Being in a place like Zaun

43 2 0
                                    


Panaginip.


Isa ba itong panaginip? Totoo ba itong nararamdaman ko? Talaga bang katabi ko sya? Hindi naman ako makapaniwala. Crush ko lang sya noon eh, tapos ngayon gusto nya rin ako. Pero mayroon syang iba eh. Ginusto lang ako pero hindi ako minahal.

"Ginusto lang ako pero hindi ako minahal." Sabi ko sa sarili ko habang katabi ko si Gem na natutulog.

Ang sakit diba ? Pero ang sakit na ito ay ang nagsisilbing kasiyahan ko.

Niyakap ko si Gem sa oras na iyon, masaya rin ako kahit paano dahil ako ang pinuntahan nya na dapat ay nasa girlfriend nya sya.

"Gem, uyyy gising. Gising ka please." Ginising ko sya ng mahina lang, umaasang magigising talaga siya. Gusto ko kasi sulitin ang oras na kasama ko sya sa kwarto ko.

"hmmmmm" yan lang ang natatanging sinabe nya sa akin.

"Gising ka na please, bukas balik ka na naman nyan sa dati. Para na naman akong kawawa nyan bukas." Sabi ko kay gem na may halong lungkot.

"Dito ka nga, huwag mo nang isipin ang mangyayari bukas basta kasama kita ngayon okay?" Niyakap nya ako at sinabe ang mga katagang ito.

"Gem, lasing ka lang siguro no? kaya nasasabi mo ang mga yan?" sabi ko kay Gem.

"Hmmm? Huwag na nga." Tumalikod sya sa akin na para bang naiinis.

"Sorry na. Uyyyy Gem." Hinila ko sya paharap sa akin.

"Kaya pa, kung ano-ano kasi pinuputak mo dyan." Nakangiting sabi sa akin ni Gem.

Muahhhh!

Hinalikan ko si Gem sa lips. Dumampi ang labi ko sa labi nya na naging dahilan para matahimik kami pareho.

Namula kaming pareho dahil doon.

"Bakit?" sabi ko kay Gem.

"Ahhh-ehhh wala." nauutal na sabi ni Gem.

Nakatingin lang kami sa isat-isa. Nakatulala na para bang wala nang bukas.

Bigla akong naka-isip ng kalokohan sa mga oras na iyon. Bigla kong idinikit ang tuhod ko sa bandang gitna ni Gem. 

Bigla akong natawa dahil ang tigas ng short nya haha. Nagulat si Gem doon na naging dahilan para tumawa ako.

"HAHAHAHA! Bakit ang tigas Gem?!" Natatawa kong sabi sakanya.

"Layas! Layas!" Sinipa ako ni Gem hanggang sa mahulog ako sa kama.

Sobra ang tawa ko sa mga oras na iyon. Siguro mga 5 minutes ko syang iniinis. Habang ginagawa ko iyon ay dumapa sya sa kama. Noong lumapit ako at tinanong kung okay lang sya, nakatulog na pala sya haha.

Grabe ang bilis matulog ng loko na ito haha.

Masaya na ako dito kahit alam kong galit mama nya sa akin o sa ganitong relasyon.

Relasyon? Wala naman palang kami ni Gem, umaasa na naman ako haha.

Natahimik ang damdamin ko sa mga oras na iyon dahil tulog na ulit si Gem.

Biglang pumasok sa isipan ko ang boses na "I like You!"  na narinig ko noong nasa Camarines Sur kami.

Si Quinn ba iyon? Kung sya yun bakit hindi nya sinabe sa akin. Bakit nya pa tinago? Bakit hinayaan nya akong mahulog sa iba?

BRO Lag Ako!Where stories live. Discover now