Crazy Jinx

49 1 0
                                    

Eyebags. 

Grabe gusto ko nang mag-umaaagaaaaaaaaaaaa.

Mamamatay na ako dito sa kama kakaisip sa kung ano ang aaminin sa akin ni Quinn.

Haysst. It's already 4'o clock in the morning na pero hindi pa rin ako inaantok. Nangangalay na lang ang katawan ko sa kakaisip kay Quinn.

Ringgggggg! Ringgggggg! Ringgggggg!

On Call

__________________________________________

ME: QUINN? ANO? ANONG SASABIHIN MO? DIBA MAY AAMININ KA ANO YUN?

Papa: Huh? Anak? Yung mga gamit dyan sa sakahan sabihan mo ang nanay mo na ilista na at ihanda ang mga gagamitin at bibilhin. Praning ka na ba? o wala ka pang tulog?

ME: Ayyyyy pa!!! Ikaw pala haha. Sorry po papa.

___________________________________________

Isang batok sa ulo muna self. Masyado kang tanga eh haha.

Sa sobrang kasabikan ko ay hindi ko na napansing si papa pala ang tumawag.

Pinikit ko ang mata ko para kumalma at kumalma nga naman ang pakiramdam ko pero...

"Junjun! Kanina pa may tumatawag dyan sa cellphone mo, sagutin mo na yan o babasagin ko yan! Tanghali na kanina pa yan alarm!" sigaw ni mama na nagpagising sa akin.

Ang hapdi ng mata ko. 

Ringgggggggg! Ringggggggg!

Bigla kong kinuha ang cellphone ko at sinagot ang tawag.

On Call

______________________________________________

Quinn: Nasaan ka na? 

Me: QUINN?

Quinn: Oo ako ito, Nasaan ka na? Kanina pa ako antay dito sa Market.

________________________________________________

Matapos ang tawag na iyon ay nagmadali akong pumunta sa kinaroroonan ni Quinn. 

Sobrang sabik ko sa mga oras na iyon.

Aaminin kaya ni Quinn na gusto nya ako? Haha! Sh*t ang saya ko.

Pero may girlfriend rin sya eh. Ano kaya ang sasabihin nya, masyado na naman akong assuming.

"Bro!!!!! Nandito ako." sabi ni Quinn ng pasigaw dahil nakita nya ako habang nasa malayo.

Natuwa ako ang ganda ng ngiti ni Quinn. Kitang-kita ko sa malayo, bigla syang kumaway kaya nakita ko na may dala-dala syang bulaklak. Hindi ko alam bigla akong kinilig ng nakita ko na nakasando lang sya at kinaway nya ang bulaklak na dala nya. Kitang-kita ang mga buhok nya sa kili-kili.

Hindi ko alam kinikilig ako parang pumupuso-puso ang mata ko.

Bigla akong kinabahan dahil color violet ang kulay ng mga bulakak na dala nya.
Kaya bigla akong lumapit at namula.

"Qu-quinn? Kamusta?" Nahihiya kong tanong sakanya.

"Okay ka lang Bro? Bakit ka kinakabahan?" Nakangiting tanong sa akin ni Quinn at bigla nya akong niyakap.

Naamoy ko na naman ang pawis nyang hindi ko alam nababangohan ako at niyakap nya ako sa gitna ng maraming tao sa market, habang may hawak syang bulaklak.

Kinilig ako dahil first time kong mayakap sa maraming tao. Niyakap ko rin sya kaya nabigla sya.

Pumunta kami ng Mall at tumambay kami sa isang Fast food chain na kainan ng Pizza.

BRO Lag Ako!Where stories live. Discover now