Broken Glasc

33 1 0
                                    



(2 weeks later)


Hayyyyst, hindi ko alam ang nararamdam ko. Patagal ng patagal hindi pa rin nahahanap si Gem ko. Ilang buwan na rin akong mag-isa. Oo, kasama ko siyempre ang pamilya ko pero ang pakiramdam ng kompleto dahil nasa tabi ko o nasa paligid ko ang taong pinakatinitibok ng puso ko ay ang kulang.

Simula ng paginhawain ni Quinn ang pakiramdam ko dahil sa sobrang galit ko ng mahuli si Henry pero hindi pa rin natagpuan kung nasaan na si Gem ay lumayo rin ako.

Oo, lumayo ako kay Quinn dahil nakita ko sila noon kinaumagahan ni Jona na nag-uusap sa labas ng computer shop. Pinag-uusapan nila kung ano na ang estado ng relasyon nila.

Nasasaktan ako kaya siniguro ko na lang na ako ang lalayo. Ayaw kong sirain ang kasiyahan na narararapat para kay Quinn. Minsan ko na siyang sinaktan at ayaw kong palagi siyang masaktan dahil sa akin.

"So ano ba talaga ang estado nating dalawa Quinn?" linyang narinig ko kay Jona habang kinakausap nya si Quinn. Hindi ako umalis agad dahil inaantay ko ang sagot ni Quinn ngunit biglang nangatog ang paa ko ng marinig ko ang sagot niya.

"Just wait, I'll find out kung ano ba talaga ang gusto ko kay Jay. I don't know rin kasi kung ano ba talaga ang reason kung bakit gustong-gusto kong nasa tabi nya. Please give me a chance!" ang rasong narinig ko kay Quinn.

Hindi ko alam kung bakit ako tumakbo noon. For sure nakita nila ako and I think alam naman na rin nila na iyon ang rason kung bakit dalawang linggo ko na silang hindi pinapansin ngayon. 

Bakit ba kasi Gem!!!!!!! Bakit mo ba kasi ako iniwan?

Miss na kita, pakiramdam ko wala akong kakampi. Pakiramdam ko natanggal lang ang pagiging innocense ko at napalitan ng alaalang puro masasakit.

Ala-alang masasaya na natatambunan ng bigat at sakit sa puso.

Palaging pumapasok sa isipan ko ang mga pangako natin sa isat-isa. Naaalala ko kung paano tayo naging masaya sa kahit saan man na pinupuntahan natin. 

Naaalala ko ang simoy ng hangin, musika ng dagat habang nakakamtan ang matatamis at maiinit mong halik.

Miss na kita, I really don't know what to do ngayong wala ka. Nalalapit na rin ang pasokan and I really don't know kung ipagpapatuloy ko ba ang pag-aaral ko.

 "Anak, labas na diyan sa kwarto mo at kakain na tayo ng papa mo." mahinay na sabi ni mama habang nasa labas sya ng kwarto ko.

Kailan kaya magiging sound proof ang kwarto ko para hindi nila marinig kung ano na ginagawa ko sa loob ng kwarto.

Dalawang linggo na rin kasi akong matamlay at mahinang kumain. Ilang beses ring pumunta si Quinn sa bahay pero hindi ko alam at ayaw ko siyang makita dahil hindi rin kasi ako sigurado kung bakit ako nagkakaganto.

Mahal ko si Gem pero bakit si Quinn naman ngayon ang hinahanap ko ngayong wala si Gem sa paligid ko.

Ayaw kong manggamit ng iba para lang makalimutan ang isa. Masakit ang narinig ko sa usapan nila pero tama iyon dahil ayaw ko rin na gamitin ko siya para makalimutan si Gem.

Haysssst, nag-oover thinking na naman ako. 

"F*CK THIS SH*T!" sabi ko ng mag-isa sa loob ng kwarto.

Bigla akong natauhan at pinakinggan ang mga tao sa labas kung ano reaksyon nila. Parang wala lang silang narinig kaya nalumbay akong muli. Nawala ang kaba sa dibdib ko kaya binuksan ko ang speaker at kinonnect ko sa bluetooth ng mobile phone ko.

BRO Lag Ako!Where stories live. Discover now