Chase

58 3 0
                                    

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.


Puting kwarto, malambot na kama, nakasuot rin ako ng mga gamit pang hospital.

Bakit ako napunta dito? Ang sakit ng ulo ko, hindi ako makapagsalita pero nakikita ko si Quinn na nakatalikod at nagcecellphone lang.

Nasaan sila mama, gusto ko silang makita dito sa hospital. Natatakot ako, anong nangyari sa akin?

"Bro, Gising ka na pala? Kamusta ka na?" Nag-aalalang sambit sa akin ni Quinn.

Tumango lang ako kasi wala akong lakas para magsalita.

May nakita akong Diamond na design na sa damit ni Quinn. Tinititigan ko ang desenyo na iyon at kumikimat ang mata ko doon.

"Bro? Ano yan? Anong tinitingnan mo? Ahhh itong damit ko? Anong meron dito?" Tanong ni Quinn sa akin.

Kumimat lang ang mata ko at tumingin kay Quinn.

"Ahhhhh naintindihan ko na, gem. Si Gem ba?" sabi sa akin ni Quinn.

Tumango ako sakanya.

"Hindi nakapunta dito kahit noong nakaraang araw pa. Ilang araw ka na kasing puro tulog lang." sabi sa akin ni Quinn.

Umiling ako na nagpapakita ng hindi paniniwala sa sinabe nya na wala si Gem sa hospital.

"Ohh huwag ka na mastress tatawagin ko na. Nasa labas sya ng pinto natatakot pumasok at makita mo." sabi sa akin ni Quinn.

Pumasok na ulit si Quinn at biglang bumagal ang galaw ng mundo ko ng makita kong pumasok si Gem.

Magkahalo ang saya ang sakit sa puso ang nararamdaman ko.

Iginalaw ko ang kamay ko pataas para maabot si Gem.

Lumapit ng paunti-unti si Gem palapit sa kamay kong pagod ng masaktan.

Nakatitig lang ako sa mga mata nya habang nakikita ko ang inosente nyang mukha na seryoso at ayaw ngumiti.

Hinawakan nya ang kamay kong pagod ng mag-antay na salohin nya.

Tumingin ulit sya sa akin at kinakagat nya ang kanyang labi at nakakunot ang kanyang kilay na para bang may luhang itinatago sa loob.

Nagsimulang pumatak ang mga luha ko, hindi pa rin ako makapagsalita. Andami kong gustong sabihin sakanya, andami kong gustong itanong.

Nagsimulang dumiin ang hawak ko sa kamay nya at mas lalong pumatak ang luha ko.

Gem mahal kita, ang sakit, mahal lang naman kita pero bakit ako nasasaktan ng ganito. Mga bagay na gusto kong sabihin sakanya ngayon.

"Sorry jay! Sorry! Hindi ko alam ang gagawin ko." Umiiyak na sabi sa akin ni Gem at bigla nya akong niyakap.

BRO Lag Ako!Onde histórias criam vida. Descubra agora