Get back to the Lore

26 1 0
                                    

...

Tulala, ako ngayon ay nakatingala sa kisame habang nakahiga sa aking kwarto. Ang aga ko ngayon nagising medyo may kakaiba kasi kay papa ngayon. Hindi nya ako masyadong pinapansin. Siguro dahil ito sa nangyari kahapon.

Ayaw kong malungkot ayaw ko ring kabahan dahil magkikita kami ni Quinn ngayong araw. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa araw na iyon bakit parang marami ang galit sa akin.

Wala akong ibang magawa kaya binuksan ko na lang ang aking laptop at nanood ng Korean drama.

Sana pareho na lang ako ng bida dito sa pinapanood ko. Sana naging main character na lang ako sa loob ng isang libro/webtoon. Para hindi na lang totoo ang lahat. Para kayang maisulat kung ano ang gusto ko maging sa buhay ko. (W Two Worlds)

Ako na gustong pumasok na lang sa ibang mundo para hindi ko makita ang mga nasa paligid ko na  malungkot o galit dahil sa akin.

Pakiramdam ko kasi sinimulan ko ang lahat ng ito kaya ngayon ito ang nararamdaman ko.

Bigla kong ipinikit ang mga mata ko at hindi ko napansin na nakatulog pala ako.

Nagising akong muli dahil sa tawag sa Cellphone ko.

On Call

__________________________________________

Quinn: Gusto mo ba talagang malaman? Sasabihin ko lang kapag pinayagan ka ng boyfriend mo na sumama sa akin.

Me: Ba-bakit hindi sya papayag?

__________________________________________

Binabaan ako ng telepono ni Quinn kaya mas lalo akong kinabahan. Bakit nya ginagawa ito sa akin?

Matapos kong maligo ay tinawagan ko si Gem. Kinausap ko sya na kung maaari may sumama ako ngayong araw kay Quinn para malaman ko ng malinaw kung bakit ganito sa akin ang buong tropa.

Hindi pumapayag noong una si Gem pero muli nyang pinaalala sa akin na "Akin ka lang Jay ahh. I Love You" sinabe nya ang mga yan bago ibaba ang call.

Napangiti naman ako dahil mahal na mahal talaga ako ni Gem.

Masaya naman ako kahit kinakabahan dahil pinayagan ako ng mahal ko.

Makalipas lang ang isang oras ay nagmessage na ako kay Quinn na papunta na ako sa Computer shop. 

Sabi ko rin sakanya na doon na lang kami magkita pero sabi nya sa akin sa may Jolibee na lang raw kaya doon kami nagkita.

"Quinn, galit ka ba?" kinakabahan kong tanong.

Hindi sumagot si Quinn pero nagsalita syang muli para pasakayin ako sa sasakyan nya.

"Sakay ka na" sabi nya.

Hindi naman ako nagsalita at agad na akong pumasok.

Tinanong ko sakanya kung saan kami pupunta at sumagot naman sya sabi nya doon raw sa Albay Park and Wildlife. 

Tinanong ko rin kung bakit doon kami pupunta para pag-usapan ang mga gusto kong malaman, sabi nya sa akin ay doon raw kasi nagsimula bumago ang ikot ng mundo nya.

Hindi ko sya masyadong maintindihan sa mga oras na iyon kaya natulog na lang ako.

(A few hours later)

"Gumising ka na, nandito na tayo." sabi sa akin ni Quinn.

"Sige po." sagot ko.

BRO Lag Ako!Where stories live. Discover now