Gem & Jay (& Quinn)

26 1 0
                                    

....

"Sino yan?" seryosong tanong sa akin ni Gem.

"Ex ko." natatakot kong sagot sa kanya.

"Bakit nagtetext sayo ngayon? Anong kailangan nya!?" ngayon ko na naman nakitang ganito kagalit si Gem.

"Cutiee I don't know matagal na kaming hiwalay nyan pero kinukulit pa rin ako nyan." nalulungkot kong sagot sa kanya.

Baka nagtataka kayo kung bakit ganyan ang naging reaksyon namin.

Sa dinami-dami ng messages na papasok sa akin galing pa sa ex ko.

Nakakainis dahil ang message nya ay"Babe, I'm comming back from US, I'll go muna sa bahay nyo before I get back to US ulit." 

Yan ang natatanging message nya sa akin sinabe nya rin sa mensahe nya sa akin na bukas sya makararating kaya sakto bukas rin kami uuwi ni Gem. Makakapag-usap pa kami kasi antagal na naming nagbreak pero para pa rin syang temang na hindi nakakamove on.

"Ge-gem? Uyyyy hindi ka na naman nagsasalita dyan. Kausapin mo naman po ako." nalulungkot kong sabi sakanya.

"I don't want to argue or to express my feelings through words just listen to this song." Sabi nya sa akin ng may ngiti sa labi.

Nilagay nya sa tenga ko ang earphone at napangiti ako. I don't know pero kinilig ako haha.

"I don't know kung saan ko narinig yang kantang yan basta yang ang mensahe ko sayo ngayon. Ayaw ko muna ng kalungkotan opo? Nandito tayo para magsaya." nakangiting sabi sa akin ni Gem.

Nakangiti kaming dalawa sa mga oras na iyon. Naglakad na kami pababa hanggang sa makarating kami sa pampang.

Hapon na at gutom na gutom na rin kami. Nagsiga na kami ng kahoy at nilabas na namin ang mga gagamitin pangluto kasi kailangan na namin magluto ng dinner bago dumilim kasi kami lang dalawa at para pagdating ng gabi ay kakain na lang kami.

(A few hours ago)

"Cutiee paabot naman po ng kanin at noong inihaw mo." nakangiti kong sabi sakanya.

"Cutiee." seryosong sabi ni Gem.

"Po?" nakangiti kong tanong.

"Ahhh wala, ito nga pala ang pinapaabot mo." nakangiting sagot sa akin ni Gem.

Kumain na nga kami ni Gem habang nakikita ang makulay na mga bituin at maliwanag na buwan. 

Sabayan pa ng mahinhing tunog ng dagat at maligamgam na hampas ng hangin na dumadapo sa mga balat namin.

Matapos naming kumain ay napagkasunduan naming maglakad-lakad sa tabing dagat. Naglakad kami habang dala-dala ang Flashlight.

Tuwang-tuwa kami dahil maraming mga alimango ang mga nagsisitakbuhan at pumapasok sa mga butas sa buhangin.

Natutuwa rin kami dahil para kaming nasa paraiso na kapag tinatapat namin sa dagat ang ilaw ay maraming mga isda ang nagsisitalunan.

Natutuwa rin kami dahil para kaming nasa paraiso na kapag tinatapat namin sa dagat ang ilaw ay maraming mga isda ang nagsisitalunan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
BRO Lag Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon