The Last Episode: Gem's Death

19 2 0
                                    

*********1 Month later***********

(Inside the Internet Cafe)

"Quinn?" Sabi ni Jona.

"Bakit po?" Sagot ni Quinn.

"Tara G?" Sabi ni Jona.

"Sige Jona." Nakangiting sagot ni Quinn.

Ang daming nangyari matapos ang pagkawala ni Gem. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap si Gem.

Hindi pa rin natitigil ang paghahanap kay Gem hanggang ngayon. Alam na rin ng mga pamilya namin ang mga nangyari.

Nagalit at nagulat ang pamilya namin pero nanaig ang pagmamahal ng magulang.

Patuloy na pinaghahanap ng mga pulis ang katawan ni Gem sa tulay kung saan natagpuan ang basag na salamin nya.

Napose poned rin ang League of Legends Tournament dahil sa nangyari. Ninais ng organizer ng event na hindi muna ito ituloy dahil sa banta ng kapahamakan.

Nakarating hanggang sa lugar namin ang grupo ni Henry. Hindi sila basta-basta nahuhuli dahil hindi sila gumagamit ng cellphone kapag pumupunta  dito sa lugar namin. Kaya hirap silang itrack ang mga ito.

Nakaupo ako sa PC 25 habang si Quinn naman ay nakaupo sa Pc 23 katabi si Jona na nasa Pc 22.

Naglalaro sila samantalang ako nakaupo sa PC 25 naghahanap sa Facebook baka may nakakita na kay Gem.

Biglang may umupo sa PC 24 na may Salamin rin kaya ang akala ko ay si Gem na.

"Gem?!" sabi ko sa umupo sa PC 24.

"Sino po? Ako?" sabi ng lalaki na umupo sa PC 24.

Alam nila kuya Ben na ayaw ko muna may maupo sa PC 24 dahil pwesto iyon ni Gem. Binabayaran ko rin ang time sa pc 24 same ng sa time ko sa pc ko.

Kaso hindi napansin nila kuya ben na may naupo sa pc 24.

Bigla akong lumuha dahil akala ko si Gem na iyon. Ayaw kong makita na naman ako ng mga kaibigan ko na umiiyak.

Tumakbo ako papunta ng Cr. Dali-dali akong pumunta sa CR dahil hindi ko na mapigilan ang luha ko. 

"GEM!!!! Miss na kita! magpakita ka na sa akin please!" umiiyak kong sabi sa loob ng cr.

Gem hindi ko na kaya, miss na miss na talaga kita. Nasaan ka na ba kasi? Miss na kita. Bakit mo ako iniwan? Hindi ka patay, hindi ! hindi!

Patuloy pa rin ang pag-iyak ko sa loob ng cr ng biglang may humila sa akin.

"Jay?" sabi ni Quinn.

"Quinn? Bakit ka nandito? Saka bakit Jay tawag mo sa akin?" tanong ko sakanya.

Para na naman akong tanga ng tinawag akong Jay dahil akala ko si Gem na iyon.

GEM! YOU'RE MAKING ME LIKE A FOOL! Miss na kita.

"Huwag ka nang umiyak kasalanan ko ito diba? Mahahanap rin natin si Gem." sabi ni Quinn na may lungkot sa mukha at niyakap ako.

Gusto kong kumawala sa yakap nya pero pinipigilan nya ako.

Hanggang sa hindi ko napigilan sumabay na rin ako sa yakap nya. 

"Yan ganyan, hayaan mo kasi akong yakapin ka, ito na lang ang kaya ko para makabawi kay Gem." malungkot nyang sabi sa akin.

BRO Lag Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon