo na po." Bigla kong tinigil ang iyak ko dahil naging seryoso na bigla si mama. Hindi mabiro eh.

"Ikaw artistahin ka talaga eh no ? Bakit kaya hindi ka mag audition sa Star hunt? Ano kaya sa tingin mo anak?" Nakangiting sambit ni mama na parang walang nangyari.

"Ma hindi naman ako pasok dyan. Kain na tayo po ma." sabi ko kay mama.

"Anak nanalo si rostiee mo hahahaha!" Masayang sigaw ni papa habang papasok sa bahay.

"Tayyyy! Rostieeeee!" Tumayo ako at kinarga si Rostiee.

Di ko napigilan ang pag-iyak ko. Nakatingin lang si Mama at Papa sa akin. Kahit naman kasi di ko sabihin alam kong ramdam nila na importante sakin alaga kong manok na yan.

BRO Lag Ako!जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें