The First Episode: Bro Lag Ako!

23 2 0
                                    


"Pwede bang bitawan mo si Jay?"

"Naririnig mo ba ako Clyde?"

.

.

.

.

.

ang sabi ng isang lalaki na mas matangkad kay Cylde.

"Sino ka?" tanong ni Quinn.

Ako naman ay natulala dahil hindi ko kilala ang gumitna sa usapan namin ni Quinn.

Natulala ako dahil kilala nya si Clyde. Anong mayroon bakit parang mas lalong nagiging komplikado ang mga pangyayari sa buhay ko?

Dati simple lang ang buhay ko sa loob ng bahay at maglaro ng mag-isa sa computer shop ni kuya Ben.

"Ahhhhh, sorry hindi muna ako nagpakilala. Kasi naman nasasaktan na si Junjun dahil sa ginagawa mo." sabi ng lalaki.

Hindi nagsalita si Quinn dahil ang inaantay nyang sagot nito ay kanyang pangalan.

"Are you serious guys? Haha. I'm Alexander, Jay's body guard." pagpapakilala nya.

"What??" parehong sagot namin ni Quinn.

"Yeah, it's true. Pinag-aralan ko na rin kung sino ang mga kakilala mo at kung saan ka pumupunta Mr. Jay dahil gusto kong ako ang matanggap ng Papa mo for body guard slot. Saka wala ka naman dapat ipag-alala. I'm at your service." sabi nya ng bigla syang kumindat.

Medyo napikon si Quinn kaya lalapitan nya na sana para suntukin ngunit pinigilan ko sya dahil noong nasa kainan kami ay napag-usapan na namin nila mama at papa na magkakaroon talaga ako ng body guard.

Pinigilan ko si Quinn, ginamit ko ang kamay ko para harangan sya ng biglang mamula ang mukha nya dahil sa ginawa ko.

Bigla na lang napalunok ng laway si Quinn ng hindi ko alam ang dahilan. Para syang isang aso na biglang napaamo.

Nakakatawa pero para na akong baliw dahil marami na akong nakikilala ngayong araw lang.

Si Quinn nagbago, may nakilala pa akong Tens sa MCdonald's at ngayon may Alexander na body Guard. Do I live like a princess or its a curse? Bakit sila pumapasok sa buhay ko? Para ano saktan lang ako? Saka bakit sa dinami-dami ng mapipili ni  papa bakit ganitong klaseng lalaki pa na pasok sa standards ko? 

Haha, just kidding! Ang gwapo kasi ang matangkad. Hula ko mga nasa 22 years old na ito. Malapit naman na ang Birthday ko kaya magiging 19 years old na ako haha.

"Heyyy Jay? Are you okay?" tanong sa akin ni Quinn dahil natutulala ako habang nakangiti ng mag-isa.

Dahil tinawag nya akong Jay ay nawalan ako lalo ng gana para makipag-usap sakanya. 

BAKIT NYA NAMAN KASI AKO TATAWAGING JAY OUT OF THE BLUE???

Hindi naman nabagok ang ulo nya diba? Saka bakit sa dinami-dami ng makakalimutan nya ako pa? 

Saka kung nakalimutan nya na ako o kung wala na talaga syang pakialam sa akin, Bakit pa sya nandito ngayon? Ano ang purpose nya bakit sya nandito? Ano ang gusto nyang gawin?

Gaganti ba sya dahil nasaktan ko sya?

.

.

.

.

(A few hours later)

"Nakakastress naman ang araw na ito." sabi ko habang nasa loob ako ng kwarto ko.

BRO Lag Ako!Where stories live. Discover now