Assassinated

66 5 0
                                    

Tugtog! Tugtog! Tugtog!

Tumitibok ang puso ko habang nakahiga sa kwarto. Ano kaya ang nararamdaman kong ito. Pero parang hindi na sya bago eh kasi naramdaman ko na ito sakanya noong first time ko syang makita sa shop.

Hindi kaya nabulag lang ako? Naghanap ako ng iba na kung saan ay nasa tabi ko na lang naman pala?

Hindi ko lubos maisip kung bakit at kung paano ako nakakaramdam ng ganito. Nabagok ba ang ulo ko noong huling punta ko sa MC Donalds para biglang umikot ang mundo ko?

"Jay tanga ka ba? After Gem, Quinn naman ngayon ? Haysssst." sabi ko sa sarili ko habang ako ay nakatingin lang sa kisame.

Nag-isip ako ng dapat kong gawin, habang nakahiga lang ako ay tinawag ako nila mama.

"Junjun lumabas ka na dyan at may sasabihin ako sayo." sabi ni mama.

"Ano po yun ma?" sagot ko.

"Kung may problema ka o kung malungkot ka pwede ka naman mag open sa amin okay? Magulang mo kami handa kaming makinig sayo." sabi ni mama .

"Opo ma." Niyakap ko si mama at doon ako nalinawan.

Atleast sa ilang minuto lang nawala sa isip ko si Gem at Quinn.

Kumain na kami nila mama at saka ako pumasok sa kwarto.

Naisipan kong tawagan si Quinn.

On call

______________________________

Me: Quinn pwede ba kitang makausap ngayon? 

Quinn: Nag-uusap na tayo diba?

Me:Galit ka pa rin ba?

Quinn: Hindi naman ako nagalit.

Me: okay so pwede kita makausap personal?

Quinn: Sige pero sa isang kondisyon.

Me: Ano yun?

Quinn: Inom tayo habang nag-uusap.

_________________________________

Sinagot ko ng oo si Quinn pero kinakabahan ako bakit kailangan pang uminom.

Pumunta ako sa Apartment nya kasi doon na ulit sya tumitira at doon kami daw mag-uusap.

"Quinn pwede na ba akong pumasok?" sabi ko.

"Oo naman bakit hindi." sabi sa akin ni Quinn.

Pumasok na ako at ramdam ko pa rin ang pagiging seryoso ni Quinn.

Nakaprepare na ang mesa para sa inuman naming dalawa.

Natuwa ako at kinilig sa mga oras na iyon.

Nakangiti kong sabi.

Naupo na kami at nag-usap pero sa usapan na iyon ay medyo hindi ako masaya kasi parang kinikirot ang puso ko.

Andami ko nang nakwento tungkol sa  kung paano kami nagkakilala at mga nakakatawang mga moments naming dalawa ng kami lang at kasama ang tropa.

Noong medyo tinatamaan na kami ay biglang nagsalita si Quinn.

"Bro tama na siguro ito." nakayuko nyang sabi sa akin.

"Ang alin Quinn? Itong inuman?" sagot ko.

"Siguro mali ako sa naging desisyon ko, akala ko kaibigan kita." sabi sa akin ni Quinn habang namumula ang mukha.

"Anong ibig mong sabihin Quinn?" Kinikilig kong sabi. Siguro tama ang hinala ko na higit pa sa kaibigan ang tingin nya sa akin.

BRO Lag Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon