Runeterra

21 2 0
                                    

Ringgggggggg! Ringgggggg!

"Guys nasaan kayo? Nandito kami ni Quinn ngayon sa hospital!"

Tumawag ako sa buong grupo para malaman nila kung nasaan kami ngayon at kung ano ang kasalukuyang nangyayari.

Tumawag rin sa akin si Gem matapos kong tumawag sa grupo dahil sobrang alalang-alala sya sa akin.

Bigla akong lumuha noong marami syang matanong sa akin ngunit wala akong ibang masagot kundi ay puro paninisi sa sarili dahil kung hindi sa akin hindi magkakaganoon si Quinn.

"Mahal ko, okay ka lang ba? Mahal ko huwag kang umiyak please! Sagotin mo ako." nag-aalalang wika ni Gem.

"Gem, si Quinn hindi pa rin gumigising matapos mabugbog nila Henry." sagot ko.

"ANO? Paanong nakapunta yang gag*ng yan dyan?" tanong sa akin ni Gem. 

Gulat na gulat sya dahil hindi nya lubos maisip na ang lahat ng ito ay dahil pala sa pinsan nyang adik.

"Gem, mahal ko kasalanan ko ito dahil kung hindi dahil sa akin hindi mabubugbog ng ganoon kalala si Quinn. Kasalanan ko ito dahil galit lang naman si Henry sa akin eh hindi kay Quinn." umiiyak kong sambit kay Gem.

"HUWAG KANG AALIS DYAN okay? Makinig ka sa akin mahal ko, huwag kang umalis opo? Pupunta kaming grupo dyan. Hindi ko muna ipapaalam kila mama at papa mo baka kasi mag-alala sila ng lubos sayo." sabi ng mahal ko.

Mga ilang oras lang ay nakarating na ang buong grupo. Si kuya John lang ang wala dahil sya ang pinabantay muna ni Kuya Ben sa Computer shop para makasama sya papunta dito sa hospital.

Noong makapasok na sila ay laking gulat ni Jona nang makita nya ang kalagayan ni Quinn.

"Kasalanan mo ito Jay!" Galit na sambit sa akin ni Jona sabay sampal sa akin.

Wala akong masabi kay Jona  kaya umiyak na lang ako.

"Kung hindi dahil sayo, hindi sana sya nagkaganito! Bakit ba kasi napakabulag mo?! Ano nagbubulag-bulagan prank ka lang ba?" galit na sambit sa akin ni Jona.

"Tama na yan Jona!" pag-aawat ni Billy kay Jona.

"Hindi Billy eh! Si Gem inagaw nya na sa akin, pati si Quinn hindi ko man lang makuha para sa akin dahil si Jay pa rin ang gusto! Wala nang ibang sinabe sa akin si Quinn puro JAY JAY JAY JAY!" galit na sambit ni Jona.

"Sorry" ang tanging salita na nasabi ko.

Mga ilang minuto pa ay may nagmamadaling pumasok sa kwarto ni Quinn dito sa hospital na kasalukuyang pwesto namin.

"CLYDEEEE! UYYYY ANONG NANGYARI SAYO! SINO MAY GAWA NITO  SAYO!" sabi ng isang lalaki na biglang tumakbo palapit kay Quinn.

Pamilyar sa akin ang lalaki na lumapit kay Quinn kaya tiningnan ko kung sino ang mga kasama nya at lubos akong nagulat sa akin nakita.


"Joseph?" gulat kong tanong sa mga lalaking nasa likod namin.

"Anong nangyari kay Clyde?" galit na tanong ni Joseph sa akin.

"DAHIL YAN KAY JA(...)" sigaw ni Jona pero bigla syang sinampal ni Gem dahil doon.

"Pwede ba Jona bumalik ka sa sarili mong katinuan? Kung ano-ano ang mga sinasabe mo!" galit na sambit ni Gem.

Nagulat kaming lahat sa ginawa ni Gem dahil first time namin makakita ng babae na sinampal ng lalaki.

"Ge-gem?" natatawang gulat na sambit ni Kuya Ben kay Gem.

BRO Lag Ako!Where stories live. Discover now