Noxian Guillotine

38 2 0
                                    

Jona, Bakit?
Masyadong malaki ang papel mo sa buhay ko, bakit ikaw pa?

"Sorry! Hindi ko alam ako pala ang tinutukoy mo. Ang sakit, nasasaktan ako kasi nasasaktan ka ni Gem yun pala ako lang naman pala ang dahilan. Ang kitid ng utak ko, ang hina ng isip ko, bakit hindi ko agad naisip yun.

Ang sakit, parang hinahati ang katawqn ko. Lord, ang sakit. Ako lang naman pala ang nakakasakit kay Jona!

Ang sakit!" Sabi ko sa sarili ko habang sinusuntok ko ang dibdib ko at umiiyak sa loob ng kwarto.

Tang-*na naguguluhan na ang puso ko! Pero hindi ko mapigilan ang pagmamahal ko sakanila.

Ngayon alam ko na na ako ang dahilan ng sakit na nararamdaman ni Jona. Si Jona na special sa akin.

Tapos ngayon kailangan kong pumili kay Gem at Quinn.

Pipili ako? Sakanilang dalawa na parehong may Girlfriend na.

Pipili ako? Sakanilang dalawa na parehong kaibigan ko.

Tang-i*a naman oh! Ang sakit.

Masakit na eh na malaman ko na ang crush ko na si Jona ay ang bf nya ay ang mahal kong si Gem tapos ngayon malalaman ko na nasasaktan si Jona dahil lang naman pala sa akin.

Lord hindi ko na kaya ang sakit na. Hindi ko na kaya shit ang sakit sakit na.

Naalala ko na may pocket knife sa may ilalim ng mesa ko. Meron ako noon sa kwarto ko dahil pang self protection ko in case na may masamang loob na pumasok sa bahay.

Hindi ko na maintindihan ang dapat kong gawin. Umiiyak na lang ako, ang sakit papapiliin ako sa dalawang tao na hindi ko naman deserve.

Dumidilim ang paningin ko, lumalabo ang mata ko, parang kinukuryente ang katawan ko. Hindi ko alam habang hawak ko ang kutsilyo ay hindi ko naiisip ang pwedeng kalabasan ng naiisip ko.

Tuktoktuktok!

"Anak! Buksan mo itong pinto." Ang boses ni papa na narinig ko sa labas ng kwarto ko.

"Pa!" Umiiyak kong sagot kay papa.

"Anak buksan mo ito!" Pasigaw na sabi ni papa.

Binuksan ko ang pinto dahil mas takot pa rin ako kay papa kaysa sa kutsilyo.

"Anak!" Sabi sa akin ni Papa at niyakap ako.

"Papa." Umiiyak kong sabi kay papa.

"Junjun anong problema! Anong meron kanina pa ako nag-aalala kasi hindi ka lumalabas sa kwarto mo." Nag-aalalang sabi ni mama.

"Mama ko." Mas lalo akong humagulhol at nabitawan ko ang kutsilyong hawak ko.

Nagulat si mama ng makitang nahulog ang kutsilyong hawak ko.

"Anak nandito lang naman kami ng mama mo, pwede ka sa amin magkwento." Malungkot na sabi ni papa.

Bigla akong nahimatay sa mga oras na iyon. Nagising na lang akong nasa hospital.

"Ma, Pa, nasaan tayo?" Gulat kong sabi kay mama at papa.

"Anak, nasa hospital tayo." Malungkot na sabi ni papa.

BRO Lag Ako!Where stories live. Discover now