Welcome to the League

79 8 0
                                    

Ringggg!!!!!! Ringgggg! 

Nagising ako sa tunog ng aking cellphone, nagulat ako dahil ang aga pa pero tumunog na. Antok pa nga ako eh. Ang oras ng alarm ko ay 8:00am. 

Hindi ko pinansin ang tumunog kong cell phone at nagpatuloy ako sa pagtulog.

Ringgggggg! Ringggg!

Muli na naman tumunog ang aking cell phone. Wala akong naging ibang option kundi ay ang buksan na ang aking cell phone.

Tiningnan ko kung ano na ang tumutunog na iyon. Nagulat ako dahil may tumatawag. Walang ibang nakakaalam ng number kundi magulang ko lang.

Sinagot ko na ang tawag sa'kin.

Me: Hello! Sino po ito?

Stranger: Ano ka ba bro, ako ito si Quinn mo hahahaha!

Nagbiro sa akin at nahalata kong pamilyar sa akin ang boses kaya nagkaroon ako ng hula kung sino ito.

Me: Quinn? ikaw ba yan? saan mo naman nakuha ang number ko ? Is lookusumbong na talaga kita kila mama masyado kang suspicious.

Quinn: Huwag naman pooo! Mabait kaya ako. Saka kay mama mo galing ang number mo. Binigay nya sa'kin.

Me: Seryoso? talaga? 

Quinn: Jay! Bago ang lahat punta ka ng shop mamayang 10:00am okay?

Me: (no comment)

Binaba ko na ang tawag nya sa'kin at pumunta na ako ng kusina upang makausap si mama .

"Ma, bakit mo naman po binigay ang number ko kay Jay?" tanong ko kay mama.

"Anak, ngayon lang ako naging kampante para sayo. Ngayon may kaibigan ka na at kalaro. Hindi na ako mangangamba kung nasaan ka o kung baka mag-isa ka. Okay?" sagot ni mama.

Natulala ako sa sinabe ni mama sa'kin.

"Junjun anak, Matapos mong kumain sumama ka muna sa'kin sa bukid. May nag-aantay sayo doon." Sabi ni papa sa'kin at ngumiti pa habang papalabas ng bahay upang mag handa ng mga dadalhin namin.

Nagulat ako sa sinabe ni papa. Sino naman mag-aatay sa'kin doon. Hmmmm hindi naman si Quinn dahil kakatawag nya palang sa akin ngayong umaga. 10"00am nga daw ay dapat nasa computer shop na kami. 

Kumain na ako at sinigurado kong mabubusog ako dahil siguradong madudumihan ako. Nagtataka pa rin ako kung sino ang nag-aantay sa akin doon.

"Jayyyyy mahal pa rin kita." mga linyang biglang nagsalita sa isipan ko.

Sana naman ay mali itong naiisip ko. Sana hindi ang ex ko ang nandoon. Ayaw ko na syang makita. Umiiyak na ako sa mga oras na ito dahil naaalala ko lahat ng sakit.

"Anak, halika na. Inaantay ka na ni Rostiee sa bukid." nakangiting sambit ni papa.

"Si papa talaga, akala ko kung sino na ang nag-aantay sa'kin sa bukid."  Gumaan ang pakiramdam ko dahil hindi naman pala ang ex ko ang nag-aantay sa akin.

Habang nasa byahe kami ni papa may nakita akong bata na nakasuot ng P.E uniform pero ginamit nya ito bilang pambahay lamang.

Bigla ako nagkaroon ng tanong sa aking isipan. Bakit ba hindi ako nag-aaral? Actually dapat papasok na ako sa College. 

Pero dahil sa break-up nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay. Isang araw bigla na lang akong nagising tapos na pala ang enrollment for School Year 2017-2018. Kaya ngayon Oktobre na ng taong 2018, siguro handa na ako ulit para mag-aral.

BRO Lag Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon