The Second Episode: How to forget my treasured Gem?

16 1 0
                                    


*Three months later


"Gem, I really miss you <3

Noong araw na iniwan mo ako ay nagsimulang dumilim ang mundo ko. Nasasaktan ako dahil hindi man lang kita napigilan noon. I am really scared na malason ang isip ko na maniwalang wala ka na.

We're looking for you until now kahit apat na buwan ka na naming hindi nakikita.

Nahuli na rin sila Henry pero hindi ka nila kasama. Nahuli sila pero wala silang sagot kung nasaan ka. 

Nababasag lalo ang puso ko Gem. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin ngayon dahil kahit pilit na pumapasok sa isipan ko na wala ka na ay pilit ko pa ring pinaniniwalaan na mahahanap ka.

Ayaw kong paniwalaang wala ka na dahil para sa akin nasa malayo ka lang. Pero kung nasa malayo ka dapat pinuntahan mo na ako kasi miss mo na rin ako diba? 

Hindi mo ako matitiis na mag-alala sayo diba mahal ko? Mahal ko tumingin ka sa buwan gaya ko. Sana kahit sa pamamagitan ng buwan ay magkatagpo tayo.

Gem ang sakit na ng dibdib ko, hindi ko na siguro kakayanin kapag napatunayan na talagang wala ka na. Hindi ko kaya Gem, ayaw ko. 


Lord, kahit maghiwalay kami, kahit isacrifice ko ang relationship namin basta umuwi sya dito sa amin ng buhay. Promise Lord, pagbalik na pagbalik nya aalagaan ko sya at tutulungan kong maghilom ang mga sugat nya. 

Lord, huwag buhay ni Gem ang kunin mo please! 

Okay lang kahit magkahiwalay kami basta buhay sya. Hindi ko na sya guguluhin promise. Please Lord! Please!"


"Jay tama na. huwag ka ng umiyak please? Hindi gusto ni Gem na nakikita kang umiiyak." sabi ni Quinn.

I am in the middle of the night when I couldn't stop crying. I called my friends in group chat to help me out of this pain but only Quinn came. Hindi ko iyon inaasahan dahil simula ng mangyari ang trahedya noong December ay nagsimula na ring magbago si Quinn.

I really miss the old Quinn na nakilala ko. Ngayon lagi na silang magkasama ni Jona at hindi na "BRO" ang tawag nya sa akin unlike before.

"Jay? Tama na opo? Pasok na tayo sa bahay nyo." mahinahong sagot ni Quinn.

Hindi ko sya pinansin dahil sobrang sakit talaga ng dibdib ko. Parang puputok na ang puso ko sa sobrang lungkot at sakit. 

"GEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEM! MISSSSSSS NA KITAAAAAAAAAAA" sigaw ko ng sobrang lakas habang nasa gitna kami ng bukid namin.

Tinitigan lang ako ni Quinn sa puntong iyon ng bigla nyang idikit ang kanyang palad sa dibdib ko.

"Ayan, simula ngayon iingatan ko na yang dibdib na yan okay? Starting today I will become Gem that you have before. Huwag ka nang malungkot opo?" kalmadong sabi ni Quinn.

"What? so kaya ka nandito dahil gusto mong agawin ang lugar ni Gem sa puso ko?" Hindi ko pinag-isipan ang sinabe kong ito kay Quinn kaya sigurado ako na nasaktan ko sya pero nanatili syang kalmado at pinapatigil ako sa pag-iyak.

"Miss ko na si Gem,Quinn. Gusto ko na syang makita." kalmado kong sabi sakanya.

"GEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEM! PLEASE LET ME TAKE CARE OF JAY HABANG WALA KA PA DITO SA TABI NYA! PLEASE!" sigaw ni Quinn na nagpagulat sa akin dahil first time ko syang marinig na sumigaw ng ganoong kalakas.

BRO Lag Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon